Chapter 3

3.8K 191 6
                                    

Kimielro Klent Wendra

“Kimielro magsabi ka nga ng totoo anak mo ba talaga yun?! “. Tanong ulit ni Viel sakin.

Jusko di ko na mabilang kung ilang beses nya na tanong toh, Tangina please lang ate Shien kunin mo tung asawa mo baka masapak ko bigla!

“ Paulit-ulit ganon?, at ilang ulit ko bang sasabihin HINDI! “. Diniinan ko pa ang magkakasabi ng hindi baka sakaling tumigil na toh tsk!

Yawang bata naman kase to bigla na lang sasabihin ako daw ang dada nya eh di ko nga kilala, tapos isang sambreno pa ang nanay nyan kaya malabo. Anong trip nito!

“Hey baby girl, How old are you? “. Dinig kong tanong ni ate Shien sa bata.

“Five po”. Agad na sagot ng bata.

Wait what?!

Five years old. Edi Seventeen ako nun!

Alam kong loko-loko ako pero wala akong anak!

Or baka tinaguan ako ng anak?!

No! Di ako ang ama nyan!

bat kase parehas kami ng mata, pero baka ganon din yung mata ng ama nya kaya ganon.

Parang gusto kong mameet ang ama nito para makita ko mga ka same eyes ko.

Baka nga mamaya eh dun ko makita si the one sa pamilya nila.

Ganda ng lahi nila ghorl!

Pwedeng sakin na lang ama mo bata?

Pwedeng maging kabet maganda ako!

Napailing na lang ako sa iniisip. Baka nga anak ko toh eh!

Pero hindi talaga, I'm single kaya.

Pero wait I have a-

“Sure ka ba dyan?”. Tanong nito at sinusuri kung nagsasabi ako ng totoo.
Gago to ah!

“Ano ba Viel tigilan mo ko malamang Oo yawa ka talaga! “. Saway ko sa kanya habang na pa iling na lang.

Ganon na ba talaga ako kasinungaling para di sila maniwala?

“What is your name baby girl? “. Tanong ulit ni Ate sa batang naglalaro.

“I'm Zhairyl Glent W. Sambreno po”. Magalang na tugon ng bata sa kanya. Habang focus sa paglalaro.

Wait bakit pag kay Viel sobrang sungit nito?

Sa bagay deserve nya namang tarayan eh.

Ang panget kaya nya, ewan ko ba dito sa pinsan ko kung anong nakita sa babaeng toh.

Maganda naman yung si Clydelle na yun eh, charot sinapak ko nga pala yun.

May jowa na nga yung tao tapos nilalandi pa!

“Pero what if anak mo nga yan?”. Tanong na naman nito akala ko tatahimik na.

What if pag hiwalayin ko kayo? Charot hahahaha

“Kaya pala ang sungit ng bata sayo dahil sobrang daldal mo! “. Nakasimangot kong bulyaw sa kanya.

"What if lang naman! Pero pano si-". Di na nito na tapos ang sasabihin ng mag tanong ulit ang asawa nito sa bata.

“W?, Anong middle name mo? “. Tanong nito bagay nga sila ni Viel di nauubusan ng tanong.

Naka ngiting nakatingin lang ako sa kanila ni Ate Shien ng biglang may binulong ang katabi ko kaya sinamaan ko sya ng tingin.

“Masungit din kase ang ama “. Mahinang bulong nito.

“Ano po...Wendra! “. Masiglang sagot sa kanya ng bata.

Psycho Possessive Wife1(Intersex) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon