Kabanata 12

1.6K 38 0
                                    

"ANO?!"

I suddenly closed my eyes when Faith shouted at me. Hindi ko inaasahan na magiging ganito ang reaksyon niya dahil sa sinabi ko. Nahampas pa niya ang table namin. Paulit ulit naman siyang inaawat ni Duke dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao.

"Ganyan kana ba ka tanga Adriel? aminado akong ship na ship ko talaga kayo 'nuon, pero 'nuon 'yon ha ngayon hindi na."

Pabagsak siyang umupo sa upuan. I smiled at her. Alam kong concern lang talaga si Faith sa'kin. Sa lahat ba naman ng pinaggagagawa sa'kin ni Allen. Saksi din siya kong paano ako nasaktan ni Allen 'nong araw ng matindi naming pag-aaway.

Napahawak ako sa pisnge ko ng maramdaman ko ang malakas na sampal ni Allen. Namanhid ang buong mukha ko dahil sa ginawa niya. Ito ang unang beses na nasaktan niya ako ng pisikal.

Ang akala kong langit ay impyerno pala. Tatlong buwan na simula 'nong malaman ni Allen na nagsinungaling ako sa kaniya. Hindi niya matanggap ang nagawa ko pero naiintindihan ko naman siya.

"Allen hindi mo dapat ginawa 'yon!" Sigaw ni Faith.

Nadatnan niya kami ni Allen sa ganitong sitwasyon. Nakita kong maluha luhang dinamayan ako ni Faith habang hinahawi ang pisnge ko.

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Ni minsan ay hindi ako sinaktan ni Papa ng ganito. Ni minsan ay hindi ni papa napadamo ang kaniyang mga palad sa pisnge ko. Tanging si Allen lang ang nakagawa nito sa'kin.

"Demonyo ka Allen!"

"Faith tama na..."

Mas lalong nagalit si Faith ng makita niyang may sugat sa bandang gilid ng braso ko. Gawa ito ni Allen kanina. Habang nagluluto ako ay bigla niya nalang tinaob ang kawali kaya ang mainit na mantika ay natapon sa bandang gilid ng braso ko. Galit na galit siya na hindi ko malaman kong anong dahilan.

Hawak hawak ko ang braso ko kong saan nag iwan ng scar ang sugat na 'yon. Kapag sa malapit ay kitang kita mo. Pero kapag sa malayo hindi naman halata.

"Adi ituloy mo na..."

"Faith binigyan ako ni Allen ng chance, kaya bibigyan ko rin siya."

Hindi kumibo si Faith at tulala lang na nakatingin sa baso na may lamang juice.

"Adriel if you need help, just contact me." Biglang sabi ni Duke.

"Salamat..." Bumaling ako kay faith. "Sana maintindihan mo, kasal kami Faith hindi biro ang sumpaan namin sa altar."

Naiintindihan ko si Faith at sana intindihin niya rin ako sa lahat ng desisyon ko. Matapos namin mag usap ay nag paalam na ako sa kanila na pupunta kay Allen. Niyaya pa nila ako mag dinner ngunit tumanggi ako dahil gusto kong sabay kami ni Allen kakain.

Sumakay ako ng Taxi papunta sa El Sandoval Empire. Nang makarating ako ay kaagad na akong pumasok sa loob. Mag aalas otso na, medyo nakakaramdam na rin ako ng gutom.

"Good evening ma'am Adi."

Bati ng isang empleyado. Ngayon nalang muli ako nakaapak dito. Mabuti nalang at marami paring nakakakikala sa'kin.

"Si Allen?"

Tanong ko ng huminto ako sa table ng sekretarya ni Allen.

"Ah nasa loob pa po Ma'am."

I smiled at her. Papasok na sana ako sa loob ng opisina ni Allen ng pigilan ako ng sekretarya niya.

"Nako ma'am bawal po kayong pumasok dyan."

"At bakit? I'm his wife."

Ngumiwi ito. "Pasensya na po ma'am, iyon po kasi ang bilin ni Sir Allen."

Bakit hindi ako pwedeng pumasok? asawa ako ni Allen for god sake! biglang tumaas ang temperatura ko dahil sa babaeng 'to. Sino siya para pigilan ako? eh pagmamay-ari ko rin ang kompanyang 'to dahil asawa ko ang may-ari.

Wife's DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon