SSNHB - Special Chapter

Magsimula sa umpisa
                                    

"We're here." Anunsyo ni Liam ng ihinto niya ang sasakyan. "Sino ang sasama kay Atty.?" Tanong pa nito at isa-isa kaming tinignan.

"Ako na lang. Tapos text ko na lang kayo kapag tapos na makipag one-on-one talk si Atty.," saad ni Dustin at kinindatan ako. Napailing na lang ako at saka tinanggal ang seatbelt.

"Salamat Dust," I said to him and thanked the others too bago ako lumabas ng sasakyan. Sumunod din naman agad si Dustin sa akin.

Tahimik kaming naglalakad papasok sa pasilyo kung saan nakalibing si Ken. Tahimik ang buong paligid at tanging ang mga yabag lang namin ni Dustin ang maririnig. Huminto kami sa harap ng puntod ni Ken at unti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi.

"Doon lang ako, Atty. Tawagin mo lang ako kapag tapos ka na ha." Paalam ni Dustin sa akin kaya tumango lang ako.

"Hi mahal, I'm back." Nakangiting bati ko sa kaniya. "As promised, babalik ako dito after ng trial ko, and guess what? I win the case again. May natulungan na naman ako na makamit ang hustisya." Pagkukwento ko sa kaniya sa nangyari sa akin ngayong araw.

Sa nakalipas na anim na buwan ay hindi ako pumalya ng pagbisita sa kaniya. Halos araw-araw, bago at pagkatapos ng trabaho ko ay dito ako dumidiretso. Palagi pa rin akong nagkukwento sa kaniya ng tungkol sa mga nangyayari sa akin kada araw. Ewan ko ba, halos dalawang buwan lang naman kaming nagsama pero nakasanayan ko nang magsabi sa kaniya lagi.

Nasanay ako na alam niya ang tumatakbo sa isip ko. Pero naputol ang routine ko na araw-araw na pagpunta dito ng malaman kong buntis ako. Three months after Ken left us, I was rushed to the hospital dahil bigla na lang akong dinugo. I was in the middle of working for this last case, at doon ko nalaman na buntis ako.

I was in so much shock when I learned about it. Hindi ako makapaniwala na may nabuo doon sa isang beses lang na pagniniig namin ni Ken. In the middle of missing him, he makes a way to ease my loneliness and sadness because of missing him too much. God give me – us this blessing. Isang biyaya na hindi ko inakala na ibibigay at darating para sa akin.

After I was discharge from the hospital ay nagpahatid ako dito kay Dave para ibalita rin kay Ken ito. Sobrang excited at tuwang-tuwa ako habang kinukwento ang tungkol sa little one namin. That's the time also that I told him that I can only visit him during the weekends because my doctor advised me to lessen my activities. Ito rin ang naging dahilan kung bakit umabot ng dalawang buwan ang takbo ng kaso na hawak ko bago ko ito maipanalo.

"Today is my 5th month of pregnancy mahal, pwede na nating malaman ang gender ni baby, pero gusto nila Ate Marie na mag-gender reveal party pa. Papayag ba tayo?" tanong ko sa kaniya. Naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin na tila ba parang niyayakap ako.

"Ay bet mo rin mag gender reveal? Okay sige, pero dapat manood ka rin ha." Sabi ko muli at niyakap ang sarili ko, pinapakiramdaman ang malamig na hangin na yumayakap sa akin.

"How I wish you were here to witness and celebrate it with me mahal. I miss you so much." I said as I caressed our photo. Ito yung pinakapaborito kong picture naming dalawa, una't huling litrato namin bago siya tuluyang umalis.

I stayed for another minute bago ko tinawag si Dustin at sabihin na pwede na niyang tawagin sila Jake, Liam at Pau. Sila naman ang kumausap dito sa boss amo nila.

⁙⁙⁙

I keep on cursing as I held on to my stomach and back. Parang pinapatay ako sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Gusto kong sumigaw at manakit para lang hindi ko na mapagtuunan ng pansin ang nararamdaman ko ngayon.

"Ate Marieee!" sigaw ko kay Ate na nasa taas at nasa guest room ko. Dito muna kasi siya nag stay hanggang sa manganak ako dahil wala naman akong kasama dito sa bahay. Isa pa, ayaw niya rin hayaan na mag-isa lang ako dahil wala daw agad aalalay sakin in case of emergency.

Sa Susunod Na Habang Buhay | SB19 KEN ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon