Art 23

8.8K 331 28
                                    

ARTEMIS 23

Hinabol ko si Nathalia hanggang sa makarating kami sa taas. At bago pa nya maisara ang pinto, naharang ko na ito at nakapasok sa kwarto na ginagamit nila ni Cassy.

"Wait!" Nahawakan ko sya sa braso pero kung nakakapatay lang ang tingin, baka patay na ako sa talim ng tingin na ipinukol nya sakin.

Pabalang nyang hinawi ang aking kamay. "Bat nandito ka? Ayokong makita ang pag mumukha mo Art. Halata namang enjoy na enjoy ka kasama yung mga put-- iyon!"

Here we go. Wala pa naman, mukang mag aaway na kaming mag asawa.

Isinara ko ang pinto at ang una kong napansin bago kami mag bungangaan ay wala si Cassy sa kwarto.

"Nasan ang anak natin?"

"Anak ko lang!" Inis na sigaw nya saka umupo sa bed. Namumula ang mukha nya sa sobrang inis sakin.

"Babe, where is our child?" Mahinahon na tanong ko.

"Nasa lola nya! Doon daw tatabing matulog." Pabalang na sagot nya. Katabi pala ni mommy. Atleast I know that Cassy is safe.

"Nathalia, iyong nakita mo--"

"Oo yung nakita ko!" Putol nya sa sasabihin ko.

Medyo maginaw kasi basang basa ako tapos ang lamig ng aircon sa room, plus inaaway pa nya ako.

"Yung nakita mo--"

"Enjoy na enjoy ka nga eh. Dalhin mo na sa kwarto mo! O doon mo na sa pool tirahin yung dalawa na yon. Gusto mo manood pa ko?" Nang iinsulto na sabi nya.

"No. Hindi nga." Napakamot ako sa batok. Ganito ba? Ang buhay na may asawa ka na? "Si Lake ang may kagagawan noon saka yung bugok nyang bff na kung ano ano--"

"Wag na wag mo ngang ipasa sa iba ang kalokohan mo Art! Aminin mo, gusto mo rin naman!" Sigaw na naman nya.

"Hindi nga I swear!" Tinaas ko pa ang aking kamay. "Wag ka na magalit, sinet up lang talaga ako nila--"

"Umalis ka nga sa harap ko Artemis! Naiinis ako sayo! Nakakadiri ka, kahit kelan di ka na magbabago!" Hirit pa nya.

"I didn't want them. Hindi mo ba nakita na itinataboy--"

"Get out!" Sigaw nya kasabay ng pag bato ng isang unan.

Napatitig nalang tuloy ako at natahimik. Iniisip kung aalis ba ako o hindi pero kung di ko sya susundin, baka mas lalo syang magalit at baka hindi pa matuloy ang kasal namin bukas.

Kaya minabuti ko nalang na mag tungo sa pinto para lumabas ng kwarto. Pero pag kahawak ko palang ng door knob, nagsalita na ulit sya.

"At saan ka pupunta?" 

Muli akong napalingon sa kanya. "Lalabas kasi sabi mo--"

"At pupuntahan mo yung dalawang babae doon? Ganon ba?" Mapaghamon nyang sabi.

"Hindi." Sagot ko.

Tinignan lang nya ako ng masama kaya muli nalang akong tumalikod para lumabas pero--

"At talagang pupuntahan mo sila ah!" Galit na sigaw nya.

"Hindi ko sila pupuntahan."

"Eh bat lalabas ka?" Muli nyang tanong.

Napakamot ako ng batok. Eh di ba sya naman ang nagsabi na umalis ako?

"Kasi sabi mo get out."

"Walang lalabas! Pag lumabas ka ng pintong yan hindi na natin itutuloy ang kasal!" Sigaw nya ulit.

Artemis (Gxg) (Intersex)Where stories live. Discover now