Chapter 11: Bangayan Na Naman.

184 129 3
                                    




Samantha's pov,


I woke up with tears in my eyes, I didn't realize that I was crying in the dream until now, what Caleb did to me is still fresh, if I ever heal, I will never forgive him. I don't know if I will be able to heal if every minute of my life he crosses my mind.

I looked around and the surroundings were unfamiliar so I got up to open the curtain. It's really irritating because the chicken outside is making noise several times and there are so many mosquitoes that my arms are full of rashes.


While I was tying my hair, the door suddenly opened and Ella peeked in with a wide smile that irritated me.

"Good morning po Ma'am,"

"Walang good sa morning dahil hindi ako nakatulog ng ayos dahil sa paulit ulit na pagtilaok ng manok at ang daming lamok!"

"P-Pasensya na po Ma'am."

"Akala ko ba inayos niyo na lahat dito? Bakit ang daming lamok gusto mo ba madengue ako?!"

"Hindi po, pasensya na po talaga hayaan niyo po magpapausok po ako mamaya. At saka po luto na po yung agahan sa baba kumain na po kayo."

I rolled my eyes. "Okay tsk! susunod ako." Sagot ko.

Inayos ko na ang sarili ko at lumabas na ng kwarto, pagkababa ko naman nakasabay ko si Kevin na kasama si Isaac papunta sa kusina medyo nandiri ako dahil pawis na pawis ang mga katawan nila.

"Magandang umaga Ma'am," Bati pa ni Kevin bago tuluyang makapasok dito sa kusina. Hindi ko siya pinansin dahil badmood ako, kaya nawala yung ngiti niya napairap na lang ako sa hangin at naupo dito sa pwesto ko.

Habang hinihintay si Yaya matapos sa pagaasikaso bago kumain tahimik lang ako nakikinig sa mga kwento nila Kevin hindi ko maintindihan kung bakit parang wala silang mga iniisip na problema dahil palagi sila nakangiti at nagtatawanan.

Nabalik ang atensyon ko sa reyalidad ng bigyan ako ni Yaya ng bowl na may lamang kanin na may sabaw. "Mas mainam na magalmusal ka ng lugaw sa umaga para mainitan ang sikmura mo." Nakangiti niyang sabi pa at naupo.

Inurong ko yung bowl palayo sa akin. "I don't like it, wala bang iba like fried rice with bacon or egg?"

Huminga ako ng malalim. "Hindi ako kumakain ng may sabaw sa umaga ayoko niyan."

"Ganun ba? Pasensya na, sige ipagluluto kita." Aniya at tumayo para magluto ng gusto kong almusal. Napatingin ako kila Kevin na nakatingin sa akin pinandilatan ko lang sila ng mata sabay ngisi kaya napaiwas na sila.

Tahimik kaming kumakain lahat ng basagin ni Yaya ang katahimikan. "Gusto mo ba sumama samin sa farm?"

"Hmm, ayoko mainitan mamaya." Nakangiti kong sagot.

"Ahh ganun ba? Baka kasi maboring ka rito sa bahay, at saka pa gusto ka rin makilala ng mga farmers natin roon."

"Ugh! I said no--"



"Bakit ba kasi kailangan ko pa sumama rito." Inis kong bulong sa sarili habang inaayos yung white floral dress ko.

Nakakainis naman kasi si Matt walang tigil kakakulit sa akin at paulit ulit na sinasabing "sumama ka na kasi" sinulsulan pa nila Ella na kesho mageenjoy ako ron at ang mas kinaiinit pa ng ulo ko ay yung gamitin pa ni Matt yung term na peace of mind kasi kailangan ko raw.

Rich Girl Series #1: Tame The Wealthy Brat Where stories live. Discover now