Tag-Araw

175 9 0
                                    

Kalagitnaan ng mayo nakaupo ako sa ilalim ng puno,

Dama ang mainit at maalinsangang panahon,

Tirik ang buong tanghali dahil sa tindi ng init na nagmumula sa araw.

Kapag pinagmamasdan ko ang araw mula sa aking kinauupuan para bang ako'y mabubulag sa sinag.

Sinag na mas maliwanag pa sa ordinaryong ilaw.

Ang mga damuhan sa paligid ay tila ginto dahil sa repleksyong binibigay ng araw kung tititigan.

Kitang kita ko sa kanan ang mga bakang nagpapahinga at sumisilong sa puno ng mangga.

Kitang kita ko sa kaliwan ang mga alagang kambing na uhaw na uhaw sa tubig tabang.

Dahil sa tindi ng init sa paligid nakaramdam ako ng pagdalaw ng aking antok.

Sumandal ako at pumikit sa ilalim ng puno sa gitna ng tag-araw.

Malayang tula
May 06, 2022.
Tag-Araw

Collection Of Short Poetries Written By: supremejamWhere stories live. Discover now