Lines and Pair

357 21 2
                                    

"Rain Pov"

"Masusunod ,Guro"tugon ko matapos kong makausap si Guro..

Pansamantalang kong nakalimutan ang aking iniisip nang nagdaang na minuto na kausap ko si Guro.

Isa sa mga aming napag usapan ang tungkol sa pag babago ng ilang gawain.
At dahil ako ay isang dati nang nag aaral dito,malapit na ako kay Guro,kilala niya ako at tulad ko si Cov  ay isa ding mag aaral na hindi din nakapasa.

Ilang pag babago ang bago kong magiging kasama sa silid,ay siya ding magiging kapareha ko sa lahat ng buong pag aaral namin dito.

Wala naman nang bago sa akin doon,dahil tulad ng dati ganon din ang nangyari.

"At Rain,may nakarating saaking mensahe.
May naka alitan ka bago pa makatungo  dito."
Agad na nag init ang ulo sa narinig ko..
Bumalik ang inis kong naramdaman na kanina ay nakalimutan ko na.

"Opo,Guro ..totoo ang iyong nalaman.patawad kong  nagpadala ako sa aking damdamin..handa akong tanggapin ang iyong parusa.."
Yumuko ako sa harap niya

Sa tagal ko dito,ngayon lang ako hindi naka sumunod sa isa sa mga  patakaran ng aming paaralan.

"At napag alaman ko din na ang bagong mag aaral ang unang naging agresibo.Tama?"

Napatingin ako sa kanya..

At saka tumango

"Kong ganon,wala kang pag babayarang parusa..at kilala na kita , Rain..Hindi ka gumagalaw kong hindi ito kailangan.
Hindi ako naniniwalang mapangungunahan mo ang isang hindi pagkakaunawaan .."

"Salamat,Guro.salamat sa pag titiwala."
Sagot ko

Nakahinga ako ng maluwag..

"Sige na,tumungo ka na sa iyong nais puntahan..mahaba ang araw ,na dapat sulitin"
Natigilan ako..
Alam niya kong ano ang nararamdaman ko.

Natuwa naman ako dahil doon..

"Masusunod,guro"tumango siya

Matapos kong lumabas ng silid niya.Nandon si Cov.

"Ra-Rain,ayos ka lang ba??anong gagawin sa iyo ni Guro? paparusahan ka ba niya?"natataranta niyang tanong

Umiling ako ,

"Hindi,alam na niya buong pangyayari"

"Salamat naman kong ganon...kong nagkataon na hindi niya nalaman ,handa akong maging testigo upang ipaalam sa kanya ang katutohanan."

Natuwa naman ako dahil sa sinabi niya
..
Lumapit ako at hinawakan ang kanyang balikat

"Cov,salamat"

"Walang ano man...nga pala saan ka pupunta ngayon??"

"Magpapahinga muna.."sagot ko

"Amh...ayos na ba ang natamo mula sa  latigo?"
Agad na natigilan sa sinabi niya,...ibig sabihin alam niya..

"Wala iyon,daplis lamang kaya huwag ka ng mag aalala "
Tugon ko ng may ngiti sa labi ,upang malaman niya na ayos lang ako..

"Gusto mo bang samahan kita??wala na akong gagawin.."

Umiling ako...
Gagamutin ko pa ang sugat galing sa sarili kong latigo.
At ayaw ko nang may makaalam nito.

"Mabuti pa ay mamasyal ka ngayon sa  paanan ng bundok..ngayon ang araw ng dilaw na mga bulaklak."pagtutukoy ko sa isang pasyalan na sa paanan ng bundok ng Alpha camp.

Nasupresa ang mukha niya bigla

"Ngayon na pala yun."
Tila hindi mapakali

"Si-sige,uuna na muna ako.. Kailangan kong maghanda."
Saka umalis na ito...Na nag bubulong-bulong  na kong tama ba daw siyang magpakita o di kaya anong kulay ng kasuotan..

Big BAD Alpha(BL)Where stories live. Discover now