CHAPTER 6: OBSERVATION

8 2 0
                                    

Hindi naman mapakali si Anaya sa loob ng clinic dahil kanina pa tumatakbo sa isip nito ang mga nangyayari sa labas na hindi pa rin tumitigil hanggang ngayon

"Hindi pa ba tayo aalis?" pabulong nitong bulyaw sa mga kaibigan na kanina pa nakatingin sa CCTV monitor sa loob ng Clinic

"Hey!" tiningnan naman na siya nung tatlo dahil duon

"Hindi niyo ba narinig?" panimula nito "Isang grupo lang ang ililigtas nila, hindi pa ba tayo aalis dito para mauna na duon?" tanong nito

"Hindi mo ba narinig?" panimula ng pangalawang nakakatanda na si Averie

"Infected na ang grupo ng Library at Laboratory" panimula ng dalaga "Meaning, we have the upper hand now, idagdag mo na din na may monitor tayo"

"So, anong plano?" tanong nito at muli naman siyang tiningnan nang dalaga

"We'll wait" sagot nito dahilan para mangunot ang noo ni Anaya

"Maghihintay?" tanong nito "Seryoso ka ba, Averie?"

"Averie, matalino ka. Gamitin mo naman ang utak mo, hindi nila tayo ililigtas-"

"Puwede bang manahimik ka" utos ni Jaz sa kaibigan

"Ginagamit ko na ang utak ko Anaya" sabi nito bago muling mag-sulat sa notebook nito tsaka tingnan ang kaibigan "We'll wait here, and observe them"

"Alamin natin kung paano nagiging zombie ang normal na tayo, anong nakaka-distract sa kanila at kung ano ang nakaka-attract sa kanila. Para aware tayo" paliwanag nito

"Mga tao tayo. May utak tayong well-functioning, kailangan mo lang gamitin nang maayos" dagdag nito at nakangisi naman siyang tiningnan ni Ara at Jaz habang si Averie naman ay bumalik sa pag-oobserba sa mga zombie

Naglakad naman si Anaya papalapit sa mga kaibigan at naupo sa kama na malapit sa monitor "Ano nang...nalaman mo?" tanong nito at napatayo naman si Anaya nang ilipat ni Averie ang CCTV at ituro nito ang monitor

"Nakikita mo tong Zombie na to, kanina pa siya diyan" sabi niya sa zombie na tila nangangapa sa loob ng shower room sa gym

"Mga bulag sila, hindi sila nakakakita sa dilim" sabi niya at napatango naman ang tatlong dalaga

"I think mas maganda kung aalis tayo ng mga pagabi na, para safe kumilos" sabi nito bago tingnan ang nakakatandang kaibigan "Ano sa tingin mo?"

"Kung yun lang naman ang mas safe na choice, why not" sagot nito at muli naman siyang tinalikuran ni Averie bago ilipat ang CCTV sa Library at Laboratory

"Mag plano na tayo" sabi nito at agad namang nagsitayuan ang mga kaibigan niya

Tumayo naman na ito bago binuksan ang bag at tanggalin ang mga hindi importanteng gamit "Gawin niyo din to" sabi nito at agad naman siyang sinunod ng mga kaibigan

"Nasa clinic tayo, ibig sabihin. May mga first aid kit dito" sabi nito bago libutin ang buong Clinic at nang mahanap ang mga first aid-kit na nanduon ay chineck na muna nito na kumpleto ang laman nuon bago ito ibigay sa mga kaibigan at ilagay na ang para sa kaniya sa bag niya

"May mga tinitinda si Tita Nurse na pagkain" sabi nito bago puntahan ang table nang nurse at kunin duon ang tinitinda nitong pagkain at isa-isa itong binigay sa mga kaibigan

"Ano pa ba?" tanong nito sa sarili habang tinitingnan ang paligid

"Tubig" sagot niya bago pumunta sa may ref duon at kunin ang mga tubig na nanduon at ibigay sa mga kaibigan

"Okay, duon na tayo sa plano" sabi nito at tumango naman ang mga kaibigan niya bago siya tinabihan nang maupo ito sa kama

Kumuha naman ito nang ballpen bago nagsimulang magsulat sa hawak nitong notebook;

"Okay...bukod sa gabi tayo aalis dito...ano pa?" tanong nito bago tingnan isa-isa ang mga kaibigan

"Kailangan muna natin malaman kung ano ang nakaka-distract sa kanila, dahil ang daming zombie ang nasa hallway natin" sabi nito dahilan para tumayo si Jaz

"Puwede mong ilagay sa may labas yung CCTV, may naisip ako" sabi nito at tumango naman si Ara bago ito sinunod at napatingin naman si Averie kay Ara at si Anaya naman ay kay Jaz

Maingat na binuka nang dalaga ang bintana bago ibato ang metal na pencil case ni Anaya sa labas dahilan para makagawa ito nang tunog bago mabilis na isara ang bintana at ang kurtina

"Shet..." mahinang mura ni Ara at Averie nang makitang nagsipuntahan sa puwesto na iyon ang mga grupo ng zombie

"Malakas na ingay" sagot ni Jaz

"Shit!" gulat na ani Ara dahilan para mapatingin sa kaniya ang tatlong kaibigan

"Tingnan niyo to" sabi nito bago ilipat ang CCTV sa may hall ng Laboratory kung saan may zombie na naglalakad at may nakatusok din na shard glass sa tiyan nito pero ang dahilan kung bakit napamura si Ara ay dahil sa laki nito

"Parang siya yung protein monster sa Sweet Home" sabi ni Averie at napatango naman si Anaya nang wala sa oras

At nang ilipat pa ni Ara ang CCTV ay may isa pa silang nakitang kahinaan ng mga zombie "Patay na talaga siya" sabi nito bago iikot ang mouse sa ulo ng zombie na sinaksak ng screwdriver

"So, aim for the head" sabi ni Averie bago ito isulat sa notebook niya

· Nadi-distract sila sa malalakas na ingay

· Can't see in the dark

· Can be easily distracted sa mga loud noise

· Aim for the head

Nagkatinginan naman si Jaz at Averie matapos magsulat ng dalaga "Okay ka lang?" tanong ni Jaz at tumango naman si Averie kahit na parang lalabas na ang puso nito sa sobrang bilis at lakas nang pagtibok

"Tulungan niyo ko!" napaigtad naman sila nang marinig iyon sa labas ng clinic "Tulungan niyo ko!"

Agad namang nilipat ni Ara ang CCTV sa may pintuan nila at nakita ang isang babae na kapwa nila estudynate na nagmamakaawa duon at akmang tutungo na sa pintuan si Anaya ay pinigilan siya ni Jaz

"Kailangan niya nang tulong" sabi nito dito pero napatingin naman ito nang ituro ni Jaz ang monitor

At nangunot naman ang noo nito nang lagpasan lang ito nang mga zombie "Yung kamay niya" sabi ni Ara at napansin naman nila ang halos lumalabas nang ugat sa kamay nito

"Tulong..." naiyak nitong sabi at napahawak naman sila sa mga bibig nila nang humarap ang babae sa CCTV at nakita ang kagat nito sa may kanang mata

"Tulungan niyo ko please, may anak pa ako..." sabi nito at napayakap naman si Anaya kay Averie dahil duon "Kailangan ko pang uwian ang anak ko"

Makalipas ang ilang segundong pagmamakaawa ay napaluhod ang babae bago nagsuka "Shet..." mura ni Averie nang tuluyan na ngang maging zombie ang babae at naglakad na palayo sa Clinic

"Tangina" mura ni Ara bago lingunin ang mga kaibigan "May anak siya" sabi nito dito

"Magiging doktor pa tayo. Pasensyahan na lang" sagot ni Averie bago haplusin ang ulo ni Anaya at dumiretso sa lamesa nang nurse para isulat o i-drawing na ang plano nila

Hindi naman makapaniwala si Jaz sa narinig mula sa kaibigan kaya nang umupo si Ara sa tabi ni Anaya ay agad niyang pinuntahan si Averie

"Sea..." tawag nito dito bago hawakan ang balikat nito

Nilingon naman na siya nang kaibigan at duon niya nakita ang naiyak nitong bulto "Gusto ko din siyang tulungan, naaawa ako sa anak niya..."

"Pero magiging doktor pa ako, magiging doktor pa tayo. At hindi sila ang magiging dahilan para hindi matupad yun" sabi nito at niyakap naman na siya ni Jaz

"Magiging doktor pa ako" sabi nito at tumango naman si Jaz bago hagurin ang likod ng kaibigan

THE EXPERIMENTWhere stories live. Discover now