Bakit mahal ko ang Diyos?

15 1 0
                                    

Filipino version

Bakit ko mahal ang Diyos?
Dahil ako ay isang manlalakbay na walang dalang mapa
Ang mga kagulohan sa isip ko ay tila na hindi na matatapos
At Siya ang dumirekta sa aking mga paa

Siya ang dahilan ng aking ngiti
sa gitna ng bagyo
ang tanging sandata sa sentro ng gulo
hindi ko na kailangan pang ma-stress sa problema
dahil bago pa ito dumating, may sulosyon na

Iba man sa paningin ng iba
Siya ang dahilan kung bakit ako'y humihinga
Sa mundong may sari-sariling pananaw
Sa dilim Siya ang ang aking ilaw

Sa wakas,
hindi ko na kailangan makipagsiksikan pa
hindi ko kailangan na mangapa
sa lugar na hindi naman patas

Higit pa sa salita ang pag-ibig Niya
Pag-ibig na wala ng makakatumbas pa
Bakit manatili sa Diyos ang aking gusto?
Dahil ako ay naging isang uri ng tao
na hindi ko inaasahang
magiging ako.

Bakit ko mahal ang Diyos?

Dahil nalaman ko kung anong kaya ko,
sino ako,
at ano ang halaga ko Sakaniya
at sa mundong ito.

Poems for the KingWhere stories live. Discover now