Chapter 14: Jelous Much Yarn?

139 102 0
                                    


Samantha's pov,


Nagising na lang ako dahil naalimpungatan ako nilibot ko ang paningin sa paligid pinilit ko bumangon pero hindi ko magawa dahil ang sakit ng kanang paa ko at nanghihina buong katawan ko napahiga ako ng ayos dahil bumukas yung pinto at pumasok si Ella na may dalang tray.

"Gising na po pala kayo, nagluto po ako ng-"

"Ayoko niyan." Putol ko sa kanya.

"Kailangan niyo po kumain-"

"Hindi mo ba narinig sinabi ko? Sinabi ko ayoko niyan gaano ba kahirap maintindihan yang sinabi ko?!" Nakita ko na naluluha na ang mga mata niya ans i don't care iniwan niya ako kagabi at hindi ko siya mapapatawad.

"S-Sorry po,"

"I don't want to hear your voice again, nakakairita! Iniwan mo ko don so ano ineexpect mo na okay sakin yon?!" I open up the topic last night.

"Hindi ko po intensyon na iwan kayo roon, humingi po ako ng tulong kila Kuya-"

"Sinungaling ka! Siguro you planned already kasi you hate me, balak mo talaga ako masaktan at iwan don!" Binato ko siya nung unan na kaagad naman niya sinangga. I wipe all my tears dahil sa sakit at galit na nararamdaman ko sa kanya.

"H-Hindi po totoo yan, m-makinig po m-muna kayo sa akin." Umiiyak niyang anas.

Huminga ako ng malalim at tinignan siya ng deretso sa mata. "For what for? Ayoko na makita pagmumukha mo at dalhin mo na yang pagkain mo baka may nilagay ka pang lason d'yan."

Tanging pagiyak niya na lang ang naririnig ko, habang inaayos niya yung tray hindi ko na siya tinignan pa hanggang sa marinig ko na lang ang pagsara ng pinto.

Napadilat ang mga mata ko ng marinig ko na bumukas yung pinto. "Sinabi ko na-" natigilan ako ng makita ko si Sean at may dalang tray derederetso lang siyang pumasok at naupo dito sa gilid ko.

Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Kung yan yung dalang tray ni Ella kanina, ayoko niyan."

Narinig ko siyang bumuntong hininga. "Wag ka na magalit kay Ella, walang may gusto ng nangyari sainyong dalawa parehas kayong nasaktan.."

Pinipigilan ko maluha. "Kahit ano pa sabihin mo, iniwan niya pa rin ako don hinayaan niya ako maiwan sa madilim na lugar na yon."

"Ginawa niya yun para humingi ng tulong sa amin, kung balak ka niya iwan edi sana wala ka rito ngayon at kausap ko,"

Nilingon ko siya. "So utang na loob ko ba sa kanya yun?"

"Hindi mo nagegets yung pinupunto ko, Ma'am Samantha hindi ginusto ni Ella masaktan ka ng ganyan hindi niya intensyon na iwan ka roon diba sabi ko sayo walang masama umamin ng pagkakamali kung alam mo sa sarili na may mali ka rin,"

Tama naman si Sean kundi dahil sa pagpupumilit ko na puntahan yung sinabi ni Ella hindi kami mapapahamak at hindi ako maaksidente, natakot lang naman ako dahil akala ko iiwan niya na ako dun kasi galit siya dahil palagi ko siya pinapagalitan at inuutusan.

Hinawakan niya ako sa kamay kaya napatingin ako sa kanya. "Sam, hindi ka namin minamadali na makipagusap agad kay Ella para makipagayos, anytime kung saan ka komportable. Kumain ka na para makainom ka na ng gamot."

Rich Girl Series #1: Tame The Wealthy Brat Where stories live. Discover now