Chapter Three: Drowning by Droplets

1 0 0
                                    

Kung ang ulan tumitigil sa pagpatak, ang mga luha ba ay may katiyakang tumigil sa paglandas?

Gabi-gabi ay patuloy ang pagdalaw ng ina ni Rain sa kaniyang panaginip, may mga eksena noong siya ay nasa walong taong gulang pa lang at nasa tamang edad na, at ang paulit-ulit na eksena ay ang pag-awit nito ng kundiman sa kaniya, ang masasarap na luto at matatamis nitong ngiti. Malinaw na pinapaalala sa kaniya ng kaniyang panaginip.

"You are the one who makes me happy..."

Linya ng isang awitin na pumapailanlang sa pasilyo kung saan lumalakad si Rain papalabas ng apartment, ang awitin ay nagmumula sa lumang radyo ng landlady sa entrada ng apartment. Abala ang babae sa pagpikit, tila ba ninanamnam ang bawat hibla ng awitin.

Lunes ngayon, unang araw ni Rain sa art center. Maayos naman ang kaniyang tulog ngunit hindi niya ramdam dahil gabi-gabing buhay na buhay ang kaniyang sistema sa loob ng kaniyang panaginip.

Nang makarating sa art center sumalubong sa kaniya si Kaila at sinamahan sa kaniyang silid na nasa ground floor lang, wala pang mga estudyante siya pa lamang ang naroroon.

"May fifteen minutes pa bago mag-start ang class mo, free yourself from pressure, Rain. Hindi naman mangangagat students mo," turan ni Kaila saka ngumiti at iniwan ang binata. 

Lumunok si Rain at inayos ang kaniyang kuwelyo, nakasuot siya ngayon ng beige long sleeve at dark olive green na smooth thick texture na pants. Kalauna'y huminto ang oras ni Rain nang unti-unti ay dumarating na ang kaniyang mga estudyante, nakangiti ito sa kaniya at bumabati ng magandang umaga.

"Halika na, Mykael, nandiyan na si Teacher oh!" Aniya ng batang nasa edad trese, hila-hila ang isa pang lalaki na mas matangkad sa kaniya.

"Ayoko nga Angelo, gusto ko mag-games, ano ba!" Panay hawi nito sa kamay na nakahawak sa kaniyang braso.

Agad namang lumapit sa may pinto si Rain para pigilan ang alitan ng dalawang binata na nakakuha ng atensyon sa ibang estudyanteng nasa loob.

"May problema ba? Baka makatulong ako?" Ani ni Rain.

Inangat ng dalawa ang tingin patungo sa kaniya.

"Wala po, masama lang po gising ng kaibigan ko hehehe," si Angelo ang sumagot.

"Ayaw ko kasi dito, mas gusto ko mag-games, nakakainis kasi si mommy." Pumadyak si Mykael at nakangusong-labi na kumamot sa likod ng ulo.

"Mas lalo kang malalagot kay Tita pag di mo siya sinunod, mamaya ka nalang mag-games after class," untag ni Angelo sa kaibigan.

"Oo nga naman, ano nga pangalan mo?" Inayos ni Rain ang salamin at binasa sa nameplate ang pangalan ng binata, " My-ka-el,"

"It's My-kel, not My-ka-el, sounds I'm owned by someone," pagtatama niya.

"Oh, sorry, so okay na ba? After class you'll do your own stuff?"

"Do I have a choice?" Pabalang niyang sagot saka nag-martsa patungo sa bakanteng upuan.

"Sorry po, teacher, pinaglihi po kasi siya sa isang kontrabida sa teleserye tuwing hapon," sabi ni Angelo na saglit na tumingin sa kaibigan, "tingnan mo teacher kamukha ni Daniela Mondragon, rawr!" Saka humagikhik, hindi naman napigilan ni Rain na mapangisi (bahagya lamang) at umiling.

Naging maayos ang takbo ng klase, payapa na natapos ang unang shift niya. Kaniya-kaniyang nagpaalam ang mga students niya matapos ang activity nila na pag-sketch. Naiwan na lamang siya mag-isa, at kumain ng chicken soy sauce noodles, mabuti na lang may water dispenser din sa loob para sa mainit na tubig, saka kinuha ang watermelon milk soda na itinabi niya sa may mini fridge ng art classroom. Pagkatapos noon ay umalis na muna si Rain at nagpaalam kay Kaila.

The Floral Green (BL)Where stories live. Discover now