On the 2015 Wattpad Manila Summer Meet-up

Magsimula sa umpisa
                                    


Tas biglang nagpa-games! Pinoy Henyo!


Ang matindi... tinawag ang pangalan ko! Ako naman, natataranta na and everything. Kasi anything and everything about Wattpad daw 'yon. Sabi ko sa sarili ko, paktay na! Di kasi ako nagbabasa ng Wattpad stories, if ever man...super pili lang talaga (sorry na talaga huhuhu). Ang mas karima-rimarim...ako ang manghuhula, huhuhu. Pero sabi ko sa sarili ko...gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para manalo nung shirt. Gusto ko kasi ng souvenir, hahaha.


Non-verbatim

AKO: Published book ba 'to?

JANINE: OO!

AKO: Pop Fiction?

JANINE: OO!

AKO: Ahhh... Despicable Guy?

JANINE: OO!

AKO: Tungkol sa Despicable Guy?

JANINE: OO!

AKO: Author ng Despicable Guy?

LAHAT: OO!!!

AKO: Shirlengtearjerky?

JANINE: OO!


Pramis, akala ko panalo na ako sa point na ito. Pero di gumagalaw ang mga ambassadors na nakatunghay. Nahihiya na rin ako kay Ate Kim (ilurvbooks) na tagahawak ko ng mic, huhuhu. Akala ko talaga, abot-kamay ko na ang WattpadManila Summer Meet-up Shirt...


AKO: Ahh.. tungkol sa Despicable Guy nga?

LAHAT: OO!

AKO: omaygahd.. wala na akong matanong. Huhu.. yung tshirt ko...


So, in the end... 'di ko nakuha. Had I asked the right question (Real name ba ng author?)... I could've won that shirt, huhuhu.


So ayun... due to popular demand(?) nanghula rin si Ginoong Sic sa pinoyhenyo, ahahaha. At dahil nasa harap na karamihan ng mga audience, pinili na lang naming mag-stay sa table naming at panoorin si Bel na gumawa ng maraming origami, hihihi.


After ng PinoyHenyo na sinalihan di ni Cent at di rin nanalo (muhahaha.. parehas lang tayo dude!!!)... simula na rin ng writing workshop na pinangunahan ni Ate Lys (aerithsage). Pinaupo rin ako sa harapan kasama ng mga ambassadors na nakakatameme. Di ko alam kung magpapapicture ba ako o hindi, hahahahaha. Pinangunahan ako ng hiya kaya hindi na lang, lels. Dun ko napatunayang 'di lahat ng sikat na authors ay snob. Mababait sila at very approachable.


Sana marami talagang nakinig sa mga sinabi ni Ate Lys about descriptive writing. Naniniwala akong maraming Wattpad writers ang may potential, kulang or sobra lang sa description. Maganda rin na nag-stress siya about fact-check. Kadalasan kasi, nagsasabi-sabi tayo ng mga bagay na maisip nating magandang isama sa mga kwentong sinusulat natin, pero hindi pala akma sa panahon o maging sa uri ng pamumuhay ng mga tauhan natin sa kwento.


Bakit ako pinaupo sa unahan? Maingay kasi ako eh... parusa sa'kin yon, lelelels. De joke. Sabi ko nga sa simula, speaker po ako. After ni Ate Lys, turn ko na, hahaha. Di ko na sasabihin dito kung ano ang mga nasabi ko. Silipin niyo na lang yung nasa Writing Tips ko. Nais ko lang pong humingi ng paumanhin kay ginoong Sic Santos na pinatayo ko sa harap para hawakan ang visual aids ko, hahaha (oo, ako na ang girl scout at frustrated teacher dahil may visual aids pa talaga). Pero I think, sa perspective ng audience, ayos lang 'yon, huehue.


Sayang lang talaga, kinulang sa oras. Magpapa-quiz talaga ako nun eh. Kasi marami akong dalang libro, hahaha. Pinaubaya ko na lang tuloy kina MotherBee at Rayne para ma-bookdrop nila kung saan-saan.


Pagkatapos ng speech ko na super info-dump at nakakaantok, hahaha... KAINAN NA! huehue. Sa kasamaang-palad, di umabot ang chickenjoy sa'min... naging chicken sad, lels. Pero at least may burger, fries at Coke Float pa rin naman kesa walang nakain diba? Habang kumakain ang mga tao... ni-take advantage ko ang time para pumuslit at makipicture sa mga readers na dumalo at nagrequest na makipicture sa amin ng mga Power Ninjas... makipagkwentuhan...more picture with fellow readers and authors, etc. Natutuwa akong na-meet ko in person ang pinakabatang writer na nabigyan ng publishing offer...si Sean! Hello sa'yo. 11 lang siya pero magkasingtangkad na kami... gayong doble na yata ng age niya ang age ko, huhuhu. Si WackyMervin na di ko na nabalikan, kasi nahihiya ako, puro bigtime na authors ang katabi niya, huhuhu. Si Marga na sa wakas ay nakadaupang-palad ko na, ahahaha.


Tapos, back to the workshop. Si Natsu naman ang speaker about the Do's and Don't's. Mahirap making kung nasa bandang likod ka, tas yung mga nasa harap ay nagdadaldalan o kaya nagpipicture. Pero gusto ko ang sinabi ni Natsu na ayusin ang grammar. It's one reason kung bakit hindi ako masyadong nagbabasa ng wattpad stories kasi super raw. Madali kasi akong ma-distract kapag may emoticon, sound effects at mas lalo ang wrong grammar lalo na kapag predominantly English ang story. Kaya I prefer to read the printed works (sorry na talaga). Ang ikinalulungkot ko lang pala ay... hindi ko mahanap yung Black Equation copy ko para sana mapapirma kay Natsu after ng event, huhuhuhu.


Animal sounds game ang last na naaalala ko about the Meet-up kasi we had to go, huhuhu. Tuluyan nang nawala ang pagkakataong makamit ko ang inaasam-asam kong tshirt. On my way out, sempre, ni-take advantage ko na ang magpa-picture sa Triple A! (Aika, Aira, Angela-tama ba?) at kinapalan ko pa ang feslak ko para hingin ang Wattpad pin ni Natsu, sa tulong ni Mitch-fairy godmother ka talaga Mitch! Ahlabyuh! Hahaha.


So ayun... namalat ang boses ko sa kakasalita, kakatawa... and to summarize everything, here are the bullet points (meganon).


COMMENDABLE:

-venue had been secured ahead of time

-walang kakulangan sa food. I believe, base sa mga sobrang burgers na nakita ko (PG talaga ako amp)... may natira pa? Or baka sa susunod na event 'yon? Hahaha

-ang attendance ng Ambassadors! Super aga! Bigyan ng jacket! Hehehe

-maganda rin yung mga topics

-Okay din 'yung (sapilitang) pinaghiwa-hiwalay ang mga dumating in groups to interact with other Wattpaders. We gained new friends.

-they distributed pencils and papers. Very proactive. Nakini-kinita agad na maaaring walang dala ang mga darating kahit na sinabing writing workshop ang theme

-good call din na hiniwalay sa audience si Sic kasi baka kuyugin siya ng mga fans hahahaha. Nothing against Sic ah, sometimes, we can't control the crowd din kasi, and as an author, minsan ayaw nating tanggihan ang simpleng hiling na magpapicture, magpapirma kahit may program pa. So, good job talaga.


NEEDS IMPROVEMENT:

-Food stubs. Hmm...may mga dumating ng maaga na nasa 20-50 ang number sa stubs pero hindi chicken joy ang nakain, huhuhu. Sa table namin, maraming ganun. Parang nawalan ng saysay ang control numbers, huhuhu. Ang press release kasi sa events page (kung di ako nagkakamali), the first 200 will get the chicken joy meal. The succeeding attendees will have the burger meal. Oh well papel... at least may nakain diba? At libre pa rin. Always look at the brighter side ika nga

- Venue Set-up. It would have been better if nasa likod ang registration or ang pinto para hindi nadidistract ang audience at lalo ang mga hosts sa mga dumarating na tao

- Microphone. Eto, sa Jollibee na 'to. Nastress ako sa mic na faulty, hahahaha. Dapat nagmegaphone na lang, charing.

- Strategically located ang ambassadors/organizers. Para masita na agad ang mga pasaway at di na ma-callout ng hosts, ahahaha. For crowd control na rin. Kung distracting ang mga hindi nakikinig sa likod, distracting din yata ang maraming tao sa harap.


But all in all, it was an experience worth remembering. Especially when it is shared with friends.

IBA'T-IBANG KULAY NG JEBS: Ang Talambuhay ni LELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon