Bumaling si Father kay Adriel.

"Adriel Jimenez bukal ba sa iyong loob ang iyong pagparito upang maki-isang dibdib si Allen Sandoval na iyong pakamahalin at paglilingkuran habang-buhay?"

"Opo, Father."

Ibinaling naman ni Father ang paningin niya sa akin.

"Allen Immanuel Sandoval bukal ba sa iyong loob ang iyong pagparito upang maki-isang dibdib si Adriel Jimenez na iyong—"

"Yes Father."

Nabigla ako ng hampasin ako ni Adriel sa braso habang tumatawa. Pinakitaan ko siya ng nagtatanong na mukha.

"Nako pasensya na po Father, medyo excited lang po ang asawa ko."

Napansin kong natawa naman si Father dahil sa sinabi niya. Sino ba naman yung hindi ma eexcite kapag ikakasal ka diba?

"She's right Father, I'm sorry baka kasi bigla akong takbuhan ng asawa ko. Pwede po ba dumiretso na tayo sa you may kiss the bride para maikama—"

Napa aray ako ng muli akong hampasin ni Adriel. Nagtatawanan narin ang mga tao sa likod namin at pati narin si Father.

"Pupunta rin kayo 'dyan hijo."

"Father continue na po." Adriel said.

Muling ipinagpatuloy ni Father ang sinasabi niya habang abala naman ako sa pagkakalabit kay Adriel na seryosong nakikinig sa pari.

"Ano ba Allen umayos ka nga." Bulong niya.

Sabay kaming napalingon kina Vincent at Adri na papalapit ngayon sa gawi namin. Si Vincent ang anak ni Paul na siyang coin bearer namin. Habang si Adri naman na anak ni Ellen ang ring bearer namin.

"Ama naming mapag mahal, basbasan mo't lingapin ang iyong mga lingkod na sina Allen Immanuel Sandoval at Adriel Jimenez. Pangindapin mo na silang magsusuot ng mga singsing na ito ay maging kawangis mo sa iyong wagas na pag-ibig at walang maliw na katapatan. Iniluluhog namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng espirito santo magpasawalang hanggan."

Nakangiti kong kinuha ang singsing kay Adri at dahan dahang isinuot kay Adi.

"Adi kailanman ay hindi kita pagtataksilan. Isuot mo at iyong pakaingatan ang singsing na ito na siyang tanda ng aking pag-ibig at katapatan. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu santo."

Isinuot naman ni Adi ang singsing sa akin habang nakangiting nanunumpa.

"Allen kailanman ay hindi kita pagtataksilan. Isuot mo at iyong pakaingatan ang singsing na ito na siyang tanda ng aking pag-ibig at katapatan. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu santo."

Muling nagsalita ang pari habang ang buong atensyon ko naman ay nasa seryosong mukha ni Adi. I can't believe na muli kung pakakasalan ang babaeng dahilan ng pagbangon ko. Ang babaeng ilang ulit ko mang saktan ay paulit ulit paring bumabalik sa mga bisig ko.

"Maaari mo ng halikan ang iyong asawa."

Tumango ako kay Father at dahan dahang iniangat ang nakaharang sa mukha ni Adi. Napatitig pa ako ng ilang segundo sa mukha niya dahil sa sobrang ganda. Iniisip ko na magiging maganda ang lahi namin kapag nagka anak kami.

"Tulala kana dyan?"

I laughed at her. "I'm sorry."

Inilapit ko sa kaniya ang mukha ko at dahan dahang hinalikan ang malambot at mapupula niyang labi. Rinig na rinig namin ang hiyawan ng mga tao sa paligid.

"Mahal na mahal kita Allen."

"I love you more."

I kissed her again. I've learned in this life that without forgiveness and love, you will live with resentment, bitterness, malice and strife which results in more pain.

Wife's DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon