"Bakit po kasi ang handsome ko po, Tita. Madami tuloy kaagaw si Caly sa'kin." Pigil ang tawa ko sa narinig dahil mukhang malungkot talaga ito at sobrang seryoso.

"Huwag ka na mag-alala. Sabi mo poprotektahan mo si Caly so wala siyang kaagaw, okay? Huwag ka na umiyak at baka hindi ka na maging handsome niyan."

Matapos kong bisitahin sila Mark at Breil ay umuwi na agad ako. Yumakap agad sa akin si Caly na siyang kinarga ko at halik naman ni Rehan sa noo ko ang pangalawang bumungad sa akin.

Naka uniporme na ito at handa ng umalis.

"Ma may luto na ako, kumain na lang muna tayo bago ako pumunta sa school. 12:20 pa naman at paniguradong tapos na kumain ang dalawa ngayon. Pupuntahan ko na lang sila mamaya sa classrooms nila para icheck." Napatango tango na lang ako sa narinig at binababa sa upuan si Caly habang naglalagay naman ng pinggan at kanin si Rehan.

Habang nakatingin ako sa kaniya, napapasip ako kung naiisip niya ba ang pumasok sa isang relasyon gayong nasa tamang edad naman siya. Paniguradong swerte ang babaeng magugustuhan nito at sobrang maalaga.

"Bakit ganiyan ka makatingin Ma? May dumi ako sa mukha?" tanong nito at kinuha ang panyo sa bulsa bago punasan ang mukhang wala namang dumi.

"Wala naman 'Nak. Napaisip lang ako kung may nobya ka o wala." Napangiti naman ito at nailing.

"Alam mo Ma, wala sa isip ko ang ganiyan muna. Kailangan kong mag-aral para makatulong sa pamilya natin at para hindi sayang ang binibigay na tulong ni Ma'am Fasaia. Buti nga Ma at hindi ako sa grade one pinapasok eh. Malaking tulong ang tutor na binayaran ni Ma'am Fasaia at naging grade 12 nga ako. Akalain mo Ma, kaya ko pala maging matalino. Kaya ko palang sumabay sa ibang kaedaran ko. Kaya ko pala na maranasan ang pinapangarap ko dati. At hindi mangyayari ang lahat ng 'to kung hindi mo kami tinulungan Ma. Ikaw ang binigay na liwanag ng Panginoon sa panahong madilim ang buhay naming magkakapatid." Hindi ko napigilan at kusang tumulo ang mga luha ko.

Nakayakap si Caly sa braso ko kaya naman ay tumayo si Rehay at yumakap sa akin. Agad ko namang iniyakap ang isang braso ko sa baywang ni Rehan habang hinahaplos ang buhok ko at paminsan-minsang yumuyuko para hagkan ang ulo ko.

"You were the unexpected Angel, Mama. And I'm very thankful to have you in our life. I love you, Ma."

"I love you, Mama ko."

"Ingat kayo ha." Kumaway silang apat sa akin bago tuluyang pumasok sa gate ng school.

"Sa Vasco Empire po, manong."

Nang makarating ako doon at agad akong nagtungo sa front desk at pinaalam na aakyat na ako sa taas.

Six thirty pa lang ng umaga kaya paniguradong mga seven pa darating si Achie.

Habang nasa elevator ako ay dali kong pinigilan ang pinto ng elevator nang patakbong tumatawag sa'kin si Alexandria.

"Salamat, Ate," humahangos na saad nito nang tuluyang makapasok sa transparent elevator.

"Bakit ang aga mo ata ngayon?" Gulat siyang tumingin sa akin na para gang may ginawa akong mali.

"Ano?"

"Hindi mo alam? Anong date ngayon?" Agad kong inalala ang petsa.

"Byernes, 3, so? Anong meron? Wala naman epesya—shoot! Monthly visit ng former owners! Omg buti nga at maaga ako ngayon!" Tarantang saad ko na ikinatawa ni Alexandria.

"Don't laugh, maaga akong nakatulog kagabi. Eh baka anong oras na nag text ang memo."

"Mga three AM."

"See. Tulog na ako niyan. Gising ka pa sa mga oras na 'yan?"

"Of course, Ate. Si Cloud kasi eh---"

"Hep hep hep, keep it to yourself na. I know what you're thinking."

HER HALF (COMPLETED) Where stories live. Discover now