Chapter 8: Caught The Cheater.

221 175 15
                                    

"Wag ka na umiyak, hindi bagay sa mga mata mo ang lumuluha dahil lang don. Tahan na."





Matthew's pov,

Hindi ako makatulog ng maayos kagabi dahil sa inaalala ko si Sam, hindi na siya lumabas ng kwarto niya simula nung hinayaan ko siya magpahinga muna siguro nga't masyado siya napagod sa pinuntahan namin.

Abala ako ngayon sa pagaayos ng mga tools dito sa garahe dahil inayos ko yung plat na gulong nung isang sasakyan. Napatingin ako sa gilid dahil tumunog yung phone ko kaagad ko ito kinuha at sinagot.

"Hello?"

"Kuya Matt, kailan ka babalik dito? Miss na miss ka namin nila Inang! Malapit na rin balikan namin school!" Ani nito sa kabilang linya na hindi ko naman maiwasan mapangiti.

"Mukhang matatagalan pa ako dito, nandyan naman sila Kuya Kevin mo ihahatid kayo palagi at saka miss ko na rin kayo."

Narinig kong bumuntong hininga siya. "Wag ka na malungkot uuwi rin naman ako hindi pa nga lang sa ngayon." Sabi ko. Nagpaalam na ako sa kanya dahil may gagawin pa ako sa loob.

Pagkabalik ko nung toolbox sa shelves isinara ko na yung garahe at dumaan sa likod ng bahaybpara maghugas ng kamay at paa. Pagkapasok ko dito sa kusina nakita si Yaya na naghuhugas ng plato kaya nilapitan ko siya.

"O ikaw pala yan Matt, pinapasabi nga pala ni Ma'am Sam na may pupuntahan lang daw siya saglit at babalik rin." Ani niya tumango na lang ako at nagpaalam para maligo saglit.

Makaraan ng ilang minuto sakto naman paglabas ko ng banyo tumunog yung phone ko sa may kama kaya agad ko itong sinagot.

"Hello buddy, napatawag ka?"

"Kamusya d'yan? Hindi ka ba pinahihirapan d'yan?" Tanong ni Kevin yung kababata ko sa St. Isabuhay. Siya na yung nagsilbing pangalawa kong kapatid dahil maaga ako naulila sa magulang tangin ako at si Ella na lang ang magkasama kaya labis ako nagpapasalamat kay Don Leoncio kundi hindi dahil sa kanya hindi ako makakapagtapos ng pag-aaral at hindi ko mabubuhay kapatid ko.

"Okay lang ako, ikaw kamusta may napupusuan ka na ba?" Biro ko may pagkatorpe kasi itong kaibigan ko kaya hanggang ngayon wala pa rin.

"Ako'y ba niloloko mo? Gusto mo ipalo ko sayo tong dos por dos na hawak ko ngayon hahahahahaha alam mo namang may pagkatorpe itong kaibigan mo tatanungin mo pa ko kung meron na."

Natawa ako sa sinabi niya. "Tama na baka lalo lang kita mamiss."

"Ayaw mo pa kasi umuwi dito."

Bigla naman nawala ang ngiti sa labi ko, hindi pa ako pwede umuwi dahil kailangan ako ni Zam sa tabi niya. Nagdadalawang isip pa nga ako kung sasabihin ko ba yung nakita ko kagabi o mananatling tahimik na lang.

"Okay ka lang buddy? Mukhang napakalalim naman ng iniisip mo d'yan." Nabalik ako sa reyalidad dahil sa sinabi ni Kevin, inopen ko yung cam para makita siya.

"Sasabihin ko ba sa kanya yung nakita ko kagabi?" Tanong ko.

Napakamot siya sa ulo. "Ikwento mo muna bago ako sumagot sa tanong mo."

Napangiti at napailing ako. Naupo ako sa kama at sinimulan magkwento sa kanya. "Nung makita ko siya may kasamang iba nagsiakyatan lahat ng dugo ko sa ulo, hindi ko maintindihan basta ang alam ko na lang kapag nalaman ni El lahat masasaktan yon."

"Alam mo naman palang masasaktan bakit mo pa sasabihin? Alam mo buddy wag ka na makisali sa away nila baka sayo pa masisisi, at saka wala ka pang ebedensya maipapakita syempre iisipin nun sinisiraan mo yung jowa niya sa kanya."

Rich Girl Series #1: Tame The Wealthy Brat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon