Art 31

7.9K 289 87
                                    

NATHALIA

It's 7 am at grabe na naman ang hilong nararamdaman ko. Kakagaling ko nga lang sa banyo dahil nag suka na naman ako. Ang hirap talaga, at isa lang may kasalanan nito! Sabi ko naman kasi gumamit sya ng proteksyon eh! Pisting yan, wag syang magpapakita sakin!

"Mommy? Are you sick?" Tanong ng baby ko na nakaupo sa kama at nagpupunas ng mata. Gising na rin pala sya.

"No..." Tumabi ako sa kanya. "Bakit bumangon ka na? Matulog ka pa. Mommy's going to cook breakfast." Sabi ko pa.

Nandito kami ngayon sa condo unit ni Yohan, kababata ko at kaklase nung elementary. Nagkataon na nagkita kami sa Canada at nung kinailangan kong bumalik sa Pinas dahil sa...'hindi inaasahang pangyayari' ay hindi sya nagdalawang isip na ialok ang condo nya. Wala naman daw kasing gumagamit dahil mahilig syang magbakasyon sa ibat ibang lugar. Kaya kasama namin sya dito pero may mga business lang din syang inaasikaso kaya madalas syang wala. Mabait naman si Yohan at maasikaso, nakakahiya man ay tinanggap ko na rin ang alok nya na dito muna tumira.

"Mommy mag cereal nalang po ako. Wag ka na mag cook." Saad ni Cassy.

"Why? Ayaw mo ba ng egg? Or chicken?"

"Para hindi ka na mapagod. You need to rest mommy." Sabi pa nya saka ako hinila para muli syang tabihan. Nag aalala kasi sya sakin dahil akala nya ay may sakit ako. Hindi ko pa rin kasi sinasabi kay Cassy ang totoo, na magkakaroon na sya ng kapatid kagagawan ng mama nyang mahilig sa sex.

Wala naman sa plano kong magpabuntis, pero sa ilang beses na may nangyari samin ni Art na walang gamit na proteksyon, nakabuo ulit kami kahit hindi sinasadya.

"I'm okay. Mommy's fine. Morning sickness lang ito baby." I told my daughter.

"Mommy, miss ko na si mama..." Nakalabing sabi nya.

I sighed. Mabuti nga ngayon hindi na sya madalas mag tantrums dahil namimiss na daw nya ang mama nya kasi nakikita nyang sumasama palagi ang pakiramdam ko. Akala ni Cassy ay dahil hindi sya good girl kaya daw ako nagkasakit. Kaya sabi nya ay hindi na sya iiyak para hindi ako mag alala.

Pero madalas ko pa rin syang nahuhuli na tulala at walang gana. Mag isang naglalaro pero palaging malungkot. Pasikretong nagpapahid ng luha para hindi ko makitang nasasaktan sya. Alam ko naman hindi madali na ilayo ko ang bata sa kanya dahil mahal na nila ang isat isa. Malamang, magkadugo pa rin sila.

Pero kinailangan ko itong gawin. Una, hindi naman masasabi na ganap kaming isang pamilya na nabuo dahil nagmamahalan. Kaya lang naman kami ikinasal dahil sa bata, at bukod don, wala nang iba.

Isa pang dahilan ay hindi ko kakayanin na ilayo nya sakin si Cassy kung dumating ang oras na bigla na naman syang mawala at umalis nang walang paalam, for sure dadalhin nya si Cassy at iiwan ako. Hindi ko kakayanin kung mangyari yon.

At isa pa, ay gusto ko lang magkaroon ng sense of fullfilment sa sarili ko. Bagay na nawala sakin mula nang magkagulo gulo ang buhay ko dahil sa mga nangyari. Siguro, hindi madaling intindihin o tanggapin para sa iba ang rason, pero para sakin, gusto ko lang masabi muli sa sarili ko na may kwenta ako.

Madali bang tanggapin na nawalan ka ng lisensya, propesyon, dignidad, at respeto sa sarili mo? Madali bang isipin na hinayaan kong maliitin ako ng iba, dahil sa nangyari? Na sa twing haharap ako sa mga nakakakilala sakin, humaharap akong nakayuko dahil pakiramdam ko, ang baba ko kumpara sa kanila.

Lahat ng bagay na yon, sumugad sa aking pagkatao, at gusto ko lang sanang gamutin.

The only reason Artemis respect me is that I am the mother of her child. At ngayon, dumalawa pa nga!

Artemis (Gxg) (Intersex)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu