Salamin (Filipino)

32 2 0
                                    

Salamin, salamin, iyong palabasin
Ang aking hinahangad at ang aking ninanais,
Mata sa mata mo ako tingnan,
Patak ng kulay pulang likido mula sa aking balat iyong hagkan.

Salamin, salamin, ipakita mo sa akin
Ang lihim na 'ako' na siyang nananalangin.
Makinis na kutis ko'y kabighabighani,
Mula sa hiram na balat mula sa akong alipin.

Salamin, salamin kamay ko ay iyong hawakan,
Ako'y dalhin mo kung saan ang kaliwa ay kanan.
Salamin, salamin ang ilusyon ng mundo,
Mata sa mata mong makikita kung ano ang totoo.

Under the Stars I Write Where stories live. Discover now