"It's okay Mama. Perfect ko ang test sa English kanina," proud nitong saad.

"Wow, ang galing naman niyan. Proud si Mama."

"At si Kuya." Ginulo ni Rehan ang buhok ni Mark at hinawakan ang kamay.

Ilang segundo lang, nakita ko ang patalon-talon na si Briel. May pasuntok pa sa hangin ang loko bago naglakad palapit sa amin.

"Hello, Mama ko. Ang pretty mo po today," saad nito at may pilyong ngiti sa mga labi kaya naisipan kong sabayan.

"Hmm, ngayong araw lang? Hindi ba ako pretty everyday?" kunwari malungkot kong sabi na nagpalaki ng mata niya.

"H-Hala, hindi po Mama. Pretty po ikaw lagi 'wag ka na lungkot Mama ayaw ko lungkot ka," deretso niyang saad at walang hinto hinto para huminga kaya tumawa ako sa kaniya.

"O ano, nakahinga ba?" Kumakamot sa kilay itong tumango at ngumuso.

"Si Caly? Hindi niyo ba nakita?" Umiling silang lahat kaya siguro ay nasa loob pa iyon ng classroom nila.

"Sunduin na natin at baka inaaway na naman 'yun."

Nang matanaw ko ang classroom nila, wala akong makitang Caly sa labas. Sumilip ako sa may bintana, hindi ako magpakita talaga kasi baka naiwan at nagsusulat, ma-distact pa namin.

Pero iba ang nakita naman.

"Aba. Kausap na naman ang rich kid," bulong ng isa sa magkakapatid. Pinatahimik ko sila kasi baka marinig kami.

Hindi kalayuan ang upuan ni Caly dito sa bintana kaya naririnig namin usapan nila. Nasa harapan ni Caly si Moses at tila sobrang seryoso ng usapan nila hanggang sa nagsalita ulit si Moses.

"Don't be jealous na kasi, you know naman na ikaw lang ang baby girl ko. Sa tingin mo magla-lie ako sa harap ng Mama mo? No, I not lie, Caly. Baka ilayo ka ni Tita sa akin."

Napataas ang dalawa kong kilay. Hito na naman po ang love life ng Anak ko.

Si Caly naman ang nagsalita habang nakanguso.

"Promise? Akala ko kasi crush mo ako tapos crush mo din si Alex. Pili ka lang ng isa sa'min, ayoko may kaagaw."

Napa tsk naman si Rehan na siyang pigil kong tinawa dahil baka pumasok ito sa loob.

"Yuck." Reaksyon ni Mark.

"Eww." Reaksyon ni Breil.

"Shh!"

"Promise, baby. Ikaw lang talaga." Nakita kong tumango tango si Caly ay yumakap kay Moses.

Huli na nang makatago kami dahil malalaki ang mga itong tumingin sa may bintana sabay bulong ng "Mama..."

Sa reaksyon ng mukha niya, para siyang nakakita ng multo, para siyang may ginawang krimen tapos caught in the act.

"Hi, princess!" bati ni Briel a siyang nagpatulak ni Caly kay Moses na bumagsak sa sahig.

Alam kong gusto niyang tulungan pero nahihiya kasi nakatingin ang tatlong kuya niya.

"Mama," bulong nito nang makayakap sa hita ko at gustong magpakarga.

Agad namang sumunod si Moses sa labas at may balak na lumapit kay Caly nang harangan ito ni Mark at Briel.

"Saan punta mo, rich kid?" Napailing na lang ako. Lagi ko na silang sinasabihan na tigilan ang kakatawag ng ganiyan kay Moses dahil mabuting bata naman talaga ito.

"K-Kay Caly po," sagot nito at napayuko.

"Kuya! 'Wag niyo nga awayin baby ko! Mama oh, epal sila Kuya," sumbong ni Caly sa'kin at naglalambing na yumakap sa leeg ko para kampihan ko siya.

HER HALF (COMPLETED) Where stories live. Discover now