Art 25

8.8K 351 54
                                    

ARTEMIS 25

"Bye lola!"

Kumakaway kaway pa ang anak ko sa kanyang lola dahil ngayon ay nandito kami sa airport para ihatid ang aking mommy.

My mom nodded pero bigla ulit itong tumakbo palapit samin ni Cassy at paulit ulit hinalik halikan at niyakap ang apo. Halatang hindi nya ito gustong iwan pero kaylangan nya talagang bumalik sa ibang bansa para asikasuhin ang mga negosyo namin doon.

"Cassy kung pwede lang kitang isama sakin, sakin ka nalang. Doon na tayo tumira abroad." Saad pa ni mommy.

Pero si Nathalia na nasa tabi ko, bigla akong hinawakan sa braso. Takot na takot na totoohanin ni mommy na isama nalang si Cassy sa kanya sa ibang bansa. Tila ba sinasabi ni Nathalia na wag akong pumayag sa sinasambit ng mommy Anastasia ko na dadalhin daw nya si Cassy kasama nya sa ibang bansa.

Napangiti ako habang nakatingin sa aking asawa saka ko sya inakbayan dahil tuluyan nang binuhat ni mommy si Cassy para for the last minute ay yakapin  nya ang baby namin.

Bumulong ako kay Nathalia. "Relax. Di rin ako papayag na kuhanin sya ni mommy." I assure her.

Hindi sya kumibo pero nakatingin lang sa mag lola. Pansin ko kay Nathalia, masyado pa rin syang takot na ilayo sa kanya si Cassy. I bet hindi pa rin sya nagtitiwala ng lubos samin at iniisip na baka bigla nalang namin silang paglayuin ng kanyang anak.

What she didnt realize yet is that I married her for us to become one family. Walang lalayo, walang maiiwan dahil simula ng ikasal kami, wala naman akong balak na hiwalayan na sya. Kung meron man akong plano, yun ay magkasama kami kahit saan man ako pumunta at kahit ano ang mangyari.

"I'll go ahead now." Muling ibinigay sakin ni mommy si Cassy saka sya nagpahid ng luha. Saka sya muling lumapit kay Nathalia. "Nathalia, please bear with Artemis okay?" Saad nya hawak ang aking asawa sa kanyang balikat. "Take care of each other dahil mag asawa na kayo ngayon. Wag kayong mag aaway. Isipin nyo palagi ang anak nyo. Mag iingat kayo." Saka sya ngumiti at bumaling sakin saka ako muling niyakap. "I love you baby."

I chuckled saka sya niyakap. "Mom, di na ako baby. May baby na nga ako oh?" Natatawa kong sabi.

"O sya, pag balik ko dapat may baby na ulit kayo ha." Bilin pa nya.

Matapos ang walang katapusan na yakapan at iyakan ay nakauwi na ulit kami pero dito pa rin sa Laguna. Sadyang nag stay na muna kami dito para makapag pahinga na rin total si Lake naman ang pansamantalang tumitingin sa kumpanya.

Mula ng ikasal kami, hindi pa ulit kami nagsisiping ni Nath. Ang dahilan? Palaging nakapagitna samin si Cassy sa bed. Pano naman kami makakagawa ng second baby?

Kaya naisip ko na sanayin ang bata na matulog sa separate na rooms. Kaya namam nung gabi na, hinatid ko sya sa room na sinet up ko para sa kanya kung saan maraming toys at doll house para paglaruan nya.

"Mama I'm scared..." Nakaupo si Cassy sa bed ako naman ay nasa tabi nya. Hawak nya ang isang teddy bear na bigay ko at ngayon ang unang gabi para matulog sya ng hiwalay samin ni Nath.

"Dont be baby. Ganon talaga kasi bid girl ka na. You have to sleep in your own room and sooner I promise you magkakaroon ka na ng little sis." I told her.

"Really? But you said I am still your baby." Sabi pa nya.

Ang totoo, nasanay na rin ako na tabi kaming matulog at magkayakap kaso kaylangan din talaga na may hiwalay syang kwarto dahil ngayon ay mag asawa na kami ni Nathalia at kaylangan namin ng privacy. You know?

"Yes, and you'll always be. Kaso baby next year mag school ka na so you have to learn to be brave na. Dont be scared to be alone kasi mommy and mama are just in other room. Sleep na okay?" I said to her.

Artemis (Gxg) (Intersex)Where stories live. Discover now