Chapter 7

166 5 0
                                    

"You've been working really hard for the past month and I just want to tell you that your efforts are well-appreciated. With that, dinner is on me tonight," pagtatapos ni ma'am Olivia sa maikling speech niya para sa team nila Naomi sa Finance Department.

Nagpalakpakan naman sila at syempre pati ako dahil sa tuwa. Napansin din siguro niya kung gaano naging ka-busy ang mga employee at gusto niya silang i-cheer kahit sa simpleng paraan.

"Miss Reyes, ikaw na ang mag-set ng reservation sa restaurant na gusto nyo or anything," ang sabi ni Ma'am Olivia bago pumasok sa kanyang office. Ginawa ko naman iyong iniutos niya.

...

Pagkatapos ng office hours, nagpunta na kami sa isang restaurant for dinner. Sabay-sabay na kaming pumunta except kay ma'am Olivia. May pinuntahan pa kasi siya at hindi sinabi kung saan kasi personal matter daw kaya susunod na lang siya.

"Sis, ang bait bait talaga ni ma'am Olivia," kanina pa pinupuri ni Naomi si ma'am Olivia. Ewan ko ba sa kanya, hinahangaan pa rin siya kahit naikwento ko na sa kanya kung paano si ma'am Olivia kapag kaming dalawa lang ang magkasama. And no, hindi ko pa rin sinasabi sa kanya iyong tungkol sa kiss. Babaunin ko na iyon hanggang sa hukay.

"Pasabi naman, dapat may libreng dinner every Friday para lalo kaming ganahan," pagbibiro nya.

"Sira ka talaga! Tumigil ka na nga dyan," natatawang pagsuway ko nang may biglang lumapit sa akin.

"Hi, Allison. Pwedeng dito muna ako?" pagtukoy nito sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"Hoy, Louie! Bumalik ka na nga don, mamaya ka na lang makipag-flirt sa kaibigan ko!" hindi ko alam kung matutuwa ba ako na sinuway siya ni Naomi o maiinis dahil parang binubugaw nya ako. Tiningnan ko na lang siya nang masama pero tumawa pa siya. Argh!

"I'm sorry, I'm late. You should've started without me," tumahimik ang lahat sa pagdating ni ma'am Olivia. Bago siya umupo, napansin kong tiningnan niya muna kung may iba pang pwedeng mauupuan.

Gusto nya talaga akong iwasan. Well, ako rin naman. Wala lang akong ibang choice kanina kasi ipinatabi siya sa akin. Mas "close" daw kami.

Ilang saglit pa, ipina-serve na namin sa table ang mga pagkain kasabay ng glasses of beer. Hindi naman formal ang dinner namin.

"A wonderful evening, everyone," pabirong intro ng team leader nila Naomi nang tumayo hawak ang isang baso ng beer. Naghiyawan naman kami. "Ma'am Olivia, mahigit isang buwan na po simula noong makasama ka namin sa trabaho - sa company and we are thankful for all your support. Thank you for treating us dinner and we're hoping that you shower us more drinks tonight. Cheers!"

"Yeees! Cheeeers!" we stood up and clinked our glasses of beer. Masaya talagang ka-trabaho ang team leader nila. Hindi masyadong tense at tinutulungan talaga ang mga kasama niya.

"Thank you, Mr. Garcia," nakangiting sabi ni ma'am Olivia.

Puno ng kwentuhan at tawanan ang dinner namin. Inabot din kami ng apat na oras sa restaurant.

...

"Alli! Tara na, tumayo ka naman dyan, sis!" malakas na pagkakasabi sa akin ni Naomi. Nasa isang club kami ngayon. Pinilit nila si ma'am Olivia na dito pumunta at pumayag naman kaya kasama namin siya ngayon.

"Susunod ako!" ang sagot ko sa kanya para tigilan na ako. Wala pa kasi ako sa mood. Umalis na siya at bumaba para puntahan ang tatlo pa naming colleagues na kanina pa nasa dance floor. Kasama ko naman sa booth sina Louie at ma'am Olivia.

"Louie, pumunta ka na rin doon," ang sabi ko sa katabi ko na kanina pa dikit nang dikit sa akin.

"Nah, dito lang ako. Sasamahan kita," I just rolled my eyes. Ayaw talaga akong tigilan. "Kayo! Kayo ni ma'am Olivia," sabay tingin kay ma'am Olivia na nakaupo sa tapat namin. Makulit talaga itong si Louie. Hindi ko alam kung anong trip e.

The Secretary (Tagalog GxG)Where stories live. Discover now