Napaawang ang bibig nya sa narinig nya sakin. Now, I have no idea kung ano ang sasabihin nya buhat sa narinig.

"Sex..." Tumatango tango nyang sabi.

"I hope you wont mind. Ex mo nalang naman sya di ba? Anyway, may girlfriend ka naman na." Sabi ko sa kanya.

Ngumiti sya sakin, saka nya kinuha yung bote ng wine na nasa lamesa sa tinungga iyon mula sa bote.

Saka sya tumawa ng malakas. "You ask her to sleep with you kapalit ng pera?" Tanong pa nya.

Daig pa nya ang naka high. Di ko masabi kung natutuwa sya or nawawala sa sarili.

"Yes. Pero tumanggi sya. Maybe she'll reconsider. Kung talagang kaylangan nya ng malaking halaga, gagawin nya yon." Nakangiti ko pang sabi sa kanya.

Binaba nya ang bote sa lamesa at lumapit sakin.

"You know ate Art, matagal ko nang gustong gawin to eh, kaso kadugo kita.. " Bigla nyang sinabi.

"Ang alin?" Nagtataka kong tanong.

And the next thing I knew, isang malakas ng suntok sa mukha ang natanggap ko mula sa sarili kong pinsan.

Wow, solid punch. Hindi pa ako nakaka adjust, bigla na naman nya akong sinuntok sa tyan naman at saka sinandal sa railings na parang ihuhulog nya ako sa mataas na condo.

"Lake!" Sigaw ko dito.

Pilit ko syang inaawat pero parang wala syang balak bitiwan ako. The way she look, yung mata nyang parang nagdidilim, ganyan yung mata ni Lake nung time na nasaktan sya kay Nathalia before.

"You're and asshole!" Sigaw ni Lake sakin na parang hindi ako nakikilala.

Lumaban ako para patigilin sya pero wala eh. Para syang papatay sa mga kinikilos nya.

"Lake!" Narinig kong sigaw ng mga nasa likod, si Freya at Zep.

"Lake stop it!" Sigaw ko rin habang pilit hinuhuli ang kamay nyang sumasakal sakin.

"Lake, that's your cousin!" Sigaw ni Zep na umaawat na rin.

"Lake!" Si Freya na napaupo nalang sa sahig dahil naitulak sya ni Lake.

Hanggang sa tuluyan na syang naawat ni Zep at nailayo sakin. Pareho kaming hingal na hingal. Now I know Lake is still strong, like me. Pero hindi ko maintindihan bakit bigla syang nagkaganyan?

"What's your problem?!" Galit na sigaw ko sa kanya.

"Damn you!" Sigaw nya saka tumalikod at lumayo. Sinundan sya ni Zep.

Naiwan kami ni Freya dito sa sala. Tinulungan ko si Freya na tumayo dahil nasaktan yata yung paa nya dahil sa pag awat kanina.

"Anong nangyare? Bat nag away kayo?" Tanong sakin ni Freya.

Napapaisip tuloy ako. Alam ko naman na mahal ni Lake si Freya, pero bat ganun nalang sya magalit dahil sa sinabi ko kanina?

"It's Nathalia. Kaylangan kasi nya ng malaking pera, and I offered her sex, kapalit nun..." I told Freya.

Napapikit si Freya at nung dumilat sya, isang malakas na sampal ang kanyang ibinigay sakin.

"Eh kulang pa pala sayo yan eh. Kung nandun ako, naku baka hinulog kita dyan sa bintana!" Inis na sabi nya saka sumunod sa taas kung saan nandun si Lake.

Naiwan akong mag isa at nag tataka. Ganun ba kasama yung ginawa ko kay Nathalia?

Kinabukasan, maga ang ilan sa mga pasa ko sa mukha. Pero pumasok pa rin ako dahil gusto kong makita ang isang babaeng dahilan ng mga pasa ko sa katawan.

Artemis (Gxg) (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon