Chapter Four: King of War

2 0 0
                                    

Kung may maipagmamalaki man ang San Rafael iyon ay ang magandang lokasyon ng probinsya. Sakto ang klima, maganda ang topograpiya at may disiplina ang mga naninirahan sa kanilang kapaligiran.

Alas-otso na ng umaga, at sa ganoong oras ay malamig pa rin yumakap ang hangin. Binabaybay nila Clover at Aries ang kahabaan ng San Rafael Purok Dos, sakay sa minamanehong delivery van ni Aries, patungo sa Centro para magsupply ng mga halamang inorder ng isang shop malapit sa palengke.

"Naglagay ka ba ng kolorete sa mukha?" Panimula ni Rain, na kasalukuyang nagmamaneho at panakha-nakhang tinitingnan si Clover. "Huy! Nakatulala ka, tinatanong kita," pagtataas ng boses ni Aries ngunit sa kalmadong tono.

"Ah, ano nga ulit yon?" Muling inulit ni Rain ang tanong ngunit may kasunod na, na salita.

"Di pantay foundation mo,"

Dali-dali kinuha ni Clover ang foundation sa kaniyang bulsa, at sinipat sa salamin ang kaniyang mukha.

"Nagpuyat ka ba?" Nakakusot na ang mukha ni Aries sa estadong iyon, wari ba'y ilang sandali ay manunuwag na.

"Nanonood kasi ako ng K-"

"Hindi ka na teenager Clover para paalalahanan, saka may negosyo ka na, wag mo naman abusuhin sarili mo. Itigil mo na yang revenge procrastination na yan ha," tuloy-tuloy at walang preno na litanya ni Aries. "Tigas ng ulo," pabulong niyang pahabol.

Napahugot na lamang ng malalim na paghinga si Clover, saka isinilid ang foundation sa kaniyang bulsa. Napaisip siya na bakit pag siya ang nagpapaalala kay Aries ay tila aso ito na kung saan magsusuot para lang hindi marinig ang sermon niya. Habang siya animo'y mambubusal ng bibig para di na siya makasagot pa ng pabalik.

"Nagsalita ang hindi matigas ang ulo," pabalik na bulong ni Clover habang nakatitig sa labas ng bintana.

"Ano?" Singhal nito.

"Galit ka? Ha!" Pabalik na singhal ni Clover, saka nakita ang madilim na mata ng kaibigan, senyales na hindi ito nakikipagbiruan. Kung kanina ay may tapang pa siya na gantihan ang kaibigan, sa isang iglap unti-unti siyan tumiklop na parang makahiya. "Sorry po, di na mauulit, daddy," susog niya sa malambing na tono, at pinaamo ang dalawang mata. Napansin naman niya agad ang pamumula ng kaibigan na hindi niya maiwasang di usisain. "Namumula ka, mainit ba?"

"Tsk, wag ka maingay, ang daldal mo na naman," iritableng sambit ni Aries, saka pinatugtog ang radyo.

"You're the one that I want to be with," unang linya sa kanta na pumailanlang sa tahimik na paligid ng dalawa.

"Never wanna be separated" ikalawang linya, kung saan matatagpuan ang binatang si Aries habang nagmamaneho na sumusulyap sa kaibigan na ninamnam ang paghampas ng hangin sa may bintana, hanggang sa wakas ay lumingon ito sa gawi niya at magtama ang kanilang paningin.

"I'm captivated" ikatlong linya, ang tagpo na ngumiti si Clover. Tila ba hinihigop si Aries ng mga mata ng kaibigan dahil hindi lamang labi nito ang kumukurba kundi maging mata nito ay may bakas ng kasiyahan ng sandaling iyon.

"Hoy, yong mata mo dapat sa daan," wika ni Clover na nagpabalik sa wisyo ni Aries. "Nakakatakot na yang mga habit mo Aries, ikaw ata ang puyat eh, mamaya mabangga tayo-"

"Hindi," baritonong wika ng kaibigan.

***

Nang marating ang palengke sumalubong ang mga taong pumaparoon at pumaparito. Bumaba ang dalawa, at binitbit ang mga halaman at bulaklak. Pumasok sila sa maingay na palengke, at hindi maiwasang hindi makaramdam ng hiya si Clover, dahil sa mga tingin na ipinupukol ng ibang kalalakihang nasasalubong niya, kaya naman bahagya niyang inilalapit ang sarili kay Aries, para maibsan ang kaba.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 16, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Floral Green (BL)Where stories live. Discover now