Chapter 15

112 3 0
                                    

"Ano? Malapit na raw ba sila Naomi?" natatarantang tanong ni kuya Gerard – ang TL nila Louie. Karamihan sa amin, kuya ang tawag sa kanya dahil halos siya na ang nag-aalaga sa amin – hindi lang sa work. Mabait at maaasahan din siya. At ngayon, dahil sa responsibilities niya, na-pre-pressure siya sa possible na delays.

"Kumalma ka nga diyan, TL! May 30 minutes pa naman bago iyong scheduled na alis natin," ang naiirita na ring sabi ni Anna, ang isa ring kasama nila Louie sa department nila. Ang agang magbangayan ng dalawang ito.

Kasalukuyan kaming nakatayo sa harap ng company building, hinihintay si Naomi at ang van na sasakyan namin papunta sa isang beach resort privately owned by ma'am Olivia's family. May team retreat kasi every year and ngayon ang turn ng team nila Naomi at kasali na kami doon ng Vice President. 3 days and 2 nights ang retreat namin kaya sulit talaga.

"Sa wakas! Nandito na rin si Naomi at-"

"Ang van! Woah. Hindi yata ito iyong van na ginagamit ng company?" pagputol ni Anna kay kuya Gerard. Magkasing edad lang sila at matagal ng magkasama rito sa company kaya ganyan na lang sila kung magbangayan and more.

"Tama, ibang van ang gagamitin natin. Si ma'am Olivia ang nag-set up ng van at ng venue," pagpapaliwanag ko. Na-amazed naman sila sa narinig at hangang-hanga sa kabaitan ni Ma'am Olivia.

"Hi, guys! Sorry, medyo natagalan," ang sabi ni Naomi sabay peace sign.

"Late ka na namang nagising, no?" pang-aasar ni Louie sa kanya. Nagkibit balikat lang si Naomi. Right, late ngang nagising. Sanay na ako sa kaibigan kong 'yan.

"Ang ganda sa loob! Tingnan nyo, dali!" tuwang tuwang sabi ni Bryan – another part of the team.

The van is 14-seater, kasama na ang driver's seat. Ang spacious sa loob. 9 lang naman kami.

Inayos na namin ang mga gamit namin sa loob ng van. Isa-isa na rin silang pumwesto sa loob. Sina Francis, Deither, Louie, at Bryan ang nasa likod. So, may isa pang bakanteng upuan sa row nila. Mula sa likod – first row of 2 seats on the right side – nakaupo sina Naomi at Anna. Sa left side naman, may isang seat na pinaglagyan na lang nila ng bags. Sa second row of 2 seats, bakante. Nakaupo si Kuya Gerard sa second row ng one seat sa left side.

Nasa labas pa rin ako. Hinihintay si Ma'am Olivia. 5 minutes na lang bago ang dapat na departure namin. Hindi naman niya ako sinabihan kung may dinaanan pa ba siya o kung ano man.

Ilang minuto pa at may humintong sasakyan sa harap ko. It's ma'am Olivia's.

"Hi, Miss Reyes. Nasa loob na ba lahat?"

"Y-yes, ma'am Olivia."

Ngumiti lang siya sa akin at pumasok na sa van. Hindi ko alam kung bakit nauutal pa rin ako kapag kinakausap niya ako. Why am I getting nervous again?

Anyway, pumasok na ako sa van. Narinig ko naman na binati nilang lahat si ma'am Olivia na umupo sa third row ng 2 seats – malapit sa window.

Nang mapansin niyang namimili pa ako ng mauupuan, tinap niya iyong seat sa tabi niya. Nakatingin siya sa akin, the same way kung paano niya ako tingnan kapag gusto niya akong makausap. Sa takot at kaba ko sa "usap" na iyon, iniwasan ko na lang siya ng tingin at umupo sa third row ng 1 seat sa left side.

Iniwan nilang bakante iyong mga upuang nasa likod ni Ma'am Olivia. Para siguro hindi siya maingayan. Nang settled na ang lahat sa loob, nagsimula na ang biyahe namin.

"Ma'am Olivia, thank you po rito," said Kuya Gerard. Tinutukoy niya iyong van. Sobrang comfortable kasi talaga rito. It's luxurious.

"All of you deserve it," lumingon pa si ma'am Olivia sa likod para ipakita kung gaano rin siya ka-thankful at proud sa efforts ng team.

...

"Finally! Nakarating din!" Naomi exclaimed. "Mas maaga sana kung hindi dahil sa isa diyan."

"Anong gusto mo? Lunukin ko na lang?" ang naiinis na si Francis. Nakailang tigil din kasi kami sa daan dahil nasusuka siya sa byahe. Well, sanay na rin naman kami sa kanya.

"Ew! Nakakadiri ka, Francis!"

Natawa na lang kami sa reaction ni Naomi. May kasama pa kasing pag-grimace.

"Okay, tama na 'yan. Ladies, kayo na ang magdala ng sarili nyong bags sa loob. Kami na ang bahala sa iba pang mga gamit," pag-instruct ni Kuya Gerard. Wala namang nagreklamo dahil fair naman para sa lahat. "Ally, ako na ang bahala sa bags nyo ni ma'am Olivia."

"No. Kuya Gerard, ako na ang magdadala ng mga bag namin sa loob," hindi naman kasi fair sa part niya iyon. Ayaw ko namang makadagdag pa sa pagod niya.

"Ako na. Samahan mo na lang si ma'am Olivia sa loob," he glanced at ma'am Olivia who's in the car. "Mukhang pagod na pagod e."

"Baka magising ko lang siya kapag pumasok pa ulit ako doon," pagdadahilan ko. Hindi ko kayang makulong sa loob nang kaming dalawa lang. It's just too closed inside.

"Pumasok ka na lang."

Wala na akong nagawa pa - literally. Itinulak niya ako papasok at isinara na ang door.

Umupo ako sa kung saan ako nakaupo kanina. I just sat up straight - looking awkwardly stiff for sure.

For minutes, I was staying still until I heard and saw a movement from my peripheral vision. I slowly turned my head to her direction and there she was, facing me. She's got her shades on but I can still feel her gaze on me.

"Alli-"

Nagulat ako sa narinig na boses – well, dahil na rin kanina pa sobrang tahimik dito – kaya agad akong napatayo at sinubukang buksan ang pinto ng sasakyan.

Kahit anong subok ko, ayaw pa rin talagang bumukas. Ano bang problema nito?!

"Bakit ba ayaw mong bumu-"

I almost tripped from the sudden opening of the car door. Mabuti na lang at na-balance ko kaagad. Nang makatayo ako nang maayos at nagsimula ng maglakad palayo, narinig ko ang mahinang pagtawa ni ma'am Olivia. Argh!

Wala namang nakakatawa! Dahil sa kahihiyan sa nangyari, hindi ko na siya nilingon pa at nagpatuloy sa paglalakad papasok sa beach house.

"Oh Ally, nasaan si ma'am Olivia?" agad na tanong ni Kuya Gerard pagpasok ko sa loob.

I pointed behind me – not really caring about ma'am Olivia right now.

Nang umalis si Kuya Gerard, napansin ko ang view na nasa likuran niya kanina. Kitang kita ang dagat mula rito sa loob dahil glass ang wall sa side na nakaharap sa magandang tanawin. Napansin ko rin ang pool at siguradong mas maganda ang view mula doon kaya lumabas ako.

Ngayon na lang ulit ako nakalanghap ng fresh air. Parang ngayon na lang ulit ako nakahinga nang maluwag dahil sa dami ng mga nangyari for the past months. Paano ko nakaya ang mga iyon? Hays.

I shook my head trying to shoo away the urging sadness. I'm taking this time to relax kahit nandiyan si Ma'am Olivia. Just pretend Ma'am Olivia is not here, Allison. I just shrugged my shoulders.

"Ally! Anong ginagawa mo?" pagtawag-pansin sa akin ni Naomi. She's at the shore with the others. "Parang nababaliw ka na diyan!"

"Sira!" sigaw ko pabalik. Paano ba sila nakapunta doon?

Oh. May stairs pala sa left side ko. This really is nice.

After a short while, Ma'am Olivia showed us the rooms. There are two beedrooms in the first floor – one with two beds that Bryan, Francis, and Diether occupied; and the other one only has one bed which Kuya Gerard and Louie took up. The beds are quite big so the set up's all good.

Second floor, there are three bedrooms. The first one close to the stairs has one bed.

"On the other end, there's my bedroom and another bedroom next to it," Ma'am Olivia looked at us. "You decide on yourselves."

"Dito na kami ni Anna, Ma'am Olivia. Si Ally na po sa kabila," Naomi pushed me beside Ma'am Olivia. Sinamaan ko naman siya ng tingin pero lalo lang lumaki ang ngiti niya.

"That's great, then," Ma'am Olivia teasingly smiled at me.

Oh, yeah. Great, it is.

The Secretary (Tagalog GxG)Where stories live. Discover now