Juan (Filipino)

53 3 0
                                    

Nakakapagod maniwala sa pangako ng parlamento,
Nakakatamad mamili kung puro sila pabango.
Maniniwala na lang ako kapag natupad na nila ang kanilang pangako.
Kaysa sa makitang naglalamangan lang sila para makakuha ng sapat na pabor.

Puro ingay ang paligid, nakakapagod ng makinig.
'Dapat ganito, ganyan. Tama ito, mali iyan,' dikta ng iyong paligid.
Nasaan ang pagkakaisa ng isang pangkat,
Kung lahat naman ng tao ay nagkakawatak-watak?

Nais ng mga tao na ang mundo nila ay magbago,
Paano mahuhulog ang mansanas sa puno,
Kung naghihintay lang si Juan na naka-nganga?
Bakit puro salita? Bakit kulang sa gawa?

Kumilos ka munting Juan,
Huwag ka maging mangmang.
Kunin mo ang mansanas sa puno.
Huwag umasa sa pabango dahil di magtatagal ito rin ay babaho.

Under the Stars I Write Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt