Chapter 6: Genner High vs. Paul Academy

Start from the beginning
                                    

"Para sayo yun love" niyakap ni Zen si Sofia pagkatapos niyang sabihin iyon.

"Ang galing mo talaga love." at kiniss ni Sofia yung cheeks ni Zen at namula naman si Zen.

Mag-PDA ba naman sa harap ko.

Nasusuka ako sa nakikita ko at napapatanong kung bakit kailangan talagang maghalikan. Para ba eproove niyo na mahal niyo ang isa't isa?

"To all Genner High students, please go back to your rooms." sabi ng Principal. "Advisers please check your class attendance. "

Inayos ko na yung gamit ko at nagsimula ng maglakad palabas ng gym.

Pagkatapos naming magcheck ng attendance ay lumabas na kami ng room.

"Mari, Celena at Paris hindi muna ako makakasabay gusto kase akong isama ni Zen sa victory party nila" paalam sa amin ni Sofia.

"Ok lang. May pupuntahan din ako guys." sabi naman ni Celena.

Wag niyong sasabihin na may lakad din tong si Mari at magiging loner na naman ako?

"Ah. O sige. Kami nalang muna magdedate ni Paris mahlabs." Buti nga't walang lakad tong si Mari.

"Ok. Bye" at umalis na nga yung dalawa.

"Magtotour daw yung mga players ng Paul Academy dito!" tili ng isang babaeng taga Genner High na nakasalubong namin ni Mari. Nakakita lang ng gwapo naging hindi na loyal sa alma mater ng school.

"talaga?kyaaaa~ halika sundan natin." at nagsitakbuhan na yung mga maiingay na estudyante.

"halika! Sundan natin sila." sabay tulak sa akin ni Mari patungo sa direksyon na pinuntahan ngmga babaeng maiingay.

"Ba't naman tayo pupunta doon?"

"kasi nandoon yung mga nagwagwapuhang players ng Paul Academy."

"Eh?"

"Halika na nga." Antae talaga nitong ni Mari.

"Ikaw nalang kaya Mari. Alam mo namang hindi ako interesado sa kanila."

"Okay. Sige mauna na ako. Bye" at tumakbo na siya paalis.

Wow. Pumunta talaga siya at iniwan ako dito.

Loner na talaga ang peg ko nito. Well, sanay naman ako. Hindi ko nga ineexpect na paglipat ko ngayong 3rd yr. na to dito sa Genner High magkakaroon ako ng mga kaibigan tulad nila Mari. Pero alam ko naman na di din yun magtatagal lalo na't pagnalaman nila ang totoo.

3:05pm na pala. Magmemeryenda na muna ako.

Bumili ako ng snacks aa canteen at pumunta sa paborito kong tambayan na nasa likod ng gym ng school.

May isa kasing chair dun na napapaligiran ng mga kahoy. Nag iisa lang kase yun tulad ko at wala talagang pumupunta dito kahit sila Mari ayaw umupo or magstand by dito dahil sa nakakatakot na story nitong upuan na to.

Para sa mga friendzone daw ang upuan na to dahil sa alamat nito. May isa daw kaseng lalaki na nagpakamatay sa kakahintay dito sa kanyang nililigawan. Hindi daw ito sumipot dahil nakipagtanan ito sa kanyang boyfriend dahil sa kalungkutan sinaksak daw nung lalaki yung sarili nya dito pero alamat lang yun at hindi ako natatakot parang lungkot yung nararamdaman ko para sa taong yun. Bakit ba pag anjan yung love andun din yung pain? Hindi ba pweding love lang? Hindi ba pweding happiness lang?

Umupo ako sa chair at nagsimulang kumain. Ang sarap ng simoy ng hangin. Nakakawala ng problema kung pwede nga lang dito na ako tumira. Finefeel ko yung hangin. Ang sarap talaga sa pakiramdam.

"Papa! Wag nyo po kaming iwan." sabi ko habang umiiyak. Nasaan ba ako ngayon? At bigla na namang nagbago yung scene.

"Mama, ok ka lang po ba? Aray. Mama wag niyo na po akong saktan." sabi ko habang hinihimas himas yung galos ko nang dahil sa cutter.

"Nang dahil sayo... wala na sila." sgigaw ni Mama sa akin.

Tapos nakarinig ako ng mga footsteps malapit sa akin. Sino yan? Baka sila yung kumuha kay Mama.

"Mama! Wag nyo po akong iwan." sabi ko habang dumidilim yung paligid.

Shet. Panaginip lang pala. Bakit ba kadalasang binabalik ng panaginip yung masasakit na part ng buhay? Haays.

Pinahidan ko yung mukha ko at naramdaman kong may mga luha sa mga mata ko. Umiyak pala ako habang nanaginip buti nalang ako lang mag-isa dito. Nakakahiya siguro pag may nakakita.

Papahidan ko na sana yung mga luha ng may makita akong panyo. Bakit may panyo sa lap ko? Tanda ko hindi ako nagdadala ng panyo.

Parang nangyari na din to dati kaso hindi panyo yung binigay sa akin. Isang kiss sa cheeks habang natutulog ako!

Napapahawak tuloy ako sa cheeks ko pag naalala ko yun. Tang ina. Baka totoo nga yung sinasabi nilang multo? Sino naman kase ang magkikiss sakin? Napatingin ako sa paligid ko tapos biglang humangin at tumayo lahat ng balahibo. Tang inaaaaaa.

Napatakbo tuloy ako papalayo dun. Tinignan ko yung watch ko. 3pm na pala. Papasok na lang ako sa shift ko. Inayos ko yung sarili ko at nagtungo sa library.

Nakalimutan ko palang sabihin sa inyo na isa akong scholar. At dahil scholar ako kailangan kong makakuha ng matataas na grades at kailangan ko din magtrabaho pero tuwing free time lang at yung trabaho ko? Isa akong librarian.

Tapos na din yung pagiging librarian ko kaya tumungo na naman ako sa isa ko pang trabaho. (Ako na nga yung maraming trabaho.) Nagtratrabaho din ako sa bakery. Kailangan ko talagang magtrabaho dahil mag-isa na lang ako at yung Aunte ko na lang yung tumutulong sa akin.

The 'Not-So' Forever Alone [Baekhyun xx Taeyeon xx Suho]Where stories live. Discover now