Chapter 12: Pride Chicken

164 115 1
                                    


"Hindi maayos ito kung parehas kayong may pride chicken."




Samantha's pov,

"Bakit naman ako hihingi ng sorry sa kanya?" Rinig kong sabi ni Matt, nandito kasi kami ngayon sa sala at pinaguusapan ang nangyaring bangayan kagabi.

"Edi wag ka magsorry duh? Hindi ka naman kawalan." Komento ko.

Tatayo na sana ako ng pigilan ako ni Ella kaya napabalik ako sa pagupo, tumahimik ang lahat ng dumating na si Yaya na masama ang awra ng mukha naupo siya sa gitna naming upuan.

"Hindi ba kayo magaayos pa? Hindi na kayo nga bata para sermunan ko pa ng ganito." Paguumpisa niya.

Sabay kami nagkatinginan ni Matthew inirapan ko lang siya at nagawi ang tingin kay Yaya. "Hindi ko need magsorry sa kanya, siya naman yung nauna hindi ako."


"Kung walang magpapakumbaba sa inyong dalawa hindi ito matatapos, Matthew?"

"Hindi po ako makikipagbati sa kanya, nagsasabi lang naman ako ng totoo kagabi." Depensa niya.

Umirap ako sa hangin at pinagkrus ang dalawang braso. "Kung hindi ka kasi nangialam edi sana hindi tayo aabot sa ganto." Parinig ko.

"Kung hindi sana makitid utak mo at nakaintindi ka sa nais ko palabasin edi sana hindi tayo aabot sa ganto." Sagot niya.

Napabangon ako sa kinauupuan ko. "Ano sinabi mo?! Ulitin mo nga bastos ka talaga!"

"Ikaw yon--"

"Awat na po!" Awat nila Ella sa akin at kay Matthew.

"Oh, ano sige!" Hamon ko.

"MAGSITIGIL NGA KAYO! GANYAN BA KAYO KAWALANG RESPETO SA HARAPAN KO?!" Natigil kaming lahat dahil sa sigaw ni Yaya.

Nabalik kaming lahat sa pagkakaupo, napahilot siya ng sintido. "Kung ganyan lang rin naman kayong dalawa at wala ni isa sainyo ang gusto magpapakumbaba, isang linggo kayo magtratrabaho ng magkasama sa farm at lahat ng gawain nila Kevin kayong dalawa ang gagawa."

Halos malaglag ang panga ko dahil sa narinig ko. "What?! No! Yaya bakit ako? Bakit hindi na lang siya tutal mas deserve niya parusahan." Tutol ko.

"Samantha, No excuses parehas kayong may mali at parehas kayong mapride wala akong magagawa kung ayaw niyo mag-sorry sa isa't isa."

"No! Hindi mo ko pwede pagtrabahuin na lang, and ayoko siya nakasama. Yaya please I promise to you na magbebehave nako."

"Tsk! Hindi rin naman kita gusto kasama kairita ka." Rinig kong bulong niya.

"Anong sinabi mo?!" Inis kong tanong sabay bato nung throw pillow sa kanya.

Pumagitna na si Yaya. "Maguumpisa na naman kayo! Hayy nako, gawin niyo yung parusa niyo at wala kayong magagawa kung hindi magtulungan, hindi kayo maghihiwalay hangga't hindi kayo nagkakaayos. Nagkakaintindihan ba!?"

Napabuga na lang ako ng hangin dahil sa inis. "Okay." Walang gana kong sagot.

"Okay."

Tumayo siya na may ngiti sa labi. "Mabuti naman kung ganun, sige na magayos na kayo at kailangan na kayo sa farm," Tumingin siya dun sa apat. "At kayong tatlo hindi niyo silang pwede tulungan malilintikan talaga kayo sa akin! Kevin, Isaac ituro niyo sa dalawang iyan ang ginagawa niyo." Utos niya saka umalis.

Rich Girl Series #1: Tame The Wealthy Brat Where stories live. Discover now