Pumasok narin ako sa loob at kaagad naman ng umandar ang sinasakyan naming trycicle.

"Manong magkano po ang singil niyo sa amin?"

"Three fifty po ang singil ko dahil mahal ang gasolina ngayon. Tumango tango naman ako at kinalabit si Allen.

"What?"

"Mag labas ka ng isang libo."

"Why?"

"Bakit ba ang dami mong dada? syempre ipambabayad natin kay manong." Taas kilay kong sabi.

"He said three fifty lang ang singil niya, so bakit mo ako inuutusang mag labas ng isang libo?" Taas kilay din niyang sabi.

"Edi ipambabayad nga natin kasi nabanggit ni tatay na mahal daw yung gasolina." Muli ko siyang nilingon. "Teka nga bakit ayaw mo? naglabas ka nga ng milyon milyon para mahanap ako tapos ni isang libo hindi ka makapag labas ngayon? lumalaban kana ba sa akin ngayon Allen?"

He grab my waist and he kissed me on the chick.

"I was joking baby, ikaw inaaway mo ako kaagad." Hinugot niya ang wallet niya at kaagad na naglabas ng ilang libo. "Here ten thousand, sabihin mo lang kung kulang pa 'yan dadagdagan ko. Oh kung gusto mo bilhan natin ng house and lot si tatay para masaya kana?"

Nakangiting inirapan ko naman siya. Si Allen talaga minsan parang baliw. Natatawa na kinikilig nalang ako sa loob loob ko.

Lumipas ang ilang minuto ng huminto ang sasakyan sa harap ng isang resort. Ito daw ang Spring hills Resort kung saan ito ang inaasikaso ngayon ni Emman.

"Three fifty po tatay diba? ito po para po yan sa inyo." Abot ko sa kaniya ng pera.

"Nako ma'am sobrang laki naman po nito."

"Tatay tanggapin niyo na po, para po yan sa inyo. Pambili niyo ng gasolina, bigas, pagkain o kahit anong kailangan niyo."

Hinawakan ni tatay ang kamay ko habang mangiyak ngiyak ito. "Nako maraming salamat po ma'am, sir, malaking tulong po ito para sa pamilya ko."

"Sige na po tatay, mag iingat po kayo."

"Opo ma'am salamat po ulit."

Hinintay namin na makaalis si tatay bago kami naglakad papasok sa loob. Nangunot ang noo ko ng mapansin parang walang katao tao sa loob. Kinalabit ko naman si Allen para mag tanong.

"Allen bakit walang mga tao?"

"This is under renovation. Ang makikita mo lang dito mga trabahador."

Kaya pala. Ito pala yung inaasikaso ni Emman dahil nag tayo siya ng bagong resort dito sa probinsya. Huminto kami sa maliit na cottage na napapalibutan ng dahon ng buko. Sobrang cute at preskong presko din ang hangin dito.

"Gusto mo bang samahan kita?"

I shooked my head. "Huwag na ako nalang ang haharap kay Emman."

"Okay, I'll wait for you here."

Bago ako umalis ay madiin akong hinalikan ni Allen sa noo. Iniwan ko naman siya at dumiretso na ng lakad para hanapin si Emman. Hindi naman ako natagalan sa paghahanap sa kaniya dahil nakita ko naman siya kaagad. Nangunot ang noo ko ng makita si Emman na medyo madungis na ngayon. Bakit pa siya tumutulong sa pag aayos ng resort niya kung marami naman siyang trabahador?

Dali dali akong lumapit sa kaniya at malakas siyang tinawag.

"Emman!"

Gulat naman niya akong nilingon at nilapitan ako. Napansin ko ang tumutulong pawis mula sa noo niya. Hinubad naman siya ang suot niyang sombrero na gawa sa dahon ng buko. Bakit parang nag iba ang pag aayos niya ngayon? kung dati ay madalas ko siyang nakikitang naka suit eh ngayon ay naka shorts nalang siya at simpleng long sleeves na parang magsasaka.

Wife's DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon