Chapter 38

13 3 9
                                    

Week passed.

"Ano ba ate palagi kana lang tulog, andoon si ate Andra kanina pa ka pa hinihintay sa baba" napabalikwas ako dahil sa ingay ni Kian

Nakalimutan ko na inaaya niya nga pala ako libre raw niya, nila ni Kuya Godwin.

Baba na sana ako pero tumaas si Andra.

"Oy babae! kakagising mo lang?! may lakad tayo ah, hindi ka ba sasama?" Si Andra

"Uhm sorry nakalimutan ko" ako sabay kamot sa ulo

"Ano bang ginawa mo kagabi, puyat na puyat ah"

"Uhm wala nalate lang ng gising, sorry na..."

"So hindi ka sasama?" Si Andra at nag make face

Natawa ako

"Hindi muna... bawi ako sa sunod"

"Ang duya mo libre namin to ni Kuya sige na!"

"Medyo masama kase pakiramdam ko kaya hindi muna"

"Ang duya mo noong nakaraan hindi ka rin sumama noong inaya kita sa bahay"

Hindi ata ako makaka tanggi ngayon sa kanya, sige na oo na sasama na ako.

Pasalamat ikaw kase mahal kita, kung hindi lang kita best friend.

"Sige na maliligo lang ako!"

"Yey! Sige ligo well babae!"

Para siyang batang binilhan ng cotton candy dahil sa tuwa.

Nang matapos ako ay nag paalam na ako kay Mama at kala Ella.

At tumungo na kami.

"Sup!" ang kuya ni Andra

"Pasensya Kuya Godwin nalate" ako sabay tawa

"Ayos lang uy" sagot naman nito

"Let's go!" Si Andra

Nasa backseat kaming dalawa ni Andra, nag mukha tuloy kaming amo ni Andra, tapos driver namin siya.

Una ay hinatid kami ni Kuya Godwin sa mall, hindi siya sumama saamin ang sabi niya mag kita nalang daw kaming tatlo mamaya sa restaurant, may bibilin pa daw kase siya sa car shop, kaya.

"Uy gutom na ako tara doon bili tayo favorite mo!" aya ni Andra

Bumili siya ng dalawang medium size shawarma.

Kukuha ako ng wallet para kumuha ng pangbayad  pero hindi niya ako pinagbigyan.

"Ako na" si Andra sabay kindat

"Salamat"

Kakagat na sana ako ng bigla akong naduwal.

Tiningnan ako ni Andra gamit ang mga matang nag tatanong.

"Okay ka lang?"

Si Andra sabay hawak sa noo ko.

"Wala ka namang lagnat ah, anong masakit mo?"

"Baka gawa lang doon sa nakain ko kagabi, ayos lang ako!"

"Ayos? Paborito mo yan bat hindi mo man lang tinikman" 

"Busog pa ako Andra"

"Busog? Andoon ako sa bahay niyo mag kasabay tayo at noong pinuntahan kita kakagising mo lang kaya it means hindi ka pa nag aagahan"

Natahimik ako.

"Mag sabi ka saakin ng totoo Yun ha! Ayos ka lang ba talaga?"

"Oo nga promise!" Ako sabay ngiti

Nothing Without You (ON REVISION)Where stories live. Discover now