Special Chapter

19 2 0
                                    

Hello mga dzaiii! It's been a while, at dahil miss ko na sila Ahmir at Yunna gumawa po ako ng special chapter, opo yes po dalawang chapter pa. Sana magustuhan niyo  po kahit na maikli lamang ito.  Maraming salamat na po agad, happy reading!

                                      ___ ෆ╹ .̮ ╹ෆ___
   

Nakalipat na nga kami sa nabili ni Ahmir na condo noon sa Santa Ynes. Nakapag plano na rin kami kung kailan at saan magaganap ang aming kasal. Ang munti kong puso ay labis ang saya dahil sa nag uumapaw na mga nangyayari saamin na magagandang bagay. Wala na akong mahihiling pa.

Ilang buwan na rin ang nakalipas simula noong mag turo ako. Buti nalang at dito lang rin sa may saamin ang tinuturuan ko, kaya madali lang saakin ang pag biyahe papunta doon.

Ngayon ay Sabado kaya andito lang kami sa bahay ni Naya. Wala naman akong ibang gagawin kundi ang lesson plan ko, nasimulan ko na rin naman ito kaya itutuloy ko nalang mamaya.

"Mama hindi po ba uuwi si Papa?" pag tatanong ng anak naming si Naya

Ngumiti ako bago sagutin ang anak "Hindi ko anak sigurado kung makakauwi ba ang Papa mo ngayon" malumanay kong sabi sakaniya

Pero ang sabi naman saakin ni Ahmir noong tumawag  siya ay susubukan niyang mag paalam kay Sir Samuel kung papayagan daw ba siya. Kagabi ay hindi siya tumawag saakin, kaya sa palagay ko baka pinayagan nga siya.

"Hayaan mo na baby, babawi ang Papa sa'yo alam mo naman na mahal na mahal ka noon diba..."

Tumawa si Naya "Yes po Mama, I understand po"

Habang nag uusap kaming dalawa ni Naya ay tumunog ang cellphone ko, tumatawag si Kian, kaya sinagot ko ito. 

"Hello?"

"Te saan kayo?" si Kian sa kabilang linya

"Nasa condo lang bakit?"

"Tuloy ako diyan Ate ha, namili kase ako ng material para sa project namin, so daan na rin ako diyan"

"Ano ka ba, kahit hindi ka naman na mag paalam saakin" ako sabay tawa

"Hindi... akala ko kase nasa school ka kayaa.."

"Sa lunes pa ako doon pupunta, holiday naman diba kaya kahit mag pahinga muna ako dito ng kaonti ay ayos lang"

"Sige Te, diyan nalang tayo mag usap, sasakay na ako"

"Mag ingat ha"

"Yes ma'am" si Kian sa kabilang linya sabay tawa

Kaya hinarap ko si Naya para sabihin na pupunta nga dito ang Tito Kian niya.

"Baby pupunta daw dito ang Tito mo"

"Yehey! mag lalaro po kami Mama ah"

Tumango tango ako sa anak

Maya maya ay may kumatok na sa pintuan namin, si Kian Joseph na. Ang bilis ha.

"Tito Kian.." takbo ni Naya patungo sa Tito niya

"Miss mo ako baby?" maligayang tanong ng kapatid ko kay Naya

"Yes po..." si Naya sabay yakap sa kay Kian

"Oh look oh, I bought you a Barbie Doll" sabay pakita ni Kian sa isang manika na naka dress ng pink

Ngumiti si Naya "Thankyou Tito, so pretty!"

"Like you baby.." si Kian naman

Binaba ni Kian si Naya, kaya tumakbo naman ang anak ko sa sala.

"Kamusta naman kayo dito Ate? Si Kuya hindi ba uuwi?" pag tatanong ng kapatid ko

Nothing Without You (ON REVISION)Where stories live. Discover now