Napatingin ako kay Keigan na nakatingin din kay Kuya. Hindi ko maiwasang matakot sa kanya. Naalala ko pa rin ang ginawa niya kahapon. Dito sa parehong kwarto at sa tabi lang din ng kapatid niya.

Markado pa leeg ko.

"W-Wala. Nagulat lang." sagot ko na nagpakirot ng lalamunan ko.

Tinignan lang kami ni Kuya bago pulutin ang nalaglag at bumalik sa pwesto niya. Hinarap ko si Keigan na nakaharap na ulit sa 'kin. Bahagya siyang lumapit kaya napaatras naman ako.

Ilang beses akong tumingin kay Kuya. Hindi ko maiwasan. Kahit andito siya hindi ko masasabi na hindi mauulit ang pananakal sa 'kin. Paano kung maisipan na lang niya kong saksakin?

Sandali! Walang laman tyan ko!

Paano kung ganon nga? Edi lumuwa laman loob ko? Dahil wala pa kong kinakain tuyot ang bituka ko paglabas.

Pwede bang mamaya na lang niya ko saksakin? Kakain muna ako. Lalagyan ko muna laman bituka ko. Ang pangit tignan parang lobong walang hangin magiging itsura ng laman ko.

"Hey. . ." tawag niya sa 'kin at alanganin akong ngumiti na mas nagmukang ngiwi.

Mas lumapit pa siya kaya napasandal na ko sa headboard ng hospital bed.

"I just want to say sorry, about yesterday." malumanay niyang sabi.

Muntik na kong ma-dedz tapos sorry.

Gusto ko siyang batukan matindi-tindi. Hindi lang niya ko iisang beses pinagtangkaan. Dalawa 'yon! Hindi successful ang una kaya may pa-second round siya.

Pero dahil mabait ako—alam ko hindi lang halata. Papakinggan ko ang paliwanag niya sa ginawa niya sa 'kin o sa 'min ng kapatid niya. Handa naman akong intindihin siya dahil alam ko din naman na meron din siyang pinagdadaanan.

"I will not explain myself to justify my actions."

Ampowta.

Napakurap-kurap ako bago maintindihan ang sinabi niya. Siya lang yata ang kilala kong hindi nagpaliwanag matapos mag-sorry.

Kung sa bagay mas malala pa ang Kuya niya nung mga panahong nag-aaway pa kami. Ayaw na nga magsorry, ayaw pang magpaliwanag. Bigla ko tuloy na-miss yung dating kami. Yung malaya pa kong murahin siya ng walang halik.

Balik na tayo kay Keigan.

"Ano?" paos na tanong ko.

Ang dami ko talagang tanong pero yan lang ang lumabas sa bibig ko. Ang hirap pa ring magsalita. Tubig kasi! Kailangan ko ng tubig.

"Listen." naupo siya sa tabi ko kahit hindi ko naman sinabi. "There is a lot of thing going on inside my head. You will never understand no matter how hard I try to explain."

Tumango lang ako kahit ang totoo mas gusto kong ipaliwanag niya. Gusto ko ring malaman kung bakit ganon ang galit niya sa 'kin at kung ano ba ang nagawa ko sa kanya.

Pero wala akong magagawa kung ayaw talaga.

"I swear, I'm not a bad person." bulong niya habang nakayuko at nakatingin sa mga kamay niya.

Sana nga hindi talaga. Sana nga hindi ka talaga masamang tao. Sana nga pagkakamali lang ang ginawa mo. At sana hindi na maulit pa. Pero imposibleng hindi. Si Keifer na ang nagsabi na mahirap ng hulaan ang sunod niyang galaw.

Napabuntong hininga siya bago tignan ang kapatid na nasa kabilang kama. Nakatingin lang din si Keiren sa 'min at nakikinig. Merong kinuha si Keigan mula sa bulsa niya. Tinignan niya 'yon sandali bago ako harapin ulit.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon