Chapter 36

20 2 7
                                    

Warning
-SPG

IF YOU DON'T WANT TO READ THIS CHAPTER, YOU CAN MOVE TO THE NEXT ONE THANKYOU<33

READ AT YOUR OWN RISK

Kinaumagahan pag kagising ko wala na si Ella sa higaan niya kaya bumaba na ako, ayun pala tumutulong kala mama na mag handa ng agahan.

"Hey!" Si Ella

Parang ayos naman na siya, may ngiti na sakanyang labi. Alam ko na hindi pa siya gaanong okay pero naniniwala ako magiging maayos rin ito, she just need some more time.

"Okay kana?" ako sakanya ng pabulong

"Yup! don't worry" siya sabay kindat

"May lakad pala kayo ni Ahmir, Marie" si papa

"Ah opo"

"Osiya, mag ingat kayo dumaan iyon kahapon sa akin nag paalam na may lakad nga daw kayo ngayon"

"Mag ingat anak" si mama

Tumango ako at ngumiti sakanila

"Enjoy kayo" si Ella saakin

Habang si Kian ay tahimik lamang sa gilid.

Nag simula na rin kaming kumain, at ng matapos ay kagaya ng dati nag ligpit na kami.

Nag paalam na si papa na papasok na sakanyang trabaho at ako naman ay nag paalam na tataas muna para mag handa.

Inihanda ko ang perfume na binili namin ni Andra noon bago umuwi galing grocery. Nilagay ko ito sa isang paperbag at nilagyan ng note na, "iloveyou" yun lang.

Inihanda ko rin ang damit na aking issuot, napili kong floral dress nalang at isang flat sandals ang suotin.

Nakaligo na ako at maya-maya ay may kumatok... si Ella.

May kinuha siya sa cabinet niya

"Lagay ka nito kahit konti lang"

Sabay pakita ng mga makeups niya.

"Hindi ako sanay sa ganyan" ako sabay tawa

"Slight lang naman para mas lalong tumingkad yang ganda mo"

Well, alam ko naman na maganda na ako pero dahil mapilit siya edi sige.

kidding...

Hinayaan ko siyang lagyan ako ng konting kolorete sa mukha, at maya maya ay natapos na rin.

"See gumanda ka lalo, sabi sayo e" siya sabay hiyaw

"Uhh salamat"

Maganda naman ang resulta, hmm may talent itong pinsan ko.

Maya maya ay tumunog ang cellphone ko, dahil sa text ni Andra.

"hi enjoy ha, balitaan mo ko"

Napangiti ako sa text ni Andra

Maya maya ay may kumatok sa pintuan

Si Kian

"Ate! ate andito na si kuya Ahmir"

"Sige na lalabas na ang ate mo" si Ella na ang sumagot para saakin

Hindi ito ang unang lumabas kami pero bakit ganon, kinakabahan ako.

"Tara na Yunna" si Ella saakin

At lumabas na nga kami

Kasama ni Ahmir sila Tita Astralinna at Lola Sinang, dito ata sila manananghalian.

Nothing Without You (ON REVISION)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora