Agad na bumalik sa ibabaw na mga tubig si Atlas na isang isdang naglalangoy at pagkaabot niya sa ibabaw ay "Balik anyo!" Nawala na ang pagiging isda niya at bumalik siya sa taong anyo.

Halatang-halata ang pag-aalala ni Atlas kay Juan na kakatapos lang sumuka, at hinahaplos ni Atlas ang likod ni Juan. Ilang saglit pa'y napanganga nalang si Atlas dahil bigla nalang natawa si Juan kahit nahihirapan ito dahil kakasuka lang, pero hindi naman naiwasang matawa ni Atlas dahil sa kakatawa ni Juan.

"Hahahahaha...bakit pa kasi ako nag anyong ibon...? Napahamak ko pa tuloy sarili ko hahaha..." tawanan niyang halos sumasakit na tiyan niya at sinasabayan naman siya ni Atlas.








Sa pagbalik tanaw ni Juan sa kung paano nabuo ang pagkakaibigan nila ni Atlas ay naririnig pa niya sa kaniyang isip ang tawanan nilang dalawa ni Atlas na nagkasayahan sa batis na nilalangoy nila, habang nanatili siyang nakatitig kay Atlas at nakasandig sa dingding ng Battlefield at nakaupo sa lupa.

Dahan-dahan na humarap si Atlas at nang makita niyang nanghihina at sugat-sugatan si Juan ay labis siyang nag-aalala kaya dahan-dahan siyang lumakad para lapitan si Juan. Ngunit napahinto si Atlas sa paghakbang nang makitang dahan-dahan na tumatayo si Juan kahit na medyo nahihirapan pa ito.




Pagkatayo ni Juan ay marami ang napanganga nang dahan-dahan niyang inangat ang isang kamay at nagsalita ng nahihirapang tuno ng boses "Su-Sumusuko na ako..." sambit ni Juan na gumulat sa lahat.

Nanlaki ang mga mata ni Atlas "Hi-Hindiii...Juan, huwaggg..." pagtataas boses ni Atlas na halatang hindi niya matatanggap ang pagsuko ni Juan.

Dali-daling lumakad si Atlas para lapitan si Juan at hinawakan niya ang mga kamay nito. Labis ng nanghihina si Juan na halos kunti nalang ay mahihimatay na siya pero pinipilit pa rin niyang kayanan para makausap si Atlas "Si-Sinasabi ko naman sayo...ako ang tatapos sa labang ito..." saad ni Juan.

Napailang-ilang ng ulo si Atlas "Pe-Pero hindi sa ganitong paraan...at hindi lang ako ang may pangarap, may mga pangarap ka rin, kaya huwag kang sumuko!" Pagtutol ni Atlas sa nagawa ni Juan.

Kahit may mga luhang nagbabadya sa mga mata ni Juan ay mas pinili pa rin niyang ngumiti "Wala akong ibang pangarap sa buhay kundi ang makita kang naabot ang pinapangarap mong maging Protector...ang ginawa ko'y para sayo, para sa atin, nang sa ganun ay hindi na tayo magkasakitan...kaya pakiusap, tanggapin mo na ang iyong tagumpay mahal kong kaibigan..." puno ng determinasyon si Juan na mapapayag si Atlas.




Sa mga sinabi ni Juan ay pinipilit ni Atlas ang dahan-dahan na pagngiti, at dahan-dahan niyang inakbayan si Juan na ningingitian siya. "Ang nanalo sa labang ito, Atlas Dampasigan!" Anonsyo ng tagapagsalita na si Ian Chow.

Marami sa mga manunuod ang nagsitayoan at naghiyawan na may kasamang palakpakan at may ngiti sa mga mukha nila dahil sa labis nilang tuwa, lalo na sa mga pumusta kay Atlas. Lumingon naman sa isa't isa sina Atlas at Juan na nag-akbayan at ningitian nila ang isa't isa ng abot tenga at sabay nilang nilongon ang mga manunuod.

Mayamaya'y natahimik ang lahat nang biglang nawalan ng malay si Juan dahil hindi na nakayanan ng katawan niya, buti nalang ay kanina pa nakaakbay sa kaniya si Atlas kaya hawak-hawak siya nito.

Nag-aalala si Atlas kaya agad siyang naglaho kasama si Juan. Nagtataka ang mga manunuod kung saan dinala ni Atlas si Juan lalo pa't hindi sila sumulpot sa mga kasamahan nilang Warriors na nanunuod sa itaas.





Sa loob ng isa sa mga malaking Patients Room sa gusaling Medicalania ay sumulpot si Atlas habang hawak-hawak pa rin niya si Juan na walang malay. Itong Patients Room na pinasukan nila Atlas at Juan ay kwarto din kung saan nakapaloob ang dalawa sa mga kasamahan nilang Warriors na sina Jericho Rowan at Josh Lakan na nagpapagaling dahil sa laban nila kanina ni Jericho, kung saan ang nanalo ay si Jericho.

Atlas Volume 2 [Warriors Battle] Where stories live. Discover now