15

92.5K 2.8K 339
                                    

"Sige na! You can go! Kami na bahala sa baby niyo!"

Pinagtutulukan na kaming dalawa ni Ate Jill palabas ng pinto. Abot langit ang ngiti nito habang karga-karga ang anak namin kasama ang isang lalaking na sa tingin ko ay mas matanda kaysa sa kaniya.

"Yeah? So, you can do anything you want here with that bastard?" Joax said in a cold voice. Tiningala ko siya at nakita ang madilim nitong mata na nakatuon sa lalaki.

"P-paano mo nalaman my dear brotha?" gulat na tanong ng Ate niya, napahawak pa ito sa labi niya. She was literally just chilling.

Sikreto akong napangiwi. Si Joax naman ay tila'y hindi makapaniwalang tinignan ang kapatid niya. It looks like he wanted to say anything but he couldn't form any words.

"Y-you!" Gigil nitong dinuro ang lalaki. "Isusumbong kita sa kapatid mo, Dion! Wala akong pakialam kung mas matanda ka sa akin! Kapag may ginawa ka sa kapatid ko, ibabalibag kita diyan!"

Dion chuckled. "Don't worry, kung may gagawin man ako sa kaniya ay maganda 'yon."

"Siguraduhin mo lang dahil hahanapin kita sa kahit na anong impyerno kapag sinaktan mo 'yang kapatid ko!" Matulin nitong sabi.

Nakita ko ang pagsenyas ni Ate Jill sa akin na hilain na si Joax dahil aabot na naman ito sa awayan.

I pulled Joax out. "Halika na! Ate una na po kami! Bye bye my baby!" bumalik pa ako para mahalikan si Verina.

Kahit na nasa loob na kami ng sasakyan ay masama pa din ang timpla niya. Halatang umuusok talaga ang ulo pagdating sa Dion na 'yon. Something is off between them.

"Ano na kaya ang ginagawa nila doon?" Napatingin pa ako sa taas na tila'y nag-iisip.

Hindi man lang ito kumibo o lumingon!

"Baka nag-eenjoy na sila doon ah!" pagpaparinig ko pa. Gusto ko ng matawa lalo na nang lumingon ito sa akin habang magkasalubong ang kilay.

Pero ibinalik ulit ang tingin sa kalsada.

"Feel ko malapit na nilang mabuo." I whispered that made him break. "Ano ba! Muntik na akong mabukolan doon ah!"

His brows furrowed as he stared at me. "Mabuo?"

"Oo." I nodded. "Sabi pa nga nila mabuti na lang at naroon si Verina para may pagbabasehan sila!"

"Pucha," mariin niyang mura.

"Ako?" pinanlinsikan ko siya ng mata.

"Of course not. Tangina 'yong lalaki na 'yon," he muttered. "Dinamay pa ang maganda naming anak."

I chuckled mentally by the thought that he is thinking something different. He's really cute lalo na kapag namumula ito dahil sa galit. Sa kaniya pala nagmana si Verina, well, their both cute.

He dialed his phone as we arrived at the grocery store. Problemado itong, may nakatapat na phone sa tainga habang sinusundan akong tulak-tulak ang cart.

The whole store were filled with Christmas decorations, nagpapatugtog na din sila ng mga Christmas songs at ang mga saleslady ay nakasuot ng Santa Clause hat.

Thriving StandardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon