Gusto ko lang malaman ang buong pagkatao ko,.

"Sorry Mich," sabi niya, pumasok kami sa kwarto ko at dun nag-usap.

"Nung panahon na yun, kailangan namin ng pera dahil laging pabalik-balik ang kuya Neil mo sa hospital, tsaka yung papa mo walang trabaho" panimula niya,

"Pinasok akong kasambahay sa Monteclaros, si Henry at ako ay magka edad, may girlfriend siya nun,ikakasal na sila nung panahong yun, habang ako naman may asawa, di ko inaasahan na mahuhulog din ang loob ko sa kanya, hanggang sa may nangyari sa'min" naiyak na siya..

"Minahal ko talaga siya, kaso sino ba naman ako, isa lang akong katulong at may asawa pa"

"Eh bakit sabi niyo kina tita ni raped kayo" napabuntong-hininga siya.

"Wala akong ibang ma dahilan dahil nabuntis na ako, at galit na galit ang papa mo, halos patayin niya ako,lalo na pag malaman niyang nagloko ako.." niyakap ko siya

"Simula nun, lagi nang lasing at galit ang papa mo sa'kin, lalo na nung pinanganak kita, kaya habang lumalaki ka, nasisisi ko sayo ang galit ng papa mo, sorry Michelle" napaiyak na din ako kaya pala ganun sila sa'kin.

"Kuhang ko mo ang height at balat mo kay Henry," ngiti pa niya..

Naputol ang pag-uusap namin dahil may kumakatok sa labas.

Pagbukas ko, si Henry pala at si Grace..

"Lenlen?"
"Totoo ba anak ko siya?" Tumango si Mama. Niyakap ako ni Henry.

"Seriously, pati ba naman kay Dad ikaw ang kahati ko?" Sabi ni Grace.

"Watch your mouth Grace" sabi ni Henry.

--
I feel happy, na kahit papano ok na kami ni Mama, at nakilala ko na din ang totoo kong Papa. Parang may isang tinik na nakuha sa puso ko.

"My soul always find yours" narinig kong sabi ni Tine.

Nasa Park ako ngayon at nagmumuni-muni..sobrang saya ko lang kasi, tapos i x2 pa dahil nandito na siya

"I'm sorry for leaving you," she said.

"I am sorry for lying to you and for hurting you" niyakap ko siya.

"I love you Tine" at yan nasabi ko na from the heart...

"I know, and i love you so much Mich" sabi niya, ano pang mahihiling ko?

God's timing is always perfect.

We are officially together. Tine is officially mine, my dad already knows while my sister is nag aalburoto, Alam na din ni Gregg, wala daw syang ibang choice kundi maging masaya kasi naging parte naman daw kami ni Tine ng buhay niya.

Pero i know he is hurting, at dahil yun sa'kin. Ilang beses na din akong nagsorry sa kanya pero ngumingiti lang siya at sasabihing "mas importante ang kaligayahan mo" naguiguilty ako at the same time natutuwa kasi inintindi niya ako kahit masaktan pa siya.

My Dad offers me a condo, pero umayaw ako, sabi ko sa bahay nalang ako pero sabi ni mama na tanggapin ko nalang daw para din makaalis na ako sa bahay dahil pag-iinitan lang ako lagi ni Papa. Kaya um-oo ako pero di naman ako palagi nasa condo ko, lagi akong nasa condo ni Tine, iisang building lang kasi kami.

" Mosh" tawag ko kay Tine, hahaha MOSH - my only sweetheart oh dibaaa..

"Yes Mosh" sagot niya. Niyakap ko siya sa likod habang nagluluto ng itlog for breakfast.

Pero di pa siya natatapos ay hinalikan ko na agad siya sa leeg. Her weak spot, "Mosh i'm still cooking" i just smiled.

Di ko siya pinakinggan, nagtuloy-tuloy lang ako sa ginagawa ko. Di naman pwede na ako lang lagi niyang tinitikman.

One shot stories (gxg)Where stories live. Discover now