Prologue

64.8K 1K 75
                                    

"Anak dinala ang papa mo sa hospital, madaming bayarin. Makakapagpadala ka ba?" Narinig niya ang malambing na boses ng ina.

"Ano ho bang nangyari kay papa? Akala ko po ba eh napa-check up na siya last month?" Meron kasing diyabetes ang papa niya at bilang panganay at nag-iisang anak eh kailangan niyang suportahan ang mga ito.

"Hindi ko rin alam anak, bigla na lang siya nahimatay kaya dinala na namin sa hospital. Ang sabi ng doktor eh lalong lumala daw. At madaming gamot ang binilin saamin ng doktor hija anak." Napabuntong hininga siya tska chineck ang wallet.

100 piso.

Yun lamang ang laman ng kanyang wallet, agad niya iyun tinago.

"Sige ho 'ma magapapadala ako pero hindi ko po alam kung kailan, basta hintayin niyo na lang po."

"Salamat anak, siga anak tinatawag na ako ng papa mo."

"Sige po, ingat. I love you."

"Mahal ka din namin anak." Binaba na niya ang tawag. Napahiga siya sa kama niya.

Hindi na niya alam kung saan makakakuha ng perang ipapadala sa mga magulang niya.

Pagkatapos ng ilang oras ng pag-iisip eh, bumangon na rin siya.

Dapat maghanap na ako ng trabahong mataas ang sweldo. Sa isip isip ni Bea.

Nagpalit lang siya ng damit at kinuha ang resume niya.

Pumara siya ng jeep at nagpunta sa Recto. Madaming mga opisina dun at baka dun siya makahanap trabaho.

Nagtiis siyang maglakad keysa magastos ang natitira niyang 92 pesos na pera.

Tiniis niya ang sakit ng binti, gutom, at uhaw makahanap lang trabaho pero mukhang minamalas talaga siya dahil ang lahat ng napupuntahan niya eh hindi siya natatanggap.

Kinulang kasi siya sa height.

Napaupo muna si Bea sa tapat ng tindahan at bumili ng mineral water, yung tig-do-dos lang para makatipid.

Pinahid niya ang tumutulong pawis sa leeg.

Kailangan hindi siya sumuko, para ito sa papa niya. Kaya pagkatapos uminom eh naglakad muli siya.

Saan saan nagpunta at natagpuan niya ang sariling binabasa ang nasa poste.

Wanted: Girl Secretary
Salary amount: Five thousand a week.
Just go to ****** place.

Nabigla siya sa nabasa niya limang libo para sa isang linggo?!

Agad niyang pinuntahan ang lugar. Nakita niya ang isang matayog na building. Nag-ayos muna siya bago pumasok.

Pumunta siya sa Information.

"Ano pong kailangan nila miss?" Tanong isnag babae sa counter.

"Ah may nakita kasi akong flyers na naghahanap daw kayo ng sekretarya. Gusto ko sanang mag-apply."

"Sekretarya ho?"

"Oo ito oh." Inaabot niya ang flyers na kinuha niya sa poste.

"Ah ito po. Sige pumunta po kaya sa 16th floor at sabihin niyo po sa counter na gusto niyong makausap si Ms. Vilderaga.." tumango lang siya at sinunod ang sinabing babae.

Napag-alaman niyang merong 50 floors ang building na ito.

Himinga muna siya ng maayos bago kumatok sa opisina nang magiging boss niya kung sakaling matanggap man siya

"Pasok." Yan lang ang narinig niya at tuluyan na siyang pumasok.

Nabigla siya at namangha sa nakikita niya, parang isang livimg doll ang nakikita niya ngayon..

"Have a sit." Sabi nito na nagpagisng sa kanya agad naman siyan umupo at nilapag ang resume niya sa desk nito.

Agad nitong binasa yun, kaya nagkaroon siya ng tiyansang matitigaan ito sa mukha. Makinis ang mukha, matangos ang ilong, at mahahaba ang pilik mata. Napaka ganda nito.

Nabigal siya ng biglang inilapag nito ang folder niya.

"Are you sure sa pinapasok mo?" Nakakatakot sa lubungin ang tingin nito, para siyang matutunaw sa kinauupuan niya.

"Opo kinakailangan ko kasi ng trabaho ngayon."

"Ok. Tanggap ka na, you'll start tomorrow." Sabi ng babae at pinagapatuloy ang ginagawa nitong pagcheck sa papers sa desk.

"Talaga ho?! Nako salamat po." Pero parang wala itong narinig tuloy lang sa pag-aayos ng papeles.

Tumayo na siya at nagpaaalam pero katulad ng reaksyon nito kanina eh hindi pa rin siya pinapansin.

Masaya siya dahil nagkaroon siya ng trabaho. Maiibili na niya ng gamot ang papa niya.

-

VOMMENT. FAN.

My Lesbian Boss ML#1 Series #watty2016Where stories live. Discover now