Chapter 5

180 5 0
                                    

Today's Friday and this week's working hours is over.

Papunta na ako ngayon sa condo ni Ma'am Olivia dala-dala ang cheesecake na binili ko para sa kanya. Nang makarating ako, priness ko na ang pin niya at pumasok. Binigay na niya ang pin code ng condo niya kasi raw ang aga aga kong dumadating. Araw-araw ko kasi siyang binibisita at doon na nagluluto ng breakfast naming dalawa.

Pagkapasok, naabutan ko siyang nanonood ng news sa TV sa living room. News lang yata ang alam niyang panoorin, hindi ko pa siya nakikitang manood ng ibang TV programs.

"Ma'am Olivia, kumain po ba kayo ng lunch?" tanong ko sa kanya habang inilalagay ang cake sa ref for later.

"Kung tinatanong mo kung kinakain ko ba iyong ipina-deliver mo then, yeah. I ate it," hindi ko alam pero napangiti ako doon. Nakakatuwa lang kasi pinansin niya iyong effort ko.

Mag-pre-prepare na sana akong magluto ng dinner pero –

"Let's just order pizza for dinner."

"Bakit po? Ayaw nyo na po ba sa mga luto ko?" pagbibiro ko pero hindi ako pinansin. Tutok na tutok pa rin siya sa pinapanood. Nice try, Allison. You can't distract her.

Nang matapos siyang manood, nag-update na ako sa kanya tungkol sa work. Isang oras din kaming nag-organize ng files at ng reports. Pagkatapos namin, nag-order na ako ng kakainin namin.

"Ma'am Olivia?" pagtawag ko sa kanya.

"Olivia. Just call me Olivia. Nasa labas naman tayo ng workplace at tapos na ang working hours so, it's okay to disregard all formalities between us," ilang araw na kaming magkasama after ng work pero ngayon lang niya sinabi 'to. What changed her mind, heart, and soul?

"Okay po, ma'am," sumama naman agad ang tingin niya sa akin. "I mean, O-Olivia," of course, I was hesitant. With her authoritative figure, walang magbabalak na i-address siya with her first name.

Ilang sandali pa, dumating na ang ipina-deliver na pizza at inayos ko na ito sa coffee table kasama ng isang wine bottle at dalawang wine glasses. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan niya pero go with the flow na lang.

"It's raining," biglang sabi nya. Napatingin ako sa glass wall at nakitang umuulan nga. Malakas-lakas ang ulan. Ang ibig sabihin, babaha na naman.

"Oh, no. Kailangan ko na pong umuwi, ma'am, bago pa po tumaas ang baha," pagpapaalam ko.

"I already told you, it's Olivia. Also, hindi kita hahayaang lumabas nang masama ang panahon. I can't be responsible for your death."

Hindi na ako nagpumilit pa. Again, hindi ako mananalo laban sa kanya. Baka nga ipasara pa ang buong building para hindi ako makalabas. Kumain na lang ako habang naiisip ang pusa kong naiwan sa apartment.

"What are you so worried of, Allison?" ang weird lang na marinig ulit ang pangalan ko mula sa kanya. Ang pinagkaiba nga lang, walang emotion ngayon.

"Hmm iyong pusa ko po. Baka kanina pa naghihintay sa akin," hindi na siya nagsalita pa. Mukhang hindi naiintindihan ang pag-aalala ko. Ayaw siguro sa mga pusa or kahit anong pet. Ang judgemental, Allison ha.

"Pwede po ba tayong manood ng movie?" sinusubukan ko lang, baka sakaling pumayag.

"Pwede kung ititigil mo na ang pagsasabi ng po sa akin," sabi niya sabay sip sa iniinom niyang wine. Kinuha ko naman agad ang TV remote at pumili ng RomCom na movie.

Tahimik lang kaming nanonood habang kumakain at umiinom. Wala naman kaming ibang mapag-usapan kung hindi about work at syempre, ayaw ko iyon. Habang nakatuon ang attention ko sa pinapanood, naramdaman kong may nakatingin sa akin – si ma'am Olivia – kaya napatingin ako sa kanya.

"May dumi ba sa mukha ko?" kabadong tanong ko. Baka kasi sabihan na naman ako ng disgusting. Natatakot akong marinig ulit iyon mula sa kanya.

"Uhm can you help me fix this shoulder immobilizer?" okay, another weird moment. First, nag-isip muna siya bago magsalita. Second, hindi niya ako tinatanong ng ganyan. Ayaw niyang ipinapaayos iyong nasa shoulder niya kahit nahihirapan siya.

"Yes, of course!" hindi ko na naitago ang tuwa ko. Iba yata ang epekto ng alcohol sa kanya. Bumabait siya.

Iniharap niya ang katawan sa akin kasi nasa left side niya ako. Nauna kong iniayos iyong nasa braso niya at gumawa ng adjustments. Sunod naman ang strap sa waist niya kaya itinaas na niya ang right arm niya para mas may access ako.

Iyong right hand ko, iniabot ko sa back niya para maayos iyong strap dahilan para mapalapit pa ang katawan ko sa katawan niya. In-adjust ko rin ito at nang tingnan ko siya para malaman kung tama lang iyong ginawa ko, nagkasalubong ang mga mata namin.

Two inches na lang ang layo ng mga mukha namin mula sa isa't isa. Nararamdaman ko ang paghinga nya at naaamoy ang wine mula sa bibig niya. Iyong kamay niyang nakataas kanina, unti-unti ng bumababa sa mukha ko.

Habang palapit nang palapit ang mukha niya sa mukha ko, pabilis naman nang pabilis ang pagtibok ng puso ko. Nang lumapat ang palad niya sa pisngi ko, napapikit na lang ako dahil sa warmth na ibinibigay nito. Ilang sandali pa, naramdaman ko na ang labi niya sa akin.

She's kissing me. She keeps on urging me to kiss her back by moving her lips on mine kaya hinalikan ko rin siya pabalik. Nadadala ako sa init ng hawak at lambot ng labi niya.

I never imagined being this intimate with her. How did we end up in this situation? Dahil ba ito sa alcohol? O may gusto ba siya sa akin? Heh.

Hailey

Napamulat ako ng mga mata sa naalala. How did I not think about her? Paano kung girlfriend niya si ma'am Hailey? Ayaw kong makasira ng relasyon ng iba.

Tumigil ako sa paghalik sa kanya at mahina siyang itinulak papalayo.

"O-Olivia, kailangan ko ng umuwi," hindi ko siya matingnan sa mata kaya nakayuko lang ako. Narinig ko naman siyang nag-buntong hininga.

"Spend the night here. Wala ka ng masasakyan pauwi and it's not safe," tumayo na siya mula sa kinauupuan niya. "You stay in the guest room. I'll check up on you later," pag-utos niya nang hindi lumilingon sa akin.

What just happened? Why did I let things go down like that? Why did I let her commit such mistake? Mistake. Isa nga lang ba talagang malaking pagkakamali ito?

Inayos ko na ang mga ginamit namin. Pagkatapos nito, pumasok na ako sa guest room sa second floor. Nakaupo lang ako sa bed, iniisip pa rin ang nangyari kanina.

Napahawak ako sa labi ko, inaalala ang lambot ng kanyang labi. Napatigil ako sa pag-reminisce nang kumatok siya sa pinto at binuksan ito.

"Here, change into these clothes," iniabot niya sa akin ang mga ito. Napatingin naman siya sa dibdib ko, "About the bra, you might not need one."

Aba! Nagawa pa talaga niyang mang-asar. Parang hindi siya na-bother sa nangyari kanina. Hindi ba niya naiisip si ma'am Hailey? Ako lang ba ang nag-o-overthink dito?

Aalis na sana siya pero lumingon pa sa akin, "Allison?"

"Hmm?" naka-look up ako sa kanya ngayon.

"N-nothing," may pag-aalinlangang sabi niya. "Goodnight," at tuluyan na siyang lumabas ng kwarto.

Nag-shower na ako pagkatapos ng maikling pag-uusap namin. Pagkatapos ko, nahiga na ako sa kama. Hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano ang mangyayari bukas. Paano ako mag-a-act nang normal kapag kaharap ko siya? Iniisip ko pa lang, nahihirapan na ako.

Paano kung malaman ni ma'am Hailey ang nangyari? Argh! Ano ba itong pinasok ko? Bakit ko hinayaang mapunta ako sa ganito kakomplikadong sitwasyon?

Should I just pretend nothing happened between me – the secretary – and Olivia, the boss?

The Secretary (Tagalog GxG)Where stories live. Discover now