Napapitlag ako sa kinauupuan ko nang mabasa ang isang post na bago lang. Mga 5hours pa lang.

"Pucha, sino ba tong bwisit nato?" Bulalas ko nang makita ko pa ang picture ko dun na nakapang-hospital gown.

"Bakit?" Takang tanong sakin ni Kaede.

Pinakita ko sa kanya ang cellphone at siya din ay nagulat sa nakita.

"Tsk. Paano niya nakuha ang picture ko? At talagang dun pa sa ospital!" Narinig ko pa ang tawa niya.

Nang tumunog ang notification bar ay agad kong pinindot yun at bumungad sakin ang Isa na namang post na galing parin sa iisang tao.

'By the way, I'm your stalker baby. Yes, I'm your stalker at proud ako dun!'

What the heck? Stalker her ass! Inis na pinakita ko ulit kay kaede ang cellphone ko.

"Grabe namang stalker yan!" Aniya.

At talagang ti-nag pa ako. Friend kami? Paano? Siguro hindi ko lang napapansin. Kapag Kasi may nag-aadd sakin ay basta-basta ko lang ikinomfirm.

"Pag nakita ko talaga ang babaeng to, gigilitan ko siya sa leeg!" Gigil kong sabi saka tumayo. "Mauna na ako sayo, Kaede. Baka sumabog ako nito!"

"Hahaha! Sige." Lumabas ako nang bar at tinungo ang kotse ko.

Pinausad ko yun pauwi nang bahay. "Hey, mom!" Bati ko Kay mommy. My adopted mother.

"Oh, bakit andito ka na? I was expecting na hatinggabi ka na makakauwi." Kiniss niya ako sa cheek.

"Ahm.. napagod lang po. Mom, punta lang akong kwarto." Dali akong umakyat sa second floor at pumasok sa kwarto ko.

Gusto kong malaman kung sino ba talaga yung babaeng yun. Sinisira niya ang araw ko. Oo nga at playboy ako pero ayokong may stalker ako. Sabi nga nila, nakakainis magkaroon ng stalker dahil walang araw na hindi ka pepestehin. Tss. Ayoko nang sakit sa ulo.

Inis kong inihiga ang sarili sa kama at di namalayang nakatulog.

****

"Tsk. Bakit ba iniwan mo si Kaede kagabi ha? Alam mo bang may nambastos sa kanya? Kung hindi lang ako dumating, anong nangyari sa kanya?" Napangiwi ako sa sigaw ni Zares.

Napakamot ako sa ulo ko. Nandito kasi kami ngayon sa bahay nila dahil birthday ni tita, ang mommy niya.

"Sorry na, bro. Nainis lang Kasi ako kagabi eh. Pramis, hindi na muulit!" Naka-peace sign pa ako sa kanya. Sinamaan niya lang ako ng tingin. "Teka nga, mukhang gwapong-gwapo ka ngayon ah! Ano, sinagot ka na ba?" Nagtaas-baba pa ang kilay ko.

Nagkibit-balikat siya at sa isang iglap ay nag-iba ang aura niya. Naging maliwanag na.

"Kami na.." aniya na may sumilay na ngiti sa kanyang labi.

Napamaang ako. "Wee? Baka naman guni-guni mo lang yan sa sobrang pagkagusto mo sa kanya." Sabi ko.

Ngumisi naman siyang parang aso. "She's here so you can ask her." Aniya at may tinuro sa likuran namin saka ako tinalikuran.

Nanlaki ang mata ko habang nakatingin kay Kaede na kausap ang mommy ni Zares. Nakita ko si Zares na lumapit sa kanila.

"Kaede!" Tawag ko kay Kaede.

"Daren!" Agad siyang ngumiti nang makita niya ako. Dali akong lumapit sa kanila.

"He's right! You're here. Akala ko nagbibiro lang si Zares hahaha!" Lumapit ako sa kanya saka bumulong. "Totoo bang kayo na? Baka kasi gino-goodtime lang ako ni Zares." Nakita ko pang napangiwi siya sa sinabi ko.

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin