Prologue

10.6K 216 9
                                    

Kimielro Klent Wendra

"Hey cous!, kailan ka uuwi?". Tanong ng pinsan ko sa kabilang linya.

" Bukas". Maikling sagot ko.

"Yehey basta yung pasalubong ko ah! ". Tili nito sa kabilang linya minsan isip bata talaga toh.

" Wag na lang kaya akong umuwi? ". Pang aasar ko sa kanya habang ngumingisi na parang tanga.

" Subukan mo lang talaga Miel ako talaga susundo sayo jan! ". Banta nito sakin kaya napalunok ako. Ito naman joke lang eh!

" Luh ano iiwan mo ang mapapangasawa mo para lang sunduin ako? ". Panghahamon ko sa kanya.

" Syempre isasama ko sya duh WAG KANG BOBO". Diniinan nya pa talaga ang salitang wag kang bobo tsk!

Ako bobo?, malabo top student kaya to noh!

"Bahala ka sa buhay mo Shien! ". Singhal ko. " At isa pa makikita ko lang ang kapatid ni Viel eh!". Naiinis kong sabi. Totoo naman kase eh yung kapatid ni Viel na si Dennil patay na patay sakin. Sinundan nga ako nun dito sa Spain eh!

Nang galing sila sa angkan ng mga Lancero, isa sa mayayamang pamilya sa Pilipinas.

"Hoy Miel! ". Sigaw ni Shien sa kabilang linya.

"Oo na inaantok na ako". Pagpapalusot ko.

" Sige Good night baby Miel ". Pagpapaalam nito at pinatay ang tawag.

___________

" Baby Miel! ". Sigaw ni Shien at kumakaway kaway pa sa kalayuan.

Andito na ako ngayon sa labas ng airport kakababa lang ng eroplanong sinasakyan ko pero bumungad ka agad sakin ang mga reporter.

" Ms. Kimielro Klent Wendra totoo po bang may relasyon kayo ni Ms. Dennil Lancero? ". Tanong ng babaeng reporter sakin habang nakikipag siksikan.

Kumunot naman ang noo ko sa tanong nito.

Wait what?!

" Oo nga po Ms. Kimielro? ". Tanong naman ng lalaking reporter.

" Wait lang po ".

" Sagutin nyo po ang tanong namin".

Mabuti naman at dumating na si Shien kasama ang mga bodyguard nito at hinarangan ang mga toh.

"Buti naman dumating na kayo". Sambit ko habang umupo sa sasakyan.

" Sorry na traffic kase kami ". Paghingi ng patawad nito.

"  No It's okay, nga pala sino namang nagsabing may relasyon kami ni Dennil? ". Naiinis kong tanong.

Ngumisi naman ito ng nakakaloka.

" Ikaw ha grabe ka makatangging di mo sya gusto pero jowa mo na pala sya ". Mang aasar nito.

What the fvck!

Tinignan ko naman ito ng nagtataka. Mas gugustuhin ko na lang ilibing kesa maging jowa yung babaeng yun!

" Anong ibig mong sabihin? ". Naguguluhang tanong ko.

" Sinabi ni Dennil sa interview nya na may relasyon kayo ". Pagpapaliwanag nya.

Nanlaki ang mata ko sa gulat. Fvck!

" Wala kaming relasyon! ". Sigaw ko. " That girl fake news sya! ".

" Wala ba?, Sorry ka na lang naniwala sina lolo eh lagot ka ". Tumawa naman ito ng malakas.

May jowa pala ako bakit di ako inform?

________

Andito ako ngayon sa bar dito ako pumunta pagkatapos ng kasal kase ayaw kong makita ang pagmumukha ng kapatid ni Viel. May kasalanan pa kaya sakin yun!

" Ma'am tama na po yan ". Nag aalalang saad ng bartender at kinuha ang baso ng alak sakin. Kaya wala na akong nagawa kundi tumango na lang.

Tumayo ako at muntik ng matumba dahil sa kalasingan.

Kinuha ko ang wallet ko pero laking gulat ko na lang ng hindi  ko ito mahanap kaya napamura ako ng mahina. Kung minamalas ka naman oh!

" Kuya pwedeng lumabas muna ako? Kukunin ko lang yung wallet ko ". Nahihiyang tanong ko sa bartender.

" Nako Ma'am hindi pwede papagalitan po ako ni boss ". Bakas sa mukha nito ang takot.

" Sige na po kuya babalik ako ka agad ". Pagmamaka awa ko dito.

" Hindi po tala-". Naputol ang sasabihin nito ng may biglang lumapit na lalaking malaki ang katawan samin.

"Anong problema dito lance? ". Tanong nito sa bartender.

" Ano po kase boss.. Ito po gustong lumabas kukunin daw po yung wallet nya ". Sabay turo sakin kaya napalunok ako ng lumingon ang lalaki sakin.

" Miss bawal kang lumabas dito hanggang hindi ka nakakabayad. " Seryosong saad nito kaya kinabahan ako bigla.

"Kuya ano po kase na iwan ko yung wallet ko sa kotse". Pagpapaliwanag ko sa kanya.

" Hintayin mo ko dito ". Saad nito at umalis.

Ilang minuto na ako dito pero hindi parin dumadating ang lalaki kaya umupo na lang ako at isa pa inaantok na ako.

" Ehemm ". Boses ito ng lalaking hinihintay ko kaya tinignan ko ito.

" Pumirma ka na lang dito at makakaalis kana ". Nakangiting saad nito sabay bigay sakin ng papel at ballpen. Dahil inaantok na talaga ako ay di ko na lang ito binasa at pumirma na lang pero may na hagip ang aking mga mata na pangalan.









Lanccira Jane Sambreno

Psycho Possessive Wife1(Intersex) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon