"Pero sa huli, iisa na ang aming napupusoan. At ang napili namin ay si Juan. Dahil si Juan yong tipong tao na handang magsakripisyo para sa kaniyang kaibigan. Minsan nalang tayo makakakita ngayon ng kagaya ni Juan, ang handang isugal ang lahat hindi lang para sa sarili kundi pati sa mga minamahal." Pagpatuloy ni Nayde sa kaniyang sasabihin tungkol sa napili nilang bigyan ng pangalawang pagkakataon.





Humawak na ng microphono si Ian at nilingon ang mga natalo sa Warriors Battle na ngayon ay magkatabi-tabi. "Napag-decisyonan ng ating Protector at Sinaunang Shadow na bigyan ang isa sa inyo ng pangalawang pagkakataong lumaban. At ang napili nila ay si, Juan Luna." Anonsyo ni Ian na gumulat sa lahat.

Ang ilan sa mga Warriors at maging ang mga manunuod ay napapanganga dahil ngayon lamang ito nangyari sa kasaysayan ng Warriors Battle. Ang nagulat din na si Juan ay dahan-dahan na napangiti at nilingon niya sa likod si Atlas na nakangiti sa kaniya, at agad nilang nilapitan ang isa't isa.

Nag-akbayan ng mahigpit sila Atlas at Juan habang may abot tenga silang ngiti. "Atlas gagalingan ko para pariho tayong panalo..." sambit ni Juan habang napatalon-talon pa sa saya.

"May tiwala ako sayo Juan..." sabay ngumiti ng pagkatamis si Atlas, at gamit ang dalawang nakakuyom na kamao nila Atlas at Juan ay nagkaapiran sila sa pamamagitan ng pagdadapo sa isa't isang kamao.





Mayamaya'y nasa gilid na ang ibang mga Warriors at tanging sina Juan at Joseph lang ang nasa gitna, ilang saglit pa'y iniyuko ni Juan ang kaniyang ulo bilang pagsasalamat kina Nayde at Andres na nakaupo sa pinakaitaas na pwesto at nakaharap sa kanila.

"Maraming salamat po sa pangalawang pagkakataong ibinigay ninyo sa akin Protector Nayde at Sinaunang Shadow Andres!" Pagsasalamat ni Juan at ngiti sa labi naman ang isinagot ng dalawa.

Ilang saglit pa'y dahil parihong may kakayahan namang maglaho sina Juan at Joseph ay sabay na nila itong ginawa, at magkasabay silang sumulpot sa gitna ng malawak na espasyong lupa sa Battlefield, at sa may kalayoan ay nagkaharap sila.





Pawang seryoso ang mga mukha nila Juan at Joseph. "Hindi ko sasayangin ang pagkakataong ibinigay sa akin! Ngayon, hindi na ako susuko! Ipapanalo ko na to!" Taas boses ni Juan.

"Simulan na ang ika-siyam at huling laban, Joseph Vegan laban kay Juan Luna!" Anonsyo ni Ian.

Nakuha pang ngumiti sa labi ni Joseph "Ayaw kong gayahin ang iba sa inyo na kailangan muna ng maaanghang na salita bago lumaban, at hindi ko na nais pang manalo, magsaya nalang tayo, at pagbati sa sino mang mananalo..." sambit ni Joseph.

Agad na tumakbo sila Juan at Joseph para salubongin ang isa't isa, mayamaya'y habang tumatakbo si Juan ay ginamit na niya ang kanyang kakayahan "Multiplacation!" Pagkatapos niyang sabihin ito ay biglang sumulpot sa gilid niya ang tatlong bata na katulad niya ng wangis mula sa mukha at pangangatawan, sila ang mga impostor ni Juan o kilala sa tawag na mga Bubbles.





Habang papalapit na ang apat na Juans ay napakuyom sila ng mga kamao na halatang may balak silang suntokin ang sumusugod din na si Joseph. Pagkalapit nila sa isa't isa ay napahinto sa kakatakbo ang mga Juans sa subra nilang pagkagulat at nanatili nilang pinagmasdan ang unti-unting pagiging tila plastik ng buong mga katawan ni Joseph.

Napanganga ang ilang mga manunuod dahil sa natuklasan nilang kapangyarihan ni Joseph "Pambihira...nasan na ang mga buto niya, tila isa siyang goma na nabibinat ang buong katawan...hindi ko yata kayang panuorin to..." napatakip pa ng mata ang ibang mga manunuod.

Nagsalubong ang mga kilay ng totoong si Juan na nasa gitna nang makita niya ang tatlo niyang Bubbles na tila nakadama ng takot at hindi makakilos "Pambihira ano pang ginagawa ninyo? Umiwas na tayo baka ano pa gagawin sa atin..." natatarantang sambit ni Juan.




Ngunit hindi nga naisama ni Juan sa paglaho para makaiwas ang mga tatlo niyang Bubbles, dahil may kahabaan na ang mga kamay, paa at buong katawan ni Joseph kaya mabilis silang nagapos ng mga katawan ni Joseph at tanging sumigaw nalang ang nagawa nila. Ilang saglit pa'y sumubog na parang bula ang tatlong Bubbles ni Juan dahil sa pagkahigpit na paggapos ng tila gomang katawan ni Joseph.

Ilang saglit pa'y sumulpot ang totoong si Juan sa likod ni Joseph at agad niyang sinuntok ang ulo nito sa likod kaya napangiwi si Joseph, pero walang kung ano-ano ay biglang kumapit ang tila gomang mga paa ni Joseph sa mga paa ni Juan, at dahan-dahan na parang nababali ang katawan ni Joseph para harapin si Juan, pero dahil parang goma ang katawan ni Joseph ay wala man lang siyang sakit na nadama sa pagpa-ikot paharap ng katawan.




Agad na kumapit ang buong mala gomang katawan ni Joseph sa buong katawan ni Juan lalo na sa bandang tiyan na parang ginapos niya ito, at mahihirapan ng makawala si Juan.

Kahit na napapangiwi si Juan dahil sa higpit ng pagkagapos sa kaniya ng gomang katawan ni Joseph ay nag-iisip pa rin siya ng paraan para makawala at makalaban. "Multiplacation!" Pagkatapos nitong sabihin ni Juan ay sumulpot sa tabi niya at nasali sa pagkagapos ang apat na mga Bubbles o impostor niya.

Dahil limang mga Juans na ang nakagapos ngayon ay hindi na nakayanan ng katawan ni Joseph ang paghawak sa mga ito, kaya bumitaw siya at naglaho. Inilaho na rin ni Juan ang kaniyang mga Bubbles at hinihingal siya dahil sa pagkagapos sa kaniya kanina.





Si Joseph nama'y nasa likod ni Juan ngunit sa may kalayoan, at bigla siyang naglaho at sumulpot sa likod ni Juan. Walang kamalay-malay si Juan dahil umuubo siya at tila hinahabol ang paghinga, kaya mabilis na ipinaikot ni Joseph ang mahaba't tila gomang kamay niya sa leeg ni Juan at mahigpit niyang sinakal ito, kaya mas lalong nahihirapan huminga si Juan.

Kahit nahihirapan si Juan sa kaniyang kalagayan ay naghahanap pa rin siya ng paraan para makalaban, ibinuka niya ng pagkalaki ang isang kamay kaya may mga hanging lumalabas mula sa palad niya, at nang sa tingin niya'y sapat na ang lakas nito ay mabilis niyang inilahad kay Joseph na nasa likod para matamaan ito.

Pero bigla nalang lumaki ang bibig ni Joseph na parang goma ding nabibinat, at dahil sa laki ng bibig niya ay kumasya ang mga hanging pinakawalan ni Juan, at parang kinain niya lang ito at hindi man lang siya nahirapan dahil nga tila goma ang kaniyang katawan.




Ilang saglit pa'y ibinuga ng pagkalakas ni Joseph kay Juan ang mga hanging nilamon niya, kaya tumama ito kay Juan at tumilapon ng pagkalakas sa may kalayoang lupa. Kahit kakabagsak lang ni Juan ay agad siyang bumangon ng walang kahirap-hirap.

Muling tumakbo si Juan para sumugod, habang si Joseph nama'y nanatiling kalmado sa kinatatayoan. Nang papalapit na si Juan ay bigla siyang humint.

"Multiplacation!" Pagkatapos niyang sabihin ito ay biglang sumulpot sa mga gilid ni Joseph ang limang mga impostor niya na tila pinag-ikotan si Joseph.

"Aaaahhhhh..." sigaw ng limang mga Bubbles ni Juan habang sumusugod ngayon kay Joseph na nasa gitna nila upang susuntokin nila ito ng mga kamao nilang napapalibutan ng mga hangin.

Ngunit gamit ang dalawang mala-gomang kamay ni Joseph ay ini-isa-isa niyang sinuntok at ginapos ng pagkahigpit ang limang mga Bubbles ni Juan, at mabilis lamang napagtagumpayan ni Joseph na taposin ang limang mga Bubbles, kaya natawa siya na parang tinatawanan na natalo pa rin niya si Juan.









Atlas Volume 2 [Warriors Battle] Where stories live. Discover now