From Me to You (Prompt)

63 11 5
                                    

A Wedding Speech for a Friend

Memories.

Hindi ko mabilang ang mga araw na nagpropromt ang notifs sa Facebook patungkol kung sino, ano, at mga nakasama ko sa mga nakalipas na taon. Jusko nosebleed!

Iilan dun ay ang pangalan mo.

Jamelyn.

Siya yung kaibigan mo na laging UPDATED tungkol sayo, yung may na post ka lang, either bigyan ka niya LIKE or Comment...Dati kasi mema post lang ako: Auto Liker po yan.

Well hanggang ngayon naman po.

Kapag nga nakikita ko yung mga pinagpopopost ko dati, either mairita ako kasi nakakahiya or nakakatawa, kasi nangyari pala yun sa tala ng buhay ko.

Sabi ng iba, kapag daw nag tagal ng PITONG TAON ang friendship mo sa isang tao, ibig sabihin nun, "good luck" kasi forever na daw yun.

Sa saya at lungkot.

Sa hirap at ginhawa.

Hindi siya nagsasawa... mapapagod... sa kakakinig sa drama at topak mo sa buhay.

Wala siyang choice kundi ang damayan ka. Samahan ka maglakad mula office hanggang sa mall after shift.

Samahan ka kumain. Lumaklak ng kape. Mag ice cream at ang pinakamalupit sa lahat eh yung samahan ka matulog sa pantry kapag break time. Yun ang the best.

Pero kung babalikan lahat, isa lang ang masasabi ko.

Hindi ko ineexpect na maging kaibigan mo.

Hindi ko ineexpect kasi parehas tayong tahimik. Observant. Nakikisama. Pakiramdaman.

Malay ko ba kung ano ang iniisip mo sakin dati.

We're both introverts.

Wallflower. Low profile.

Kung kausapin ka, kakausapin mo. Ngingitian ka, ngingitian mo lang din.

Ni hindi ko nga alam pano tayo naging close. Kasi parang biglaan lang.

Dati kasi akala ko mas mataas ka sakin.

Well, kung iisipin din literally, Oo. Obvious naman yun.

Well kasi gawa siguro kung pano ka makipag interact.

Ang mature, responsible at organize mo plus factor is Leader type ka, hindi ka lang aware.

Akala ko pa dati, ikaw yung hindi ko makakasundo kasi alam ko sa sarili ko dakilang pasaway ako. I'm your complete opposite.

Madali mabored at hindi mapakali kapag sobrang tahimik though madaldal naman ako, pero pili lang naman ang mga kinakausap ko.

So pag wala makausap, now you see me, now you don't ang peg ko.

Pero nung nakilala kita...

Hindi ko talaga ineexpect na click tayo.

Ayoko bilangin ung araw na nagtiyaga ka sa topak days ko. Sa high and lows ko. Plus na din yung kaabnormalan moments ko.

Yung memory mo sa akin na: "Si Nana nagpaalam lang mag banyo pero tumakas na pala".

Ninja kasi ako dati eh.

Yung mga moods na parang jengga lang.

One wrong move, lahat tumba.

Nakakahiyang balikan, pero ngayon ko lang narealize, sa mga panahon na iyon, you were always there for me and those memories held such great value in me.

Ika nga ni Benjamin Franklin: "Tell me, I'll forget. Show me, I may remember. Involve me and I'll understand."

Days become weeks, weeks become months, months become years.

I lost count, but through the years, heto pa tayo.

I didn't expect that you'll keep me and let me be me.

For the past years, it is trust that binds us. Our friendship might bend sometimes, but it won't ever break. Because I am secured with your loyalty and promise.

Sabi nga ni mommy ang kaibigan na tulad mo ay biyaya ni Lord. Isa ka daw sa Angel in disguise sa buhay ko.

Buruin mo nga, mas may tiwala siya sayo kesa sakin. Ikaw na daw ang bahala sakin kapag hindi nya ako nababantayan. Tapos mas Ate ka pa ng kapatid ko.

Ako na selos. Edi ikaw na ang anak. Joke lang.

Pero kung totoo man ang reincarnation, sana nga maging magkapatid tayo.

Specifically sana maging Ate kita. Ate naman kita talaga. Ayaw mo lang tawagin kitang Ate.

Pero kung hindi man, sana magkakila tayo ulit at maging magkaibigan ulit.

Malay mo maging accomplice ako ulit ni Jepoy sa pagkuha ng ring size mo or maging annoying little sister ni Jeff na close mo. Basta connected pa din sa inyo.

Mission impossible man, heto kayo ngayon. May suot na singsing parehas.

Pero ang mas hindi ko inaasahan eh yung maging involve.

Yung kinuha mo ako bilang abay mo. To think na alam mo first time ko maging abay at ayoko magheels.

Plus pa ang mag speech na akala ko, eh joke lang. Well, now that I'm half way through, I hope you guys didn't regret this.

Ayoko din naman madisappoint kayo.

I love you both!

Jame, hindi sapat ang salitang thank you.

Sa respeto.

Sa pagunawa.

Sa tiwala.

Sa oras.

Sa tigaya.

Sa pagaalaga.

Sa loyalty at higit sa lahat sa unconditional love.

Kung sa kaibigan nga nagawa mong ibahagi ito sa akin, what more pa kay Jepoy? Di ba?

You have a big heart to share.

Thank God that you found your better half to share the rest of your life with.

Congratulations kasi isa kayo sa success stories ng LDR. Matagal man nagsimula ang relationship niyo, pinagtibay naman yun ng friendship ninyo. Kung baga alam niyo na ang timpla ng isa't isa.

Sabi nga sa libro na kinaadikan natin, "There are people you meet that you get to know, and then there are people you meet that you already know."

Hindi ko sure if tanda mo. Sa Confess yun, by Colleen Hoover.

Ngayon at kasal na kayo, sana huwag nyo malimutan kung saan kayo nagsimula.

Pagtibayan pa sana ng pagkakaibigan ang samahan ninyo.

"Humble beginnings come great things."

Congratulations to your wedding.

It's an honor to be here and thank you for having me involved in your life.

Thank you for being my friend and my sister.

From me to you, from the bottom of my heart: I love you. Always.

Under the Stars I Write Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt