Art 8

7.4K 328 37
                                    

ARTEMIS 8

"Di bagay sayo."

Boses na nanggaling sa likod ko habang nakatingin ako sa labas, dito sa balcony. May hawak akong baso ng wine sa kamay at nagmumuni muni.

"Di bagay uminom ng wine?" I asked Freya.

Tumabi sya sakin at sumandal sa railings. "Di bagay magseryoso. Anong iniisip mo?"

Umiling ako sa kanya. Actually, di ko kasi maintindihan ang nararamdaman ko.  Gusto kong matawa sa ginawa kong pag offer kay Nathalia ng sex kapalit ng perang kaylangan nya. And somehow, I felt guilty though.

Pero ang ikinagulat ko, ay ang pag tanggi nya sakin. Hindi mawala sa isip ko kung paano sya nadismaya sa sinabi ko, at kung paano sya nasaktan. The way she disgusts me, it's clear in her eyes, that woman hates me.

Pero syempre, hindi ko pwedeng ipakita sa iba na naapektuhan ako.

"Nothing." Saka ako tumalikod at humarap sa kanya. "How are you Freya?"

She just shrugged her shoulder. "Ayos lang."

I know she's not, pero with Lake on her side, makakaya naman yan. Sila pa ba?

"Ikaw? Bakit parang malalim ang iniisip mo?" She asked me.

"Wala." Nag iwas ako ng tingin at uminom nalang ng hawak kong wine.

I need to calm my mind, pero may gumugulo sa isip ko.

"Where is my cousin?" I asked Freya.

"Kasama si Zep. Papunta yata sila dito." Sagot nya sakin.

I just nodded. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa and kanina ko pa gustong tawagan ang private investigator ko. Gusto kong malaman, saan nya gagamitin ang ganong kalaking pera?

"Ate Art..." Boses ni Lake.

Sinalubong sya ni Freya ng halik at tumungo na ito sa labas dahil nakita nyang nandun si Zep.

"Hey." Bati ko kay Lake.

The way she called my name, parang alam ko na. Na nag tanong na rin si Nathalia sa kanya dahil obviously, hindi ko sya papahiramin unless ibigay nya ang gusto ko.

"How's work?" She asked.

"How's work? Or how's my secretary?" I asked instead.

Napataas ang kilay nya. "What about Nathalia?"

Ibig bang sabihin, ay hindi nagtanong sa kanya si Nath ng pera?

"Hindi ka ba nya hinihiraman ng pera? I knew, she needed a huge amount of money." I tokd Lake.

"What? Si Nathalia?"

So hindi nga nya alam. Taliwas sa ineexpect ko na magpapapaawa na naman ang babaeng iyon sa pinsan ko. Well, for me, that's new.

"1M." Sagot ko.

"Para saan?"

"I don't know." Umiling pa ako.

"I'm gonna ask her." Kukuhanin na sana nya ang phone nya pero pinigil ko.

"No Lake. Just let her. I offered her something, kapalit ng kaylangan nyang pera." I told Lake.

"Anong offer?"

Natawa pa ako nung muling maalala yung ginawa kong condition kay Nath. I wonder, what would my cousin do if she knew what my condition is. Would she play superhero for her?

"I said, I'm gonna give her the money, in exchange for..."

"For...?" Naghihintay nyang tanong.

"For sex.."

Artemis (Gxg) (Intersex)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu