Chapter 3

29 7 2
                                    

Buti nalang wala pa si Ahmir sa silid pag kadating namin. Umupo na kami ni Andra saaming upuan mag katabi kami siyempre.

Hindi nag tagal pumasok na din si Ahmir hawak ang libro.

Ang gwapo talaga niya hindi ko mapigilan mas lalo akong nag kakagusto sakanya.

Pumunta siya sa may table at inilapag niya ang kanyang dalang libro at nag simulang mag salita.

"Goodmorning, I'm Ahmir Ian Natividad when you heard your name say present" si Ahmir

"Aria"

"Present"

"Alyego"

"Present sir"

"Bela"

"Present po sir"

"Castro"

"Present"
I said in a sweet tone of my voice

Nang banggitin niya ang last name ko na Castro ay napatingin siya saakin.

Kinilig ako shizz

Matapos niyang mag attendance ay nag simula na siyang mag turo at mag paliwanag ng aming aralin para sa araw na ito.

Hindi ko maiwasan na tumitig sakanya, ang ayos niyang bumigkas ng mga lengguwahe at ang galing niya mag solve ng mga problems. Madali ko namang nakuha ang kanyang tinuturo.  Kaya  natapos niyang mag paliwanag ay nag pakuha siya nag papel dahil may papasagutan siya kung mayroon nga ba kaming naintidihan sa itinuro niya.

Nag mamadaling  mag sikuhaan ng papel ang mga kaklase ko at nabalot na nga ng katahikan ang aming silid na tanging maririnig mo lamang ay ang tunog ng aming electric fan.

Makalipas ang ilang minuto ay may ilang tumatayo na at nag papasa na kay Ahmir ng kanilang papel, pinapalabas naman niya ang mga nakakatapos kaya paunti ng paunti ang tao sa silid.

Sakatunayan, kanina pa ako tapos pero hindi ko muna pinapasa dahil gusto ko huli ako para mapansin niya ako uli.

moves ba◜‿◝

"10 minutes left" Ahmir said in a baritone voice.

"Sissy tara na, pasa na tayo"si Andra saakin

"Mauna kana mag pasa mamaya maya ako, saglit lang"

"Alam ko na yan pero sige hihintayin kita sa labas ah goodluck" si Andra na nag pipigil ng tawa sabay kindat.

"Salamat"I mouthed

Tatlo nalang kami na natitira, minutes past ako nalang.

"Miss Castro not done yet? o sinasadya mo lang na mag pahuli?"

Shit kinabahan ako bigla, guilty ako kase yunn naman talaga ang totoo. Gusto ko mahuli para mapansin niya ako. What the freak Yunna, nag papa good shot tayo tapos ganito.

"Medyo nalito lang kaya natagalan" palusot ko pero naintidihan ko naman talaga yung itinuro niya, wala lang akong ibang maisip na dahilan.

Binigay ko na nga sakanya ang aking papel at sa pag kakataong yun nahawakan ko ng bahagya ang kanyang kamay. Parang may kung ano ang gumagalaw sa tiyan ko. Shit!

Butterflies? Fireflies? Sige uod nalang.

Ahmir looked at me then he's smirked

At kinuha na niya ang libro sa unahan at lumabas na.

Damn, that smirked!

Nothing Without You (ON REVISION)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant