Kabanata 07

1.7K 51 0
                                    

"Gusto mo ba maging model?"

Ngumiti lang ako dahil sa sinabi ni Tuval. Wala akong hilig sa pagmomodelo lalo na't magsuot ng mga labas kaluluwa na damit.

"Sayang ang ganda mo kong hindi mo gagamitin." Dagdag niya.

"Hay nako Tuval puputi lang ang buhok mo sa kakapilit kay Adi."

Singit naman ni Ellen na busy sa paglalagay ng foundation sa isang model. Ang galing talaga ni Ellen pagdating sa pagpapaganda.

"Ayoko wala akong hilig sa mga ganyan, tsaka hindi naman pang miss universe ang ganda ko eh." Biro ko.

They both laughed.

"Ako nalang kaya ang kuhain mo Tuval, kahit mag offer kalang sa'kin ng one million hinding-hindi kita tatanggihan."

"Ang kapal naman ng mukha mo Ellen, sa magaspang mukha mo palang ay puputok na ang buchi ko!"

Hinayaan ko silang mag usap. Tumayo ako para maglibot libot. Nandito kami ngayon sa isang resort kong saan gaganapin ang Fashion show.

Wala naman akong gagawin sa bahay kaya sumama nalang ako dito kay Ellen. Bukod 'don ay siya narin ang bahala sa dinner namin dahil malaki ang makukuha niyang pera sa pag memake-up ngayong gabi.

"Hoy nandito kalang pala." Bungad ni Ellen.

"Naglilibot libot lang ako."

Napaaray ako ng bigla niya akong hampasin sa braso. Mahina ko naman siyang tinulak.

"Bakit ba nang hahampas ka! masakit 'yon ah."

"Nakakainis!"

"Bakit?"

"Hindi pa dumadating ang isang model, twenty minutes nalang magsisimula na ang fashion show."

Si Tuval ang head ng fashion show ngayong gabi. Nag set sila ng fashion show para sa pagbubukas ng isang resort na pagmamay-ari ng mga Xincheng.

Limang models lang naman ang rarampa sa stage suot ang magagandang evening gown na gawa rin ni Tuval.

"Maiwan muna kita ichecheck ko lang kong dumating na si Gilcy."

Tumango ako. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa mapunta ako sa dalampasigan. Pinakinggan ko ang mga hampas ng alon. Dahan dahang gumuhit ang mga ngiti sa labi ko ng may pumasok sa ala-ala ko.

'Huwag mong hayaan na sirain ng kalungkutan ang masaya mong buhay.'

'Sasamahan kita sa dilim.'

Natauhan ako ng bigla akong hinila ni Ellen. Sinasaktan na niya ako ng pisikal ha, sigurado akong stress na talaga siya dahil hindi pa dumadating ang isa nilang model.

"Ellen ano nanaman ba?" Reklamo mo.

"Ikaw nalang ang pag-asa namin."

Nagulat ako ng hilahin niya ako pabalik sa venue. Pagkapasok namin sa dressing room ay inulak niya ako dahilan para bumagsak ako sa malambot na sofa. Ngayon ko lang naintindihan kong anong binabalak nila.

"Tsaka kana mag reklamo Adi kapag tapos na ang Fashion show." Bulong ni Tuval.

Walang may nagsalita na kahit sino. Kahit na si Tuval. At kahit na si Ellen. Busy sila sa pag-aayos sakin. Ang ibig sabihin ba nito isa ako sa lalakad mamaya sa stage?

Anong gagawin 'ko?

Nakatayo lang ako dito sa gilid habang nag-iisip kong paano hindi kabahan. May theme ang event na 'to sinabi na sa akin ni Tuval. Tinuro narin niya sa'kin kong paano ang tamang paglalakad. Sa loob ng bente minutos ay nagawa namin 'yon.

Wife's DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon