Kabanata 22 (Special content)

2.3K 52 0
                                    

6 years later

"Allen coffee."

"Thanks."

Nilapag ni Laerah ang kape sa lamesa ko. Ang buong akala ko ay aalis na siya ngunit nanatili siyang nakatayo sa harap ko. Laerah is the new manager of El Sandoval Empire. Limang taon na siyang nag tatrabaho dito sa kumpanya. At dahil magaling siya ay ibinigay ko sa kaniya ang posisyon na gustong gusto niya.

"Dinner tayo mamaya?"

I shook. "Nope, I have something to do."

"Bakit suot mo parin ang singsing na 'yan? diba matagal na kayong hiwalay ng asawa mo."

"Hindi kami nag hiwalay, nagkatampuhan lang."

"Grabeng tampo naman yan anim na taon. At hindi ko kilala yang asawa mo ha pangalan lang niya ang alam ko."

I don't mind her. Marami pa siyang sinasabi pero hindi ko iyun pinakinggan. Kinukwentuhan niya ako palagi tungkol sa mga love story na nababasa niya sa libro. Nang matapos na ako sa ginagawa ko ay kaagad ko ng niligpit lahat ng mga kalat ko. Kailangan namin paghandaan ang pagbubukas ng bagong resort sa tagaytay.

Ilang sandali pa ng may bigbang kumatok at pumasok ang sekretarya kong si Jack. Hindi na ako kumukuha ng babaeng sekretarya dahil baka biglang pumunta dito si Adi para makita ako. Alam kong malabong mangyari 'yun pero umaasa parin ako.

"Sir Allen nandito na po si Ms. Valentina."

"Papasukin mo na sila."

Ilang saglit pa ng pumasok si Valentina kasama ang mga models niya. Kinilatis ko ang mga models na ngayon ay nakangiting nakatitig sa akin. Tss, alam ko naman na gwapo ako pero sorry to them I already married.

"Good afternoon Mr. Sandoval!"

Valentina greeted to me. Sinenyasan ko silang umupo. Tinitignan ko palang ang mga models ay sigurado ako na wala akong makukuha dito. I want something new. Something that enchant.

"Pumili kana ng gusto mo."

"Wala kana bang bagong models?"

She laughed. "Allen madalang nalang ang mga models ngayon. Gusto mo ba ng something new? bagong mukha? yung bagong pagkakaguluhan ng mga investors and visitors ng resort na bubuksan mo? sana si Tuval ang kinontak mo."

"Something new, bagong mukha, bagong pagkakaguluhan ba ang hanap mo Allen my dear?"

Nagulat ako ng pumasok si Tuval. I was amazed what she's wearing right now. Very fashionist. When she walked near me I gave her a big smile.

"Kind of."

"Three models ang kakailanganin mo, Veronica and Gilcy are available. And gusto ko lang malaman mo na may bago akong anak. Very fantastic, goddess and attractive."

Kahit kailan ay hindi ako binibigo ni Tuval sa mga pinapadala niyang models. I accept her offer dahil may tiwala naman ako sa kaniya.

"Dalhin mo dito ang mga models mo tomorrow morning. And I am excited to meet your new daughter."

She smiled at me. Hindi ko alam pero pakiramdam ko parang may kakaiba sa ngising iginawad sa akin ni Tuval.

Nang matapos ang usapan namin. Ay iniwan ko kay Laerah ang mga papers na iniwan ko dahil gawain niya naman 'yun. Bago ako umuwi binilhan ko muna ng cake si Bevei. She texted me that she's craving for a chocolate cake.

Wala na si Adi para gawan siya ng cake. Bevei grow up, she's already fourteen years old. And I am happy to see her that she's improving. Ginawa ko ang lahat para maayos na makapag salita si Bevei at ngayon patuloy parin kami sa proseso.

"Bevei kuya is here!"

Pagkapasok ko ng bahay ay nakita kong naglakad siya papalapit sa akin habang hawak hawak ang tablet niya.

"Wow kuya thank you p-po."

"Your welcome, daddy is here na ba?"

She nodded. Dumiretso na siya sa kusina bitbit ang cake na binili ko. Habang ako naman ay dumiretso ako sa garden kong saan nakita ko si papa na nagkakape.

"Dad..." I sit up beside him.

"Oh Allen nandito ka pala. Nakahanap kana ba ng mga models?"

"Yes I'll meet them tomorrow."

"Make sure na babagay sila sa theme ng hotel."

I nodded. "Yes dad."

Nang matapos kaming mag usap ni daddy ay nag paalam na ako sa kanila na uuwi na. Pagod na pagod ako, nagising ako kaninang alas kuwatro ng umaga para tapusin ang mga naiwan kong trabaho kahapon. Nang makauwi ako ay kaagad akong dumiretso ng kusina para mag luto ng hapunan.

Simula ng mawala sa'kin si Adi ay pinag-aralan ko ang lahat ng mga gawaing bahay. Ako na ang naglalaba ng mga damit ko tuwing weekends, ako narin ang nagluluto para sa sarili ko. Ako narin ang naglilinis ng buong bahay namin ni Adi. Pero kapag pagod naman ako ay pinapapunta ko dito si manang sesil para gawin ang mga gawain sa bahay.

Walang araw at oras na hindi ko naiisip si Adi. Now I realized na hindi ko dapat sinaktan si Adi. Kong dati ay dinadaanan ko lang siya kapag nagkikita, ngayon hinahanap hanap ko na siya sa bawat sulok ng bahay. Ngunit tanging ala-ala nalang lahat ng 'yun.

Nang lumipas ang gabi ay tinawagan ko sina Paul at Gino para papuntahin dito sa bahay. Gusto kong uminom para naman makatulog ako kaagad. Hindi nag tagal ay dumating na din silang may mga dalang inumin.

"May problema ka siguro kaya nagyaya lang uminom 'no?" Bungad ni Gino.

Inilapag naman ni paul ang bitbit niyang alak. "Kong may problema man si Allen, iyun ay ang hindi pag uwi sa kaniya ni Adi ng anim na taon."

Hindi ko siya pinansin at tumawa naman sila. Paul is right. Iniisip ko nalang na gumaganti si Adi sa mga ginawa ko dati. Ngayon na realized kong sobrang sakit pala kapag hindi mo nakikita ang asawa mo sa bahay niyo. Naiintindihan ko na ang nararamdaman ni Adi dati.

"Let's get drunk,"

"Anong let's get drunk Paul? gusto mo sakalin kita? mag da-drive kapa pauwi, ibabalik mo pa ako sa asawa ko."

"Hindi kaba marunong umuwi sa asawa mo Gino?"

Tinawanan ko lang ang mga sumbatan nilang pabiro. Kong sana nandito si Adi mas magiging masaya sana ako ngayon. But she's gone, and I don't know where she is. Hinalughog ko na ang buong pilipinas para mahanap siya. Nag hire ako ng mahigit sampong secret agent. Nag bayad ako ng malaki para mahanap siya pero wala talaga.

Ang sabi ni Edrick ay ginawang sekreto ni Adi ang lahat ng mga papeles niya kong saan man siya, kaya hindi siya dali daling mahanap. Hindi ko alam kong paano nangyari 'yun. Tinatanong ko rin sa sarili ko kong sino ang taong tumulong sa kaniya na makalayo sa'kin.

"Pero paano Allen kapag bumalik si Adi, anong gagawin mo?" Gino suddenly ask.

"I will chase her. Madaling makuha si Adi, kilala ko na siya."

"Hindi mo sure, nakaya niya ngang lumayo sa'yo ng mahigit anim na taon."

Natahimik ako dahil sa sinabi ni Paul. This is my fault, Tsk.

"Baka may pamilya na siya Allen."

"No, hindi pwede mangyari 'yun dahil kasal parin kami. Yun nalang ang alas ko."

"Paano kong gusto niyang mag pa annul sa'yo? edi kawawa ka!"

They laughed loudly. Nag eecho ang boses nila sa loob ng bahay. Fuck! kaibigan ko ba talaga sila?"

Kahit ano pang sabihin nila ay mas naniniwala ako sa sarili kong makukuha ko ulit si Adi. Siguro ay inayos niya lang ang sarili niya kaya umabot ng anim na taon ang pagkawala niya. She loves me so much. And I will do everything to make her back.

Wife's DevotionWhere stories live. Discover now