The only reason she married me is because of Cassy. And the only reason I accepted her ay para mabago ang surname ko.

Hindi man natuloy ang plano kong manirahan muna sa ibang bansa, mag trabaho, kumita at makaipon dahil nga bunti pala ako, ay kahit papaano magaan na rin ang pakiramdam ko dahil alam ko na gumawa ako ng paraan, this time ay para naman sa sarili ko.

The question now is, what now? I am still married to Art. And I can't erase the fact that I missed that bitch, but I dont want to see her at the same time. Baka tawanan lang ako nun, may paalam pa akong nalalaman tapos sa kanya din pala ako babagsak? For sure magmamalaki na naman sya pag nakita ako.

"You'll see mama soon. For now, alagaan mo muna si mommy okay?" Sagot ko kay Cassy.

Wala naman kasi akong balak ipag kait ang bata sa kanya. Hindi ko lang talaga sya gustong makita sa ngayon. Isa pa, naiinis ako dahil binuntis nya ko! Nasira na naman ang plano ko dahil na naman sa kanya.

"Kelan mommy?"

Nakakaawa naman talaga si Cassy lalo pagdating sa pangungulila nya kay Art. Siguro pag nasa mood na ko, magpapakita na kami sa kanya. But for now, hayaan ko munang mamiss nya ang bata.

"Soon baby." Sagot ko dito.

Tumayo na ako at nag luto ng agahan kahit wala naman akong ganang kumain. Ayoko kasi na puro cereal lang ang kinakain ni Cassy lalo pa at malapit na syang mag school, kaylangan healthy lagi ang kinakain nya.

May naipon naman ako galing sa pag tatrabaho kay Art saka nung nagpakasal kami, binigyan nya kami ni Cassy ng bank account na may laman at yun ang ginagamit namin ngayon. Pwede ko nga iyong ibili ng sarili naming bahay pero nahihiya lang akong bawasan ng malaki dahil ayokong may masabi sakin si Art. Kaya pang gastos lang naming mag ina ang nababawas sa perang ibinigay nya.

Pagkatapos kumain ni Cassy ay naglaro na ito saka nakatulog sa kwarto. Ako naman ang syang nakakaramdam ng gutom ngayon. Isa sa mahirap pag naglilihi ka ay ang mga pagkain na gusto mong kainin na madalas ay hindi naman madaling hanapin.

Tulad ngayon, gusto ko ng japanese food sa isang restaurant. Kaso wala syang delivery. At  dahil malapit lang naman dito yon, napag pasyahan ko nalang na puntahan para mag take out.

"Nath!" Sigaw ni Yohan na may dalang bag. Nakabalik na pala sya mula sa inasikaso nya.

"Yohan, bat ang aga mo? Kala ko bukas ka pa babalik?" Tanong ko nung nagkita kami sa baba.

"Di natuloy meeting eh. San ka pala pupunta?" Tanong nya.

"Ah, dyan sa japanese resto. May gusto kasi akong kainin kaso hindi pwedeng online delivery." Sagot ko.

"O tara na. Samahan na kita." Saad nya.

"Di na. Akyat ka na para makapag bihis. Ako na bahala dagdagan ko na ang take out para makapag lunch na rin tayo." Tanggi ko dito.

"Samahan na kita. Hindi pwedeng labas ka lang ng labas ng walang kasama lalo at madalas kang mahilo. Paano pag bhmagsak ka nalang dyan sa daan?" Saad nya ng may pag aalala.

"Kaya ko naman. Pero sige tara na nga." Pag sang ayon ko nalang.

Nilakad lang namin ang resto dahil malapit lang naman habang nag kwekwentuhan tungkol sa meeting na pinuntahan nya. Napakaswerte pa rin kasi na magkaroon ng kaibigan na tulad ni Yohan na tutulungan ka kahit walang hinihintay na kapalit.

Alam nyang kasal ako pero hindi ko sinabi kung kanino dahil kilala si Artemis sa bansa. Ayoko lang na malaman nya ang kinaroroonan naming mag ina.

"Bakit di nalang tayo dito kumain?" Paanyaya nya nung nasa loob na kami ng resto.

Artemis (Gxg) (Intersex)Where stories live. Discover now