20

78.3K 2.3K 961
                                    

"Kitain ko na lang kayo mamaya sa may parking lot!"

Tumakbo na ako palayo dahil paniguradong late na ako. Hindi ko naman alam na ganon pala 'yon consequence ng pagbalik ko sa apartment. Aaminin ko na sobrang napagod ako!

Wala kasing Joax na gumising sa akin, nagluto, nagpaligo sa anak namin at naghatid sa akin! Idagdag mo pa na hindi ako pinatulog ni Verina! She was very noisy last night, madaling araw na, nakatulog.

"Miss Garcia?" saktong nag-aatendance na ang prof namin na si Mr. Domagoso.

"Present po!" Humihingal kong sagot, napahawak pa sa may hamba ng pinto.

He stared at me blankly. "And why are you late?"

"Wala po kasi akong masakyan." I half said the truth. Totoo naman! Walang taxi!

"l'll let this pass. Go to your sit now." sabi sa walang pakialam na boses. "Alam niyong ayaw ko ang nalalate sa klase. Next time, hindi ko na kayo papapasukin."

Tahimik ako naglakad sa may upuan ako at nakinig na. It feels like the lesson was 8 hours! Wala pa akong naintindihan dahil natutulog ang diwa ko! I just want to sleep!

Nang break time namin ay sinadya ko pang maglakad sa harapan ng office ng ama ng anak ko. Only to see that girl prof, holding my baby! What's her name na pala? Carla yata? Nakakairita! Gusto kong kunin ang anak ko! Nakikipagtawanan pa ang gagong si Joax!

"Hindi naman sila nakakakilig!" I whispered bitterly.

Nakakainis pa ang anak ko dahil humahagikgik!

Mainit ang ulo kong kinagat-kagat ang tinapay na binili ko. Dahil kailangan kong makalanghap ng sariwang hangin, nagtungo ako sa may side ng main bulding para maupo.

"Tol! Lalim ng problema ah?" Mabilis akong napatingala.

"Sino ka ba?" I rolled my eyes. Of course, I know his name pero badtrip ako ngayon kaya wala akong kilala!

"Lalim nga." Nathan heaved a heavy sighed before sitting beside me.

Kahit narito akong nagpapahangin ay si Joax pa din ang nasa isip ko! He's clouding my mind!

Agad akong humarap sa kaniya at hinawakan ang balikat niya. "May girlfriend ka na ba?"

His lips parted pero nakabawi din. "E-easy bro! I do things slowly."

"Tinatanong ko lang naman!" I slightly pushed him and took a bite again with my bread. "Feeling nito! May pa process-process pang nalalaman!"

"Ganon talaga!" He laughed. "But I don't have a girlfriend...."

"Weh?"

"Promise!" He raised his right hand. "Ikaw kung gusto mo?"

"Sige! Tayo na lang."

Napatayo ito. "Wait!? Ano!? Talaga!?"

"Syempre joke lang!" Tumawa ako ng malakas, hindi inakalang gusto niya pala! "Gagi, huwag mong sabihin crush mo ako?" Panay tawa pa din ako.

"D-duh! H-hindi no! You're not even my t-type." he slowly sat beside me.

"Ang sakit naman noon!" I held my chest. "Hindi rin kita type!"

Nagpaalam na din ako dahil may susunod pa akong class. Naglalakad ako papunta sa susunod kong klase nang maisipan kong magcheck ng phone. Bumungad sa akin ang maraming text ni Joax.

Thriving StandardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon