Simula

5.6K 90 8
                                    

Parang matutumba na ako dahil sa bigat ni Allen. Nang makapasok kami sa kwarto ay kaagad ko siyang itinulak dahilan para mapahiga siya sa kama.

Umuwi siyang lasing, ang sabi ni Paul ay birthday daw ng isa nilang kaibigan na si Gino kaya nag kayayaan sila. Sinabi din sa akin ni Paul na wala namang babae sa lugar kung saan sila nag inom.

Alam ni Paul at Gino na ayaw na ayaw kong sinusulsulan nila si Allen. Alam na alam din nila ang ugali ko, kung paano ako magalit at mag tampo. Ayaw na ayaw kong may dumidikit na babae sa asawa ko, at pati bakla ay hindi ko pinapalampas.

Tinitigan ko ang maamong mukha ng asawa ko. Sobrang bait niya kapag tulog. Pero kapag gising parang bato na hindi natitinag sa akin. I kissed him passionately. And I didn't expecting that he will kiss me back.

Nagpalitan kami ng halik hanggang sa nahubad na niya ang pang itaas ko. Nakapatong ako ngayon sa ibabaw niya at amoy na amoy ko rin ang mabahong amoy ng alak. Kapag lasing si Allen ay nagagawa ko lahat ng gusto ko. Pero kapag nasa matinong pag-iisip siya ay hindi. Kahit na batiin ako sa umaga ng good morning ay wala akong natatanggap.

Nagpatuloy kami sa ginagawa namin. Hindi niya naman maaalala ang nangyayari sa amin ngayon dahil lasing naman siya.

Kinaumagahan ay maagang umalis si Allen. Hindi naman siya nagtanong sa'kin kong sino ang nag hatid sa kaniya at kong anong nangyari kagabi. Basta nalang siyang umalis.

"May nangyare sa inyo kagabi?" Ellen suddenly ask.

I nodded. Halos kanina pa ako nakangiti dahil hindi mawala-wala sa isip ko ang mga nangyari sa amin kagabi ni Allen. Kung paano niya ako titigan. Kung paano niya angkinin ang buong katawan ko. At kung paano dumampi ang kaniyang mga maiinit na halik sa bawat hibla ng balat ko.

"Ah kaya pala kahit sa pagsandok ng kanin nakangiti ka."

Dito ngayon naisipan ni Ellen na kumain. Kagagaling niya lang sa isang event at nag request siya sa akin na lutuan ko siya ng masarap na pagkain. Nag kwentuhan lang kami buong maghapon. Nag online shopping, kumain, nanuod ng tv. At ng sumapit ang gabi, nag paalam na si Ellen sa'kin na uuwi na kaya hinatid ko naman siya sa labas. Nang makaalis na siya ay kaagad na akong bumalik sa loob at naupo sa sala para hintayin si Allen.

Halos buong katawan ko ay pinagpapawisan na ng dahil sa galit na nararamdaman. Ilang oras na akong naghihintay sa asawa ko, ni hindi pa nga ako naghahapunan dahil sa kakahintay sa kaniya. Bakit hindi pa siya umuuwi? saan nanaman kaya nagpunta ang lalakeng 'yon?

Kaagad kong inabot ang cellphone ko para sana tawagan siya ng biglang bumukas ang pinto. Iniluwa niyon ang asawa kong walang emosyon.

"Saan ka galing? five pm ang off mo sa trabaho and it's already ten pm for god sake Allen!"

Hindi niya ako pinansin at nag lakad papasok sa kusina. Sinundan ko siya. Paulit ulit kong tinatawag ang pangalan niya ngunit hindi manlang niya ako nililingon.

Parang hindi niya ako nakikita. Parang hangin lang ako sa paningin niya. Ganito palagi ang takbo ng relasyon namin. Hindi kami ganito dati.

Akmang tatalikuran niya ako ng bigla ko siyang hilahin.

"Allen ano ba kinakausap kita!" Sigaw ko.

Gusto ko ng magwala. Gusto ko ng magbasag ng mga gamit. Gusto ko siyang sampalin ngunit hindi ko magawa. Hindi ko makakayang saktan si Allen.

Wala akong alam sa nangyayari sa kaniya araw araw dahil kahit pagtawag ay hindi niya magawa.

"Ano bang gusto mo Adriel?"

Mahinahon niyang tanong. Hinawi ko ang mga luha sa pisnge ko.

"Ellen told me that-"

"That what? na nakita nanaman niya akong may kasamang iba?"

Napakuyom ang kamao ko ng biglang tumaas ang boses niya.

"Ano am I right? Adriel she is Sabrina anak ni Mr. Ramirez for god sake!"

"I-im sorry...."

"Praning kana Adriel!"

"Hindi mo kasi ako naiintindihan! kaya ako nagkakaganito dahil mahal kita Allen!" Sigaw ko.

Humakbang siya papalapit sakin. He groaned.

"Para akong pinapatay ng pagmamahal mo, nakakasakal kang magmahal." Madiin niyang sabi saka ako tinalikuran.

Biglang nanlambot ang mga tuhod ko. May mali ba sa paraan ng pagmamahal ko? masisisi niya ba ako kong ganito ako mag mahal? I am doing this because I'm his wife! at karapatan kong ipagdamot siya sa mga taong gusto siyang agawin sa'kin.

Nakakasakal ba ang pagmamahal ko?

Alam kung galit sa akin si Allen, pero hindi ibig sabihin 'non ay susukuan ko na siya. I love him, and I can do everything to attain his trust again.

-

Note:

This is unedited expect a lots of grammatical errors. This story contains strong language and scenes that could be disturbing to certain readers. Read at your own risk.

Disclaimer:

This is a work of fiction, names, characters, business, places, events or incidents are either the product of the authors imaginations or used in a fictious manners. Any recemblance to actual person living or dead is purely coincidental.

(03 •11 •22)

Wife's DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon