Chapter 8

97 10 35
                                    




Chapter 8: Izalem laban kay Hamaro

Nagpatuloy sa gitna ng malawak na Battlefield ang salpukan ng mga apoy nila Izalem at Hamaro. Sa pagkakataong ito mukhang hindi na ito laban sa pagitan nila Haliya at Hamaro.

Agad nakaisip ng paraan si Izalem, pasimple niya itinadyak ang isa niyang paa sa lupa kaya nagkaroon ng pagyanig mula sa kinatatayoan ni Hamaro, dahil sa pagyanig ay unti-unting nahihilo si Hamaro at nawawalan siya ng balanse sa katawan.

Napatingin si Hamaro sa lupa kaya nawala ang atensyon niya sa laban at kahit nanatili man nakalahad ang kamay niya ay ramdam naman ni Izalem na humihina ang mga apoy niya, kaya sinamantala na ni Izalem ang pagkakataong ito.

Malakas na inihagis ni Izalem ang mga apoy niya at tila nilamon ng mga apoy niya ang mga apoy ni Hamaro at papunta ngayon kay Hamaro ang pinagsama nilang apoy, hindi siya nakaiwas kaya tumilapon siya.

Gulat na gulat pa rin ang lahat sa nangyayari ngayon sa Battlefield, lalo na ang tagapagsalita na si Ian Chow. Agad na naglaho si Ian at sumulpot siya sa harap nila Izalem at Haliya.

Kasabay ng pagsulpot ni Ian ay sumulpot din ang mga guro nila Izalem at Hamaro na sina Atom at Bea. Inalayan ni Bea si Hamaro at tinulongan niya itong tumayo.

Seryosong nakatingin si Ian kay Izalem. "Izalem bawal ang ginawa mo, naglabag ka ng batas sa Warriors Battle. Pinakaalaman mo ang mga naglalaban." Tugon niya dito.

Nagsalubong ang mga kilay ni Izalem. "Kung kayo natitiis niyo makitang sinasaktan ang mga kaibigan, pwes ibahin niyo ako! Kailanma'y hindi ko hahayaang masaktan si Haliya, o kahit sino man sa mga kaibigan ko!" Napataas siya ng boses.

"I-Izalem huwag na, hindi mo na kailangan pang pahirapan ang sarili mo para lang sa akin...masyado na kitang inabala, susuko nalang ako sa labang ito..." naging mababa ang tuno ng boses ni Haliya na parang nanghihina pa siya.

"Haliya 'yan ang hindi mo dapat gawin. Sir Ian nais ko po mag volunter para sa amin ni Haliya, ako magpapatuloy sa laban niya. Pakiusap, payagan niyo po ako..." puno siya ng determinado.

Natahimik si Ian at mukhang pinag-isipan ang kahilingan ni Izalem. Ilang sandali pa'y naglaho siya at sumulpot siya sa gitna ng dalawang mahalagang tagahukom na sina Protector Nayde at Sinaunang Shadow Andres.

"Protector Nayde at Shadow Andres, may kahilingin po ang batang si Izalem..." wika niya.

"Ano 'yon?" Tanong ni Shadow Andres.

Bumuntong hininga muna si Ian bago sumagot. "Hiling niyang siya ang tutuloy sa laban ni Haliya kay Hamaro." Sagot niya kaya natahimik ang dalawang tagahukom at nag-iisip sila ng kanilang maging desisyon.





Mayamaya ay ibinigay na ng dalawang tagahukom ang kanilang desisyon, kaya naglaho na si Ian at sumulpot siya sa kung saan talaga ang pwesto niya kanina bilang tagapagsalita, may hawak na siya ng microphono.

"Ang ating Protector Nayde at Shadow Andres ay pumayag sa kahilingan ni Izalem na siya ang magpatuloy sa laban ni Haliya kay Hamaro! Ngunit, kung matatalo si Izalem ay pariho silang talo ni Haliya!" Marami ang nagulat sa anonsyo ni Ian.

Dahan-dahan na tinulongan ni Atom si Izalem na alalayan si Haliya para madala nila ito sa gilid ng Battlefied at nang ito'y makapaghinga. Samantala si Hamaro nama'y matuwid ng nakatayo at nasa tabi naman niya ang gurong si Bea.

Atlas Volume 2 [Warriors Battle] Where stories live. Discover now