Art 2

8.8K 352 49
                                    

ARTEMIS 2

ART POV

"Ma'am, okay na po. Pwede na daw po syang umuwi." Sabi ni Arnold sa kabilang linya.

"Thank you. Wag mo na syang paalisin dyan, ipahanda mo nalang ang sasakyan sa harap." Utos ko pa dito.

Kinuha ko na ang wallet ko at naglakad palabas, papunta sa clinic na pinag dalhan kay Nathalia. Pag bukas ng pinto, naabutan ko syang nakaupo at nakatitig sa paa nyang may maliit na cast. Malungkot ang mukha nya. Siguro ay iniisip nya na ilang araw din syang hindi makakapasok dahil sa injury nya sa ankle at posibleng mabawasan ang sweldo nya dahil doon.

"You ready?" I smiled at her.

Gulat syang napatingala at nakita akong nasa harap na nya. Napakunot ang noo nya. "Ready na?"

I smirked. "Umuwi sa bahay nyo. Ano pa bang iniisip mo?"

Inirapan nya ako. Pinilit nyang tumayo pero bago pa man nya magamit ang paa nya, kaagad ko na syang binuhat.

"Hey! What do you think you're doing?! Ibaba mo nga ako!" Protesta nya pero tuloy tuloy akong naglakad palabas.

Yung nurse na nag attend sa kanya, napanganga nalang sa nakitang pagbuhat ko kay Nathalia. "Open the door, lady nurse."

Pinagbuksan pa kami ng pinto ng nurse at tuloy tuloy akong naglakad sa hall way.

"Artemis! Nakakahiya!" Napangiti ako nung itinago ni Nathalia ang mukha nyang namumula sa aking dibdib kasi naman ang daming empleyadong nakatingin samin at nagtataka. Hindi ko naman sila pinansin lahat dahil una, masyado akong maganda para pagtuunan pa sila ng pansin. Baka naiinggit lang sila dahil hindi sila ang binuhat ko ng bridal style.

"Ma'am, ako na po ang--" Alok ng isang lalakeng empleyado na may matipunong katawan.

"No." Walang tinginang sagot ko.

"Art, kaya ko naman kasing maglakad eh!" Reklamo ni Nathalia.

Bumukas ang elevator, sakay noon ang anim ng tao. Pero lahat sila nagulat nung makita na ako ang naghihintay para sumakay.

"Move!" Utos ko sa kanilang lahat.

Nag unahan pa silang magsilabasan at parang magic na nawala kaya nakapasok kami agad ni Nathalia nang hindi ko sya binibitiwan.

It's sad actually, masyado syang magaan. Hindi ba sya nakakakain ng maayis? Or baka, masyado lang akong strong, you know? I work out naman kasi para lean ang muscles ko.

"Bakit mo ba kasi to ginagawa?" Tanong ni Nathalia habang lulan kami ng elevator.

Yumuko ako at tinignan sya. Nagiwas sya ng tingin. Napangiti nalang ako dahil ang kamay nya ay nakakapit sa leeg ko para sa support. Now, I'm liking it. Parang isang kuting na walang kalaban laban. She depends on me now. For some stupid reason, natutuwa ako na malaman na sakin na sya aasa sa lahat mula ngayong araw na ito.

Like her life, depends on my mercy.

"Art, tama na! Ibaba mo na ako! Mas gugustu--"

"Tatahimik o hahalikan kita? Choose." I smirked when she shut up her mouth.

Pag bukas ng elevator, ang daming naghihintay sa labas. Lahat sila, natulala sa nakita at biglang nahawi para bigyan kami ng daan.

Dumirecho ako sa kotse na naghihintay sa labas. Pinagbuksan kami ng guard ng pinto at ibinaba ko si Nathalia sa passenger seat sa harap. Saka ako sumakay at umupo sa driver's seat.

Napasulyap ako sa kanya na pailing iling at pulang pula ang mukha. Alam kong hiyang hiya sya sa mga nakakita lalo pag nagbubulungan ang mga ito at napapasinghap. It's rare for them, to see a gorgeous like me, carrying in bridal style another chic.

Artemis (Gxg) (Intersex)Where stories live. Discover now