I smiled at him. "Mauna ka na. Susunduin ako ni Pierce."

Nanatili ang tingin niya sa akin bago 'yon bumaba.

"Sa'n ka galing?" tanong ko nang hindi na siya nagsalita.

He's really a man of few words.

Tumingin siya sa akin.

"D'yan lang," alanganin pa niyang sagot.

"Ah... Si Ren? Umuwi na?"

He looked at me and shrugged.

Napatango na lang ako at muling tumingin sa cellphone. Wala pa ring reply si Pierce. Talaga bang nasa bar na naman siya?

I sighed in disappointment and put back my phone in my pocket. Tumingin ako kay Chance na naroon pa rin.

"I liked your gift." I smiled when I remember his gift to me when I turned eighteen.

Ngayon ko lang uli kasi siya nakausap matapos ng debut ko.

"When did you start learning to play the piano?" I asked curiously.

Lumikot naman ang mga mata niya at napakamot sa ulo. "Nito lang."

"Did you do it for me?" nakangising tanong ko.

Nakatungo siyang tumango.

"Nice, huh?" Tinapik ko siya sa braso. "Ang galing mo. Thank you nga pala. I loved it."

Tumingin siya sa akin pero hindi na sumagot. Tumingin ako sa dumidilim nang paligid.

"Mauna ka na, Chance. Padating na rin naman si Pierce," sabi ko kahit 'di naman ako sure kung darating pa ba siya.

I just want to assume.

Mabigat siyang bumuntong hininga. Parang dismayado.

"I'm okay. Tawagan kita kapag nakauwi na ako." Iwinagayway ko ang hawak na cellphone.

Naalala ko kasi na palagi niya akong chi-ne-check sa pag uwi ko. I don't know if it was because of Ren or just by himself.

He looked at the other side like he's against it but in the end he just looked down. Maya-maya pa'y kinuha na niya ang helmet at muling isinuot bago muling tumingin sa akin.

"Tawagan mo 'ko," bilin niya bago unti-unting umalis.

Sinundan ko siya ng tingin nang humarurot na nang husto ang kanyang motorsiklo sa kalsada.

I tried to call Pierce again and this time he answered.

"Babe!" he sounds drunk.

Parang nadismaya na agad ako sa unang rinig ko sa boses niya.

"Have you forgotten about me again?" I didn't want to sound disappointed but I can't help it.

I'm really disappointed again this time.

"Oh no! Of course not! Itinago lang nila ang phone ko kaya hindi ko nasasagot ang mga tawag at text mo."

"Cheers, brad!"

I can hear loud music and drunk people around him.

"Pierce, can you fetch me now? Nilalamok na ako rito," I said after I slapped a mosquito on my arm.

"Sure, babe. Nand'yan na. Wait for me, please? I love you!" medyo malakas na sabi niya dahil sa ingay ng music at mga tao.

My brows furrowed after the call. He's partying again. Nakalimutan na naman niya ako. Sometimes I don't get him. He's very sweet sometimes but sometimes he's very distant. I don't know why.

That Smile Smells TroubleWhere stories live. Discover now